[ Episode 5 ] No choice
Irish's POV
Nanggigil ako!!!
Kanina pa nagpaulit-ulit sa'kin 'yong huling sinagot sa'kin ng tongaw na 'yon.
"Choosy ka pa. Ikaw na nga itong pakakasalan eh. Tss"
At t'saka s'ya nagwalk out, ang kapal talaga!!! Tinanong ko lang naman kung wala na bang ibang option. Taz, 'yan ang sagot ng hinayupak. Nanggigil na naman ako!! Woooh!
Nakakuyom lang ang mga palad ko ng tapikin ni Mama ito na nagpabalik sa'kin sa wisyo. Ang lakas maka-beastmode ng lalaking 'yon.
As if, gusto ko s'yang pakasalan baka sakalin pwede pa! Tse!!
"Ano ba naman 'yan Irish. Lukot na lukot na 'yang damit na kakaplantsa ko pa lang. Akin na nga 'yan." Sita ni Mama kasabay ng pagkuha nito sa damit na hawak ko.
"Ah eh, sorry po. May nakakagigil lang po akong naalala." Sagot ko dito habang pinagpatuloy ko naman ang pagtutupi ng mga damit namin.
Linggo ngayon at dalawang araw na ang nakakalipas ng magsimulang magbago ang buhay ko. 'Yong makilala ko 'yong anghel na napag-alaman ko na hindi pala basta gwapo dahil mga bilyonaryo rin lahat sila. Si Greg, isang sikat na realstate developer. Under sa company n'ya ang mga sikat na mga subdivision and villages sa bansa plus some of the magnifiecient skycrapper in Asia. Hindi lang 'yon magkasosyo din sila ni Hans sa pagsupply ng petrolyo sa kalahating bahagi ng bansa.
Samantala, Hans dominate the world of entertainment.
Yes, he is the president and youngest successor of the most well-known and respected network in the whole country. Sa sobrang successful ng network under his supervision eh nagagawa na nitong papasukin ang mga local artist ng bansa under his network sa international scene ng walang kahirap-hirap.
And, Dr. Kalvies Aldregon. Full name? wala lang, ang ganda kasi sa pandinig ng buo n'yang pangalan eh. Hindi lang s'ya doctor, isa rin ang pangalan n'ya ang nangunguna sa larangan ng mga mabisang gamot. He owns the most trusted and known pharmateutical laboratory in the country as well as in Asia.
Lastly, Zentilliano successor. Only son and a tongaw in my sight. He is the youngest billionaire ever recorded on the Forbes magazine. He got his rank at 70th place at the age of twenty two.
At twenty four palang s'ya ngayon, ano pa kaya pag nag-edad na ito ng trenta. Edi trilyonis na ang kaperahan nito at susuko na ang calculator sa pagcompute ng pera niya. Gwad!
Anyways, hindi naman nakakapagtaka na yayaman s'ya ng ganun. Iba't-ibang negosyo din kasi ang pinag-iinvestan nito at nagsimula pa 'to nung nasa college pa s'ya. Malaki din ang impluwensya ng pamilya nito sa tagumpay na meron ito. Dahil isang sikat at pinagkakatiwalaan na consultant company ang meron ang pamilya nila. Sa tagal na nito sa industriya, marami na rin itong natulungan lumago ang negosyo ng katulad sa kanila.
"Ma. paki ulit nga po sa'kin 'yung dahilan kung bakit may arranged marriage na nagaganap sa pagitan ng pamilya natin at ng mga Zentilliano." Kasi hanggang ngayon di pa rin ma-digest ng genius kong mind.
"Nagsimula 'yon, sa lolo n'yo sa tuhod. Ang tatay ng lolo n'yo ang nagkaroon ng kasunduan sa pinaka makapangyarihang Zentilliano, ng sa panahong iyon eh dalawang beses nitong iligtas ang buhay nito at naging matalik na kaibigan sila pagkatapos at tinuring nang magkapatid ang isa't-isa."
Kaloka. Ang antiq naman pala ng kasunduang ito. Jusko.
"At dahil parehong gusto nilang magpatuloy ang ugnayan ng mga pamilya nila. Napagkasunduan nilang ipakasal ang mga anak nila. Ang kapatid ng lolo mo ang unang naging Zentilliano. At ng mag-asawa naman ang lolo mo, tanging ang Papa mo lang ang naging anak nito. Gayun din sa nakakabatang kapatid ng pinakasalan ng lola Jaina mo. At pareho pang lalaki. Kaya naudlot ang kasunduan,"
YOU ARE READING
ARRANGED MARRIAGE
Roman d'amourthis kind of story is already known by most of everyone... PINAGKASUNDO. FIX. ARRANGED. they are all the same. tighting your life into something YOU didn't plan .. and worst its about your LIFE that could change more than 360 degrees...