Prologue

35 2 0
                                    

"Ano ba, Shaun! Tara na! " Naiinip na ko, pero ang kapatid kong ito, masyado mabagal kumilos. Daig pa babae sa tagal mag-ayos.


Pupunta kasi akong plaza at dapat saktong alas tres ng hapon, nandoon na ako dahil kung hindi,

...hindi ko sya maaabutan.

"Ito na, masyado kang atat," Saad nya paglabas ng banyo. Aba talagang may gana pang magsungit ang kapatid kong 'to. Ang kapal!



"Ni hindi ka nga kilala ng inaantay mo," Aray ha. Masakit 'yon!



Akmang susuntukin ko na s'ya pero dahil magaling s'yang tumakas , ay mabilis syang nakatakbo at pumunta na sa kanyang kwarto para magbihis.



Humanda talaga sa'kin 'yun! Masakit yung sinabi n'ya ha!


PASADO alas dos na, nang matapos s'ya. Anak talaga ng nanay namin itong si Shaun. Ewan ko ba. Sa tuwing may pupuntahan ang pamilya namin, ako ang unang natatapos maggayak dahil lahat sila ang babagal kumilos.

"Aray ko naman ate! Masakit yon ah!" Nginisian ko s'ya nang pinalo nya ang kamay ko. Binitawan ko na ang tenga nya na piningot ko. Akala nya hindi ako makakaganti ha.




Asar nyang hinawakan ang tenga n'ya habang iniinda ang sakit. 'Yan ang napapala ng nagsasabi ng katotohanan, nasasaktan.


"Tara na nga!"

Well, totoo naman talaga ang sinabi ni Shaun,


...hindi ako kilala ng palagi kong hinihintay sa Plaza tuwing sasapit ang alas tres ng hapon.

Kung dati, hindi ko mawari kung anong meron sa lalaking 'yon at lagi ko s'yang inaabangan, ngayon, alam na alam ko na,

...gusto ko s'ya, gustong gusto.


Halos tatlong buwan ko na ring laging inaabangan ang lalaking 'to sa Plaza. Hindi ko alam ang buong pagkatao, as in wala, as in zero!

Ni hindi ko alam ang pangalan n'ya, ang address n'ya, maging ang eskwelahan kung saan s'ya pumapasok ay hindi ko rin alam.

Pero kahit ganoon pa man, feeling ko ang swerte swerte ko, dahil lagi s'yang nakatambay sa Plaza, nag-aaral madalas, nagkakaroon tuloy ako ng tsansang titigan s'ya ng matagal nang hindi n'ya napapansin.


Hays.




Sa tuwing naalala ko yung mukha n'ya parang gustong sumabog ng katawan ko sa sobrang kilig.




Kahit may kalayuan ang distansya namin sa tuwing tititigan ko s'ya, kitang-kita ko pa rin ang light brown nyang mata na para kong hinihigop kada tititig ako. At yung ilong n'ya na napakatangos. Dagdag mo pa 'yung jawline n'ya.




Ano ba kasing pangalan mo estranghero?




"Aray ano ba! Sapakin kita 'e!" Nakaamba na ang kamao kong sapakin ang kapatid ko pero nakaatras s'ya. Kung wala lang ako kailangan dito, binugbog ko na 'to 'e! "Bakit ka namamatok?! Ate mo ko ha!"



Pipingutin ko sana ang tenga nya pero nakatakas nanaman s'ya at nakatakbo na. Nakatawid na pala ang bwiset na 'to. Sa kakaisip sa lalaking 'yun, hindi ko namalayan na nasa kanto na pala kami.



Inirapan ko s'ya nang tumawa s'ya. Pasalamat s'ya at nasa kabilang kanto s'ya kundi tanggal na ang tenga n'ya panigurado! Hmp!




Hello, Stranger (Isaiah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon