Band
“H-Ha?”
Hindi ko alam kung nabibingi lang ako o sinabi n'ya talaga na gusto n'ya ako maging bokalista ng bandang bubuuin nila.
“Yes, I wan---”
“Hi,”
Naputol yung sasabihin ni Bryan dahil may nagsalita sa likod ko. Si Gen.
Wala na bang ibang alam na sabihin 'to kundi 'Hi'? And as usual, late nanaman s'ya. “I'll just talk to you later, Shiloh,” Tumango na lamang ako sa sinabi ni Bryan.
Hindi ko alam pero natuwa talaga ako nang sabihin n'ya 'yun. Sa wakas! Magkakabanda na rin ako. My ultimate dream!
Bago ako humarap kay Gen ay inayos ko muna nag sarili ko . “Hello,” Bati ko kay Gen. Ang gwapo n'ya lalo sa malapitan!
Tumango lang ito at tinulungan ako magset-up. Tatlo na kami nila Jo na nagseset-up. Ang iba'y nilalabas na ang kanilang mga instrumento.
“Mag-isip ka muna,” Napatingin naman ako kay Gen nang magsalita s'ya. Nakatingin s'ya saakin kaya medyo nailang ako. Mag-isip tungkol saan?
“Huh?” I asked.
Nagkibit-balikat lang s'ya at bumalik sa pag-aayos ng amplifier ng bass. Napakasungit talaga.
“Tss,” Ayun na ang huling narinig ko kay Gen kaya hindi ko na lang s'ya pinansin? Problema nun? At tsaka, mag isip?
Tungkol ba sa pag-aaya saakin ni Bryan na maging bokalista ng bandang bubuuin nila? Siguro nga.
Pero kung tutuusin, dapat ay mag-isip nga muna ako. Kikilalanin ko muna ang music ni Bryan. Baka mamaya ay magkaiba kami ng genre at mahirapan lang kami pare-pareho. Right. Mag-iisip muna ako.
Mabilis na dumaloy ang oras at tapos na ang session. Nagliligpit na kami. Ang iba'y nag alisan na. Lima na lang pala kaming nandito. Si Jo, si Gen, si Bryan at si kuya Owen.
“May lakad ka ba after this?” Napalingon naman ako kay Bryan na nasa likod ko dahil sa tanong n'ya.
Inisip ko kung meron pero wala naman akong maalalang lakad ngayon kaya umiling ako at bumalik sa pagliligpit. “Wala naman,”
“Then, let's stay. Let's jam,”
Napahinto ako sa ginagawa ko at nagtaas ng kilay na animo'y nagtatanong kung pwede bang magstay pa dito sa school.
He asked something to kuya Owen. “Yeah, sure, but make sure malinis n'yo itong iiwan ha,” he said.
So pwede?!
That is so nice! Nilibot ko ang tingin ko sa silid kung nasaan kami, hanggang sa dumapo ang tingin ko sa electric guitar ni Gen.
That's my dream guitar. Never ko pa nahawakan at nahiram kay Gen 'yun. Naikwento ko lang na pangarap kong gitara 'yun. I hope someday, mabili ko rin 'yun. Konting ipon pa, Shiloh!
“Ano game?” Nginitian ko si Bryan at tumango. Sabay naming sinet-up ang mini stage.
Napalingon naman ako kay Gen at Jo na ngayo'y nag-uusap sa labas. Hindi yata nila alam na mags-stay kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/63358793-288-k400236.jpg)
BINABASA MO ANG
Hello, Stranger (Isaiah Series #1)
Fiksi UmumI've been bumping a similar outsider for quite a long time. Finally, I chose to say hello. May 7,2020