Stranger 1

25 0 0
                                    

Estranghero

"Tara lunch tayo!"

Sa wakas! Tapos na ang nag-iisang subject namin ngayong araw.

Nakakapagod. Feeling ko ubos na ubos na ang buong enerhiya ko sa katawan. Nakakadrain talaga ang subject na 'to.

Nag-aya si Joey kumain at lahat naman kami ay sumang-ayon. Gutom na gutom na ko, gusto ko nang kumain.

Ayoko ko na mag Fine Arts! Sukong suko na 'ko. Kahit passion ko ang pagguguhit feeling ko hindi ako aabot sa graduation kahit pa na last year na namin ito.


"Tara, "

**

"Isa't kahalating kanin nga po, " Hindi ako pinapansin ng tindera dahil nasa bandang likod pa ako. Nakakainis naman talaga oh! Bakit ba kasi ang liit ko? 4'11 amp.


Nandito kami sa Cafeteria at kasalukuyang umoorder. Andaming tao, kaya pilit kong sinisiksik yung mga sarili namin.

"Aray ah! " Siniko ko yung isang lalaking nanulak sa'kin.

Kung gutom s'ya, mas gutom ako ha! Sinamaan ko s'ya ng tingin at aamba na sanang sikuhin s'ya ulit pero may humila na saakin. Si Joey.


"Ba't mo ko hinila?! Gaganti pa 'ko, bwiset!" Pero imbes na sumagot ay pinaupo n'ya ako at kinuha yung pera ko.

"Ako na, "

Napakamot ako sa ulo ko sa sobrang badtrip. Sobrang badtrip ko talaga ngayon. Isang dahilan ay ang prof namin kanina na napakasunget!


Ewan ko ba sa matandang 'yun! Nalate lang ako ng ilang segundo sa pagpasa ng papel kanina, ay hindi na tinanggap!

'Pag ako talaga bumagsak! Makikita n'ya! Hmp!


At isa pa, ang pinakanakakabadtrip sa lahat ay dahil tatlong araw ng hindi nagpapakita saakin ang estrangherong 'yun!


Tatlong araw na akong dumadaan sa Plaza kahit pwede na akong sumakay ng jeep paglabas pa lamang ng school. Diba? Napakagaga ko!


Ano na kayang nangyari 'dun?


"Oh ito na, boss. 'Wag ka na mabadtrip d'yan, " Nginitian ko si Joey dahil sa wakas makakain na rin ako. Hulog talaga ng langit ang lalaking 'to.


Nilapag naman ni Tin 'yung pagkain n'ya at umupo sa tabi ko. "Oo nga naman! Sasamahan ka naman namin ulit mamayang alas tres sa Plaza,"


Ito ang gusto ko sa mga kaibigan ko, supportive.

Plaza. Alas tres.


Araw-araw ito na ang routine ko. School-Plaza-Bahay. "Nakakainis na nga 'e, tatlong araw na syang wala, " Nakabusangot kong sagot. Wala tuloy akong inspirasyon ngayon.


"Pass pala ako mamaya. Kayo muna ni Tin, " Nagtatanong na tiningnan ko naman si Joey. Himala at hindi ako nito sinamahan sa kahihintay.

"Bakit?"

"Birthday ni Mommy, " Nginitian ko si Joey at tumango-tango. Birthday nga pala ni tita ngayon.


"Pasabi kay tita, happy birthday ha," Sabi ni Tin habang kumakain.

Teka. Kanina pa ako may napapansin. Nasaan si Patricia?


"Where's Pat?" Absent s'ya ngayon. Ano kayang nangyari 'dun?

Hello, Stranger (Isaiah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon