Band
Borrow
“Give me therapy,
I'm a walking travesty...”Sumabay kami sa Parádeisos habang tinutugtog nila ang Therapy ng All Time Low. Sobrang ganda ng cover nila na 'to. I'm so proud of them. Alam kong malayo pa ang mararating nila.
The concert went well.
This was the best concert na napuntahan ko. Sobrang hype at wild ng mga tao lalo na nung tumugtog yung original song ng Parádeisos na kakarelease lang nung isang linggo.
Sobrang proud ako kay Shaun at sa lahat ng kabanda n'ya. I'm sure, simula palang ito ng pag-usbong nila sa karera ng musika.
“Goodnight, sweetheart,” Pat kissed my cheeks ang walked away with her two cousins. Tumingin naman ako kay Gen na kasabay ni Pat maglakad. Pinaglalaruan nito sa kamay n'ya ang mga susi n'ya.
I looked at Tin and Joey na nakangiti rin ng malapad tulad ko. Kahit hindi na sabihin, alam ko namang may nangyari.
Kitang kita ko kaya kanina kung paano magsolo sila Tin at Jo, at si Pat at Joey habang tumutugtog yung sweet na kanta ng Parádeisos.
Kaya ayun, naiwan kaming dalawa ni Genesis.
Na mas nakadagdagan pa sa pagiging memorable ng concert. Because this night,
...we really talked a lot.
I blushed nung naalala ko ang pag-uusap namin kanina. Kahit about music lang napag-usapan namin, sobrang saya ko. That was the second most magical moment na nafeel ko sa buong buhay ko. Unang una kasi, 'yung nagkaroon ng banda si Shaun. Pangarap ng kapatid ko 'yun at pangarap ko rin sakanya 'yun.
Theories, scales at kung ano ano pa. He is a music genius. Ang dami n'yang alam kaya mas lalo ko s'yang inadmire.
The best topic na napag-usapan namin, ay yung gitara n'ya,
...yung dream guitar ko.
I really hope may mahanap na akong raket ulit para makabili na ako ng pangarap kong gitara. Matatahimik lang ang mundo ko kapag nagkaroon na ako 'nun.
“Hoy!”
“Ay palaka!” Nahampas ko sa mukha si Joey nang sigawan n'ya ako sa tenga. Nakakabingi 'yun ah! “Ano ba?!”
Binatukan naman ako ni Tin. “Kanina ka pa namin kinakausap, Shiloh Jael Manuel!” Gaganti sana ako sa pambabatok n'ya pero nakailag ang gaga! Trip na trip talaga nilang tawagin ang buong pangalan ko!
“Ano ba kasi 'yun?!” Naiiritang saad ko. Nagdeday dream ako dito 'e! Inaalala ko pa yung mga pag-uusap namin e. Yung mata n'ya, yung jawline, yung ilong! Bakit ba ganun ka perfect ang isang Hezekiah Genesis Torres?
“Hirap mainlove,” Tin rolled her eyes at tumawa sila ni Joey. Akala mo naman sila hindi!
MAGKAKALAHATING oras na akong nakaupo sa puno kung saan lagi kong hinihintay si Genesis, a.k.a ang estranghero. Patago pa rin.
Kaninang alas-dos pa ako nandito dahil wala kaming Prof. Alam ko namang mamaya pang alas tres si Genesis dahil ayun naman talaga ang usual na oras ng pagtambay n'ya dito sa Plaza.

BINABASA MO ANG
Hello, Stranger (Isaiah Series #1)
Fiksi UmumI've been bumping a similar outsider for quite a long time. Finally, I chose to say hello. May 7,2020