Stranger 2

8 0 1
                                    

Someone

...nakangiti s'ya.




I can't move. I can't even blink.


Feeling ko, may nakaabante na ako ng isang hakbang patungo sa love story namin. Ang saya saya ko. After 3 months of stalking him, ito na yung pangalawa sa memorable na nangyari saakin. Una yung nag hi s'ya, pangalawa, ngumiti s'ya.



Kinikilig ako, panindigan mo 'to, estranghero!


Ilang segundo rin ang tinagal ng pagtitig ko sakanya habang sya'y nakangiti saakin. Napaiwas na lamang ako ng maramdaman ko ang kurot ni Tin sa tagiliran ko.

Panira talaga ng moment 'tong gagang 'to!


"Ano ba?! Kainis naman 'e!" Galit na bulong ko habang pasimpleng tumitingin sa estranghero. Pero nagulat ako nang, biglang tumayo ang estranghero at umalis.


Ang aga naman ata 'nun umalis? Pag tumatabay kasi s'ya rito, madalas inaabot sya ng ala sais. Oo, inaantay ko s'ya hanggang sa umuwi s'ya. Binabantay ko rin. Baka mamaya kung ano pang masama ang mangyari sakanya, kawawa ang future husband ko.


"Aga naman umalis 'nun, "


Napansin din pala ni Tin. "Halika, sundan natin, " Akmang maglalakad na ko nang batukan ako ni Tin. Masakit 'yon!


"Ang hilig mong mamatok 'e 'no?! Bakit ba?! " Galit na sambit ko habang hinahaplos ang batok ko. Anak ng teteng talaga oh!


"Gaga ka! Anong susundan, aabutin nanaman tayo ng gabi!" Napairap si Tin. Napairap din ako! Huh!



"Ano naman?!"


"May quiz ho tayo!" Sigaw n'ya at hinatak na 'ko paalis sa Plaza.



Oo nga pala, shocks! Sa sobrang landi ko, nakalimutan ko na nag-aaral pala ako.


Sa dami ng iniisip ko, isa lang ang nangingibabaw doon,


...bakit ang aga naman n'ya umalis?

*

"How's quiz?" Umirap ako sa tanong ni Pat. Huh! Nagreview kaya ako.



"Ayos naman despite of being maharot 'no, Shiloh?"


Tumawa si Pat at Joey sa sinabi ni Tin at dahil din nakikita nila akong naiinis. Huh! Talaga! Haharot pero hindi babagsak, duh!


Vacant namin ngayong 10 at mamayang 12 pa ulit ang klase namin nila Joey.

Hello, Stranger (Isaiah Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon