Shiloh
...parang musika yung boses n'ya sa tenga ko.
Pinilit kong hindi tumulala sa harap n'ya at baka tumulo pa laway ko. Kahit sobrang nagrarambol na ang puso ko ay pinilit kong kumalma.
Kalma, Shiloh. Kalma.
Pero paano ako kakalma kung napakabango n'ya? Amoy na amoy ko ang panglalaking amoy n'ya kahit medyo pawis pa s'ya.
...ansarap tuloy punasan.
“A-ahm, hello,”
Ito ka nanaman, Shiloh! Nauutal ka nanaman. Act normal kahit nanginginig ka na. Act normal. Nasa tabi mo ang kapatid n'ya at nasa harap mo ang estrangherong lagi mong sinusundan...
Pasimpleng kinagat ko ang labi ko dahil sa ideyang iyon. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit na alam kong sobrang namumula na ang pisgi ko. At pinilit ko ring hindi kiligin at ngumiti ng malapad at baka kung ano ang isipin nila.
Tiningnan ko s'ya at nang makita kong nakatingin s'ya saakin na hindi ko mawari kung anong emosyon ay umiwas ako.
“Girl in the Plaza,”
Para akong naestatwa sa sinabi n'ya. Lalo pang namula ang mukha ko sa sinabi n'ya. Naghuhurumentado na rin talaga ang puso ko. Nag-aalala ako baka lumabas ito at hindi kayanin dahil sobrang lakas ng tibok ng puso nito.
...so that means, nakikita n'ya talaga ako doon?
Ay gaga, Shiloh! Nginitian ka pa nga 'e!
“A-ah 'e,” Ayan, nauutal nanaman ako sa sobrang kaba. Buking tuloy!
“Oh, you mean, you guys have met already?” Takang tanong ni Jo. What the hell!
“Yeah,” Ngumisi ito na tila nang-aasar pa. Umiwas ako ng tingin at sumeryeso, nagpanggap na parang wala lang ang presensya n'ya saakin.
Tumingin naman saakin si Jo na parang nagtatanong. “A-ah, oo, nakikita ko s'ya pag d-dumadaan kami sa P-plaza, hehe,”
Myghad, Shiloh! For pete's sake ayusin mo yung dila mo! 'Wag kang mautal at baka makahalata si Jo!
Napatingin ako sa estranghero, ngumisi s'ya ulit. For the second time, ngumisi s'ya at tila nang-aasar talaga!
“Dumadaan? I don't think so,”
...ano raw?
Napanganga ako sa gulat dahil sa sinabi n'ya. What the hell! So what is he implying huh?! Aminado naman akong sinusundan ko s'ya pero...
And that hits me. Dumadaan nga lang ba ako? Well, obviously, sinusundan ko s'ya. Arg! Teka puso, kalma!
“What?” Naguguluhang tanong ni Jojo. Nakataas ang kilay nito na animo'y nagcoconclude pero maya-maya'y kumunot ang noo nito.
Anong problema? Okay, okay! Wala na akong pake doon. Kailangan ko nang makatakas sa eksenang ito at baka lumabas na ng tuluyan ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito. Arg!
Aalis na sana ako pero Jo said something na nagpahinto saakin.
“So you're still waiting for her, huh?” Obviously, hindi para saakin ang tanong kundi para sa estranghero.
“None of your business, Jonathan,” At pagkatapos sabihin ng estranghero 'yun ay tumingin ito saakin at tsaka biglang tumalikod.
...Okay? What was that?
BINABASA MO ANG
Hello, Stranger (Isaiah Series #1)
Художественная прозаI've been bumping a similar outsider for quite a long time. Finally, I chose to say hello. May 7,2020