Valentine's Shit Special

14 0 0
                                    

Oo. Title pa lang, bitter na ako. So what? Wala ba akong karapatang magpaka-ampalaya? Kayo na lang ba ang may karapatang maging masaya?

Eh sa pagpapakabitter lang ako liligaya, pipigilan niyo pa ako. Porke't may kalandian kayo sa Araw ng mga Puso.

Wait, medyo malabo. Kung ang Valentine's day ay Araw ng mga Puso, paano yung mga walang puso? Eh di sana excluded sila sa celebration. Kaso hindi eh! Nakita ko sa wall ng hinayupak kong ex yung Valentine's (shit!) Special nila nung bruhang reyna ng mga palaka na ipinalit niya sa akin!

Tss. Wala, kalokohan lang yan! Sorry but I'm not sorry for being like this. Kayo kaya nasa pwesto ko, palit tayo! Ikaw yung gabi-gabing iiyak kase matapos pangakuan at lahat, biglang iiwan sa ere kase nakakita ng mas higit sayo. Tapos ako yung nagpapakasasa sa ligaya sa piling ng taong nagmamahal (kung totoo nga) sayo.

Minsan kase, kapag masyado kang masaya sa love life mo tapos nakakita ka ng bitter, ijujudge mo agad! Ni hindi mo inaalam kung ano ang pinagdadaan niya, kung bakit niya nasasabi ang mga ganung bagay. Ang iniisip mo lang, hindi tama yung magpakabitter kase mapait. Hindi pasok sa panlasa.

Pero minsan naisip mo rin ba na kaya sila nakakapagsalita ng ganun kase may naranasan silang nakapagpabago sa pananaw nila? Minsan naisip mo bang ikonsidera ang damdamin ng ibang tao bago mo sila husgahan? Minsan naisip mo ba na swerte ka kase ikaw, hindi mo nararanasan yung lungkot, pait at sakit na araw-araw ay nararamdaman nila.

Swerte mo kung pinapahalagahan ka niya. Maswerte ka kung inaalagaan ka niya. Kase yung iba diyan, kinakailangan pa nilang mamalimos ng pagmamahal at pagpapahalaga tapos nganga lang! Di kagaya mo na kusang dumarating sayo kahit di mo hilingin.

Maswerte ka. Kaya pahalagahan mo rin siya.

Para Sa Mga Di Maka-Move OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon