It was a Saturday night.

5 0 0
                                    

A very short filler update.

It was a Saturday night. Ang saya-saya ko pa, kagagaling ko lang from nights out with the gang. Pinipika nga nila akong manlibre since 5th monthsary namin ni babe.

At dahil masaya ako, ayun nanlibre ako. Ang pera, madali lang mahanap. Pero ang love, madalang. Kaya we celebrated, yun nga lang wala siya. Nasa Manila kasi siya, he's working there. Nag-greet naman siya kaninang umaga after I greeted him.

Dapat doon pa lang, naramdaman ko na na may mali. Yun kasi ang hirap pag masyado kang masaya, hindi mo namamalayang may nangyayari nang hindi maganda.

Sa trabaho, noticeable yung pagiging blooming ko. Gumaganda nga daw ako sabi ni kuya guard. Iba na talaga ang in love kuya sabi ko naman.

Di ko aakalaing papasok ako kinabukasan na super haggard. Punyetang pag-ibig yan! Nakakastress!

Ako, bitter? Ha! Paki mo? Bakit, ikaw ba ang umiiyak gabi-gabi? Ikaw ba ang sumasakit ang loob everytime na maaalala mo siya? Ikaw ba ang nagdadrama dito ngayon? Kung hindi, eh di wow! Ikaw na ang may love life! Kami na ang sawi! Tss.

Anyways, bitter man ako ngayon, sisiguraduhin ko naman na magiging masaya din ako sa tamang panahon.

Para Sa Mga Di Maka-Move OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon