Five

12 2 0
                                    

Sept. 10, 2015

Dear Note,

Nag-usap kami ng barkada ko, si Kat. Actually, siya yung nagbigay sayo sa akin. Pinipilit ka niyang basahin alam mo ba? Muntik ka na ding mapunit, buti binitiwan ka. Minsan talaga kailangan mo nang bumitiw kase hindi mo alam na habang patuloy kang kumakapit, lalo ka lang nasasaktan. O nasisira. Ugh! Madrama na naman kainis!

Anyway, tawagin daw kitang Journ mas maganda. Kaarte ha! Pero narealize ko maganda naman. Dear Journ. Parang Dear John lang. Hayy. Madrama nga.

Nakakamiss Journ. Namimiss ko siya. Ewan. Kasalanan to ni Kat eh! Yung babaeng yun, kung anu-ano ang ipinapayo. Ako naman, sunod nang sunod.

Sabi niya sabihin ko sayo lahat ng nararamdaman ko. Eto na sinasabi ko na. Ang sakit Journ. Sagad sa bone marrow. Ang hirap gumising araw-araw knowing na kailangan mong harapin ang mundo nang mag-isa kasi yung taong pinangakuan ka na magkasama niyong haharapin ang bawat umaga, ayun, biglang nagkaroon ng amnesia. Hindi ka na kilala.

Potek na promise yan. Masyadong paasa. Dahil sa lintek na pangakong yan, natuto akong dumepende sa kanya. Kaya nung pinili niyang umalis, wala na. I was lost. I don't know what to do anymore. Tipong nasanay ako sa liwanag ng ilaw kaya nung namatay ito, biglang nagdilim ang buong paligid. Wala akong makita.

Siguro kung nakakapagsalita ka, andami ko nang narinig na sermon from you. Or comments sa mga pinagsasasabi ko dito. I even imagine you saying baliw ka na ghorl. WTF right?

Ganun nung iniwan niya ako. Nabaliw. Nagkukunwaring masaya sa umaga, umiiyak sa gabi.
2 months Journ. 2 months akong nagkukunwaring masaya pero nakakapagod pala. Nakakagago. Nakakagalit kasi iniwan niya akong nangangapa. Nakakagago kasi iniwan niya ako dahil sa mababaw na dahilan. Okay lang naman sa akin na hindi ako ang top priority eh. Ayos na ako kahit pangalawa lang. Syempre pamilya muna. Pero Journ, bumitaw siya eh. Hindi niya daw kayang pagsabayin ang responsibilidad niya sa pamilya niya at sakin. Grabe Journ. Hindi naman ako gahaman sa atensyon niya. Sapat na sakin yung makapag-usap kami kahit saglit lang. Masaya na ako doon.

Kaso, wala eh. Mahina siya. Kaya ko pa namang kumapit eh. Pero sumuko siya agad nang hindi man lang lumalaban. Itinapon niya yung pinagsamahan namin for three years nang ganun lang. Nagpadala siya sa pressure.

Potek Journ! Pano ko ba siya makakalimutan kung palagi siyang nakatambay sa utak ko? Paano ko siya tatanggalin sa sistema ko? Paano ako makakamove-on kung kahit sa pagpikit ko, siya ang nakikita ko. Paano ba idelete ang mga happy memories namin nuon? Paano Journ? Paano?

Asking so many 'paano',

El

Para Sa Mga Di Maka-Move OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon