Ours I Thought

5 0 0
                                    

Ours I thought was the best thing that ever happened to me. As of now, I still consider it as one though. Everytime I look at our photographs, a small smile would form my lips. Of course there's still that pang of pain but guess what, I'm trying to move on.

I don't know. I just woke up this morning feeling the need to let go of all the painful things in my life. And that includes you.

It's hard to forget much more to forgive you but honestly, I'm trying my best. Ako lang din naman ang mahihirapan.

Masyadong malalim yung sugat na iniwan mo dito sa puso ko pero alam ko na darating yung time na finally masasabi kong, I am healed. Na kaya ko nang isipin ka nang walang halong sakit. Na kada magrereminisce ako ng mga moments natin, wala nang luhang tutulo.

Akala ko tayo na eh. Hanggang sa huli. Akala ko ikaw na yung makakasama ko hanggang pagtanda. Siguro masyado lang akong nakulong sa sarili nating mundo at di ko na inisip na, oo nga pala, walang permanente sa mundo.

I thought ours would be what I always imagined to be. Growing old together, building a life together, spending the last days of our lives together.

Ako na lang pala yung nag-iimagine nun. Ni minsan kaya mula nung maghiwalay tayo, kahit saglit lang, naalala mo ako?

Pasensya na kung hanggang ngayon hindi pa rin ako makabitaw sa mga alaala nating dalawa.

Pero heto, kinakaya ko. I am taking you out of my system, gradually. Paunti-unti, alam kong makakaya ko. Nakaya ko nga noon bago pa kita nakilala eh. Nakaya kong mabuhay nang hindi ko alam na meron palang ikaw na nag-eexist sa mundo. Hay. Di ko man maitatangging binago mo ang buhay ko, siguro naman makakaya ko pa ring baguhin to. Kailangan ko lang masanay ulit nang wala ka sa tabi ko. Kailangan ko lang masanay ulit kung paano mamuhay nung wala pang ikaw na dumating sa buhay ko.

Kaya ko to. Lord,  di ba po kaya ko?

Para Sa Mga Di Maka-Move OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon