Chapter 7

0 0 0
                                    

Angel's POV

Monday morning.

7 palang, I was walking alone in the hallway when suddenly someone grabbed my arm. F*ck!It hurts. Hinila niya ako sa madilim na parte.

"What do you want?"singhal ko sa kanya.

"You!I want you! I want your body! I want to taste you! Damn!"kinilabutan ako sa mga sinabi niya pero hindi ko pinakita sa kanya 'yon.

"Pwede ba,tigilan mo na ako. Wala na tayo!"

"Sa tingin mo hahayaan ko na lang na ganun ang gawin mo sakin. Pagkatapos mo akong pagmukhaing tanga!"mabuti nalang at wala pang masyadong tao. Lakas makasigaw ng isang 'to eh.

Pilit niya akong hinahalikan, natatakot na ako. I don't want my first kiss to be like this. This jerk! Pilit din akong kumakawala sa kanya but damn, anong laban ko sa lakas niya.

"Daniel ano ba!bitawan mo ako!"pagpupumiglas ko. Ugh!

Hindi niya ako mahalikan sa labi kaya leeg ko ang hinahalikan niya ngayon. Please,someone help me. Please .

Maya maya lang ay nakita ko na lang na nakahiga na sa sahig si Daniel.

"Rhangel,ok ka lang?may masakit ba sayo?"nag aalalang tanong ni Robert.

Hindi na ako nag abalang sumagot pa. Niyakap ko na lang siya ng sobrang higpit. Nagsimula ng tumulo mga luha ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong takot.

"Ssshhhh. Tahan na. Andito na ako, wala ng makakapanakit sayo." Inakay na niya ako paalis sa lugar na 'yon. Pero bigla siyang tumigil at binalikan si Daniel,sinuntok pa niya ito ng dalawang beses.

"Ouch! Tsk!g*go!sa sobrang kapal ng mukha mo ako pa nasaktan."reklamo niya. Natawa ako sa inasal niya. Kahit papaano nabawasan yung takot na nararamdaman ko.

I am so blessed to have this man.

****
Hindi na pumasok si Daniel,mas mabuti na rin 'yon dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.

Hindi parin ako kinikibo ni best pero mamaya kakausapin ko na siya.

Tapos na ang klase pero hindi ko parin alam kung paano kakausapin si Bianca. Natatakot ako,ayaw kong magalit sa akin ang bestfriend ko.

Tatayo na sana ako ng lumapit si best sa akin."Pwede ba tayong mag-usap?"sabi niya.

"Uh,ok."

Nauna na siyang lumabas at sumunod na rin ako. Nakarating kami sa garden kung saan kami lang ang tao.

"Uhm, best."panimula ko. Nakatalikod lang siya sa akin.

"Akala ko nagbago kana."

"Best let me explain-"

"Nakiusap ako sayo, akala ko ok na eh but I was wrong."humarap na siya sa akin. Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit. Ayoko nito pero. "Iba siya Rhangel! Hindi siya katulad ng iba jan! Nanahimik ako,dahil ang alam ko hindi mo siya sasaktan! Pero anong ginawa mo,ha?! Sinaktan mo parin siya, sinaktan mo ang taong-"

"Mahal mo?"pagpuputol ko sa kanya. Natahimik siya,gulat na gulat ang itsura niya. "Alam kong mahal mo siya,kaya ko nga ginawa 'yon eh. Dahil yang taong sinasabi mong hindi katulad ng iba, yang taong mahal mo, isa siyang malaking g*go na walang ibang alam gawin kundi ang manggamit ng tao para lang sa sarili niya! Sa tingin mo kilala mo na siya ng buong buo dahil lang sa naging classmate mo siya,pwes nagkakamali ka. Hindi ka nararapat-"

PAK!

"Bianca!Rhangel!"awat sa amin ni Remy.

"Sino ka para sabihin sakin kung sino ang nararapat para sa akin?! Wala kang alam dahil hindi mo pa naranasan kung paano magmahal! Wala kang alam!"natigilan ako. Wala pa nga ba talaga akong alam tungkol sa bagay na 'yon? Siguro nga tama siya.

"Tama ka,wala nga akong alam tungkol sa pagmamahal pero ito lang ang alam ko. Hinding hindi ko hahayaan ang iba na saktan ang mga taong importante sa buhay ko......at isa kana dun. Pagmamahal man 'yon o hindi ang tawag dun, wala na akong pakialam."

Tinalikuran ko na sila,ayaw kong makita nila akong umiyak,na mahina."Rhangel"pigil sakin ni Remy.

Tumigil ako pero hindi ako humarap."Yes,I may not be that perfect friend you ever wanted,but always remember that what I give you is the best that I have, and what I am to you is the best that I can be."muntik pa akong pumiyok dahil sa pagpipigil kong wag umiyak. Umalis na ako ng tuluyan dahil Baka hindi ko na mapigilan.

****
Remy's POV

Pagkaalis na pagkaalis ni Rhangel ay binigay ko na kay Bianca ang sobre.

"Ano 'to?"tukoy niya sa sobre.

"Tignan mo para malaman mo kung sino ang tama sa inyong dalawa."nangunot ang noo niya.

"Pati ba naman ikaw Remy, akala ko kakampi kita."

"Well,yan din ang akala ko nung una but after seeing those pictures at makapagsearch about that asshole, hindi na."hinawakan ko siya sa balikat niya.

"Kinilala mo sana muna ng mabuti yung lalaki na 'yon bago mo sinaktan ang bestfriend mo. Of all people,ikaw mismo ang mas nakakakilala sa bestfriend mo pero hindi ka nagtiwala sa kanya."nagsimula ng tumulo ang mga luha niya. Binuksan niya ang sobre at mas lalong lumakas ang pag iyak niya habang isa isa niyang tinitignan ang mga pictures.

"R-remy, nagkamali a-ako." Iyak lang siya ng iyak. Inalalayan ko muna siyang umupo."Nasaktan ko ang bestfriend k-ko,s-sinaktan ko si best,Remy. Galit siya remy,galit siya."

"Shh.tahan na...huwag kang mag-alala hindi siya galit sayo. Hindi niya kayang magalit sayo. Mahal na mahal na nun eh."

Hindi na kami pumasok sa afternoon class namin. Nakatulog na rin si Bianca kakaiyak. Iba talaga nagagawa ng pagmamahal. Ibang iba.

-----------------------------------------------------------
Thanks for reading.😊

-blackgirlsoul

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon