Angel's POV
Tok!tok!tok!
"Gel?"
Tok!tok!tok!
"Bumangon ka na dyan. Malalate ka na."
Krriinnnggg!kkrriinnnggg!
Tsk!pati ba naman alarm clock nakikisabay. Pagtingin ko 6:30 pa lang. 8 kaya ang pasok. Ay hindi pala 7:30 may flag ceremony pa kasi.
"Uhmmm. Opo 'la. Babangon na po!"
Antok pa ako. Pa'no ba naman kasi. Nag movie marathon lang naman kami ng mga pinsan ko. Isa yun sa mga bonding namin kapag kompleto kami.
Tinapos ko na lang lahat ng dapat tapusin bago lumabas ng kwarto ko. Nadatnan ko silang nag aalmusal na.
"Good morning."bati ko. Nag nod nalang sila bilang tugon. Umupo nalang ako at nagsimulang kumain.
Tahimik lang kami habang kumakain. Pagkatapos sabay sabay na kaming tumayo at nag paalam kay lola. Si lola lang ang nagbabantay sa amin since nasa abroad mga magulang namin. Kaya laking lola kami.
"Bye 'la." Paalam ko sa kanya.
"Sige na. Mag iingat kayo ah."
"Opo."Sumakay na kami sa service.
Oo nga pala. I'm Rhangel Jimenez. 4th year highschool. Only child. 16 years of age. And welcome to my life!
School.
"Best!"
Hinanap ko yung tumawag sa akin. Nakita ko syang nakapila na sa bandang likod habang kumakaway sa akin.
"Best!dali dito ka!"
Paglapit ko sa kanya. "Anong section mong babae ka?" Tanong ko agad sa kanya.
"St. Teresa best. And guess what?" Nakangiti niyang sabi.
"What?" Bagot kong tugon.
"Classmate tayo! Yehey!"sabay yakap sakin.
Yan ang bestfriend ko. Si Bianca Chan. 1/4 chinese raw siya. Sobrang hyper nya at sadist. Kapag natripan niyang manuntok ako ang kawawa. Sakin nya binubuhos lahat ng lakas nya. Nakakaiwas lang ako kapag red day ko. Minsan pa nga naisip ko na lang na sana palaging red day ako.
Pero kahit ganyan yang tao na yan mahal ko yan. Kapatid na turing ko sa kanya. 4 years na kaming magbestfriend.
"So masaya ka na nyan?" Tanong ko.
"Aba, syempre ano. Namiss kaya kita. Alam ko naman na namiss mo rin ako. Huwag mo ng ideny,ok?"
"Whatever."
Nagsimula na ang ceremony. Tahimik lang akong nakikinig sa speech ng principal. Nangawit na rin ako. Tumingin tingin ako sa paligid hanggan sa may nahagip ang mata ko. Tumaas ang kilay ko. I just saw a good looking guy that standing at the right side. He's tall. Let just say tall, dark and handsome.
"Psst.best."tawag ko kay Bianca.
"What is it best?"
"Uhm,do you know that guy?"sabay turo dun sa guy.
"Oh? That's Daniel Dacumos. Classmate ko nung 2nd year pero nagtransfer nung 3rd year and now dito na naman siya mag aaral."
Nakatingin lang ako kay Daniel while listening to best. Tas bigla syang tumigil.
"Wait best. Don't tell me-"
"I like him."pagtatapos ko sa sasabihin niya.
"And then what?pagkatapos ng isang linggo wala na naman, iba na naman?"
Namamangha akong tumingin sa kanya." How did you know?"
"Cut it off best. Don't give me that look. I'm your bestfriend,remember? Natural alam ko yang tumatakbo sa maloko mong utak." Sabay pitik sa noo ko.
"Ouch! It hurts." Paawa effect pa ako.
"Tigilan mo ako. Ang hina lang ng pagpitik ko sayo eh maka-ouch ka jan."
"Hindi naman dahil dun eh. Ang sakit kaya mga sinabi mo."
"Truth hurt." Ang sama talaga nito. She's hurting me physically and emotionally. Bestfriend ko ba talaga tong tao na ito?tsk.
Sa wakas natapos rin ang ceremony. Kanya kanya na kaming punta sa mga classroom namin. Syempre tabi kami ng bestfriend ko.
Biglang may lumapit sa amin at umupo sa right side ni best. Tabi kasi ako ng bintana tas sa right ko si best.
"Hey Bianca, Rhangel."bati samin ni Remy.
"Hi Remy."bati ni best. Nag nod nalang ako.
"Buti naman at classmate ko kayong dalawa ngayon." Remy habang nakangiti.
"Why? Namiss mo ako?"tanong ko.
"Haha. Syempre naman. Kayo na nga lang kaibigan ko dito eh." Sabay smile.
Pala kaibigan si Remy pero hindi ko maintindihan kung bakit ayaw sa kanya ng iba lalo na ang mga boys. Palagi syang pinagttripan. Classmate ko sya nung 3rd year. Gwapo si Remy, matangkad pero off limit sya. Kapatid na rin kasi turing ko sa kanya.
Dumating na ang adviser namin.
"Good morning class!"
"Good morning ma'am."tugon naming lahat.
"Mr.Dacumos, please come in." Tawag ni ma'am kay Daniel. So classmate pala namin sya. Tignan mo nga naman oh. Umaayon sakin si tadhana.
"Introduce yourself Mr.Dacumos."
"Uhm, hi. I'm Daniel Dacumos. 17 years old. Nice to meet you all."
Karamihan sa mga classmate kong babae halatang kinikilig. Tsk ang lalandi.
"Ok Mr. Dacumos please take your seat at the back of Ms. Jimenez."sabay turo sa gawi ko.
Napangiti nalang ako sa naisip ko. Umaayon talaga ang lahat sa akin.
Nagsimula ng magturo si ma'am Reyes. First day na first day walang pinatawad si ma'am. Grabe siya.
----------------------------------------------------------------
Enjoy po. :)-blackgirlsoul
![](https://img.wattpad.com/cover/62463364-288-k294838.jpg)
BINABASA MO ANG
Unconditional Love
RandomAm I contented? I guess so. I have my family and friends. I'm happy with them. Wala na akong kailangan pa. Wala na akong mahihiling pa. But then, he came. Unexpectedly. At dun na nagsimula ang lahat.