Prologue

2.9K 98 0
                                    


Madilim, mula sa sinag ng buwan ay naaaninag ko ang kasalanang isinisiwalat ng gabi.


Hindi ko makontrol ang panginginig, nag-uumapaw ang mga katanungan sa aking isipan, lahat ng iyon ay walang malinaw na sagot.


Nag-uunahan sa pagtulo ang malamig na pawis mula sa'king noo hanggang sa bumagsak ito sa sahig, humalo sa dugo na umaagos mula sa isang bangkay.


Ang bangkay ng kaklase ko.


Nang mapagtanto ang lahat ng pangyayari ay unti-unti akong napaluhod sa sahig, hinayaan kong tumulo ang mga luhang kanina pa nais kumawala, impit akong humagulgol, nangangambang marinig ako ng patay.


Bakit umabot sa ganito?


Binalot ako ng matinding pagsisisi, sana hindi ko nagawa iyon, kasalanan ko ang lahat ng ito.


Natatakot akong lumapit sa kanya, ayokong makita ang itsura niya, nakokonsensya ako, nasasaktan ako.


Kung nako-kontrol ko lang sana ang emosyon ko, buhay pa siya ngayon.


Napakasama ko.


"Sorry... s-sorry..." tila wala sa sarili kong sambit, hindi mapigilan ang mga luhang tumutulo mula sa'king mata, sa bawat segundo ng pananatili ko rito, para na'rin akong sinasaksak ng maraming beses.


Halos hindi na ako makahinga sa kakabuhos ng hikbi at luha, ang sakit, kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan, isasakripisyo ko ang lahat.


"A-Alice?"


Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa pinto, binuksan niya ang ilaw at nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon niya sa mukha.


Dumilim ang kanyang mga mata, galit, oo nararapat lang iyon sa akin, ngunit may halo rin itong hinanakit.


Agad kong nabitiwan ang hawak kong kutsilyo nang mapansin nakatitig siya rito at sa biktima.


"B-Ba't mo nagawa 'to?" puno ng paghihinagpis niyang tanong.


Hindi ko magawang sumagot.


Bakit?

Sinister ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon