IV. Bringer

1.5K 65 0
                                    


Madilim, sinubukan kong gumalaw ngunit hindi ko ito magawa. Tinangka kong iangat ang aking kamay ngunit tila may isang pwersa na nagpipigil sa akin.


Naramdaman ko ang unti-unting pagsikip ng aking baga hanggang sa nahihirapan na akong makahinga.


I tried saying a word, but to no avail. My body is paralyzed, in this world of darkness.


Sa gitna ng kadiliman ay mayroon akong narinig na munting ingay. Hindi ko alam kung saan galing, at wala akong ideya kung ano ito.


"A-Alice!" A familiar voice called, nang mapagtanto kung sino ito ay nanlaki ang mga mata ko.


The person kept calling my name, screaming for my help, pero andito lang ako, walang ginagawa, nakikinig sa mga palahaw niya. Kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay hindi ko magawang igalaw ang sarili.


I tried to scream, but no sound came out. I found myself crying while I was struggling to escape.


"Help me!" The voice cried, I shut my eyes in horror, hindi ko gustong masaksihan ang pangyayari.


Patuloy pa'rin ang pagsigaw ng tao, habang pumipikit ako ay dumarami na sila sa aking isipan, naghihingalo, nagmamakaawa, nagagalit, sumisigaw, nagsisisihan. Naghahalo ang mga boses nila, they were echoing in my mind, consuming all the energy I have left.


Suddenly, they all stopped. I was able to open my eyes again.


Ngunit isang pagkakamali.


Narinig ko ang malutong na tunog ng butong nababali.


Sa isang iglap ay nakita ko ang isang karumal-dumal na bagay.


Isang katawan na nagkalasog-lasog, hindi na makilala ang bangkay dahil nagkalat na ang bungo nito sa sahig, nakalabas ang utak nito at pinagpipiyestahan ng mga uod.


Nang imulat ko ang aking mata ay mabilis kong kinapkapan ang aking sarili. Napahawak ako sa aking dibdib, napakalakas ang tibok ng puso ko, ni hindi ko mahabol ang aking hininga.


A wave of relief hit me. Isang bangungot lang pala iyon.


I reached for my bedside table. I immediately took my meds when I found it, realizing I forgot about it yesterday.


Minasdan ko ang oras, alas kwatro pa lang ng madaling araw.


Napansin kong nakasuot pa'rin ako ng uniform, I got so exhausted kaya hindi ko na naisipang magpalit pa.


Socializing with Stonewell elites is a chore, ang dami nilang kwento, ang taas pa ng enerhiya nila. But it's a good thing, dahil lalong gumagaan ang environment dito dahil sa kanila.


Slowly, my breathing was turning normal again. Nasapo ko ang aking noo dahil nakaramdam ako ng kaunting tusok sa ulo ko, but it was gone quick.

Sinister ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon