VI. Him

1.2K 52 1
                                    


Napasinghap ako nang maratnan ko ang aking sarili sa loob ng itim na espasyo. Tuwing binibisita ko ang lugar na ito ay dumadaloy ang matinding kaba sa buong sistema ng aking katawan.


"Alice..." May tumawag sa aking pangalan, tila isang bulong sa hangin.


A distant voice of a young man.


Nagpatuloy ang pag-uusal ng tao sa aking pangalan. Then I found myself walking unconsciously, trying to find where the voice is coming from.


Nilakad ko nang nilakad ang itim na espasyo hanggang sa naamoy ko ang matinding sangsang, naririnig ko ang huni ng mga bangaw at natanaw ko ang natatanging kulay pula sa sahig.


Dugo.


"Bakit..." Sumulpot sa aking harapan ang imahe ng isang tao, hindi nakikilala ang itsura nito, ang kulay golden brown nitong buhok ay tila nagkulay pula na dulot ng dugo.


Ang mga mata nito ay lumuluwa mula sa kanyang bungo, umaagos ang sariwang dugo na mistulang luha, bali ang buto nito, ni hindi makatayo nang maayos.


I held my stomach, something was churning inside because of the smell and this horrendous sight.


"Bakit mo ako pinatay?" He softly said, his teeth falling off, his skin is ripped apart and barely holding on.


Napahawak ako sa aking ulo, pakiramdam ko ay tinutusok ito ng sandamakmak na karayom.


"Hindi! Aksidente lang yun!" I screamed in between my pain, but no sound came out. As usual, I'm voiceless in this dark world.


I hammered my fists onto my head, the pain still didn't stop, nakikita ko pa'rin sa aking harapan ang lalaking duguan at ang nagkalasog lasog nitong katawan.


"Why..." The guy said, he tried to reach for me but I fell backwards, umatras ako nang umatras mula sa kanya hanggang sa naramdaman ko ang malamig na dead end sa aking likuran.


"Help me..."


I shut my eyes in horror once he tried to grab my hand. Paulit-ulit na pinupuno ng kanyang boses ang buong espasyo na umuugong sa aking tenga. Para akong mawawalan ng ulirat sa aking naririnig.


Isang matinis na tunog ang pumunit sa aking tenga.


Nang imulat ko ang mga mata ay naramdaman ko ang pawis na tumatagaktak mula sa aking noo, my body was quivering and my heartbeat was abnormally fast.


Iginala ko ang aking tingin sa loob ng aking kwarto.


Isang bangungot ulit.


Inangat ko ang mga kamay ko at naramdaman ang panginginig ng mga ito, ilang sandali lang ay napansin ko ang maliliit na butil ng luha na pumapatak dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sinister ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon