II. Identity

1.7K 65 3
                                    


Natapos ang seremonya nang matiwasay. Despite being a milestone in my life, I did not genuinely enjoy every second of it. After taking my oath, nararamdaman ko pa'rin ang mga maiinit na mata ng mga estudyante sa akin. Like they were expecting me to do something stupid, or they were judging me.


Sariwa sa alaala ko ang pamamawis ko kahit na may airconditioner sa loob, napakalamig sa auditorium, napakainit naman ng mga titig.


Habang nakaupo ako sa buong seremonya ay iniiwasan kong tumingin sa unang linya ng mga upuan. Lalong hindi ako makapag-focus sa nangyayari kung pansinin ko pa sila. Ang mga kapwa ko Stonewell elite.


Siguro ang pinakaayaw ko sa araw na ito ay ang paghihiwalay namin ni Kuya. Mag-uusap pa naman kami sa tawag o sa chat, ngunit alam kong minsan na lang mangyayari iyon. Maraming nakaakibat na responsibilidad bilang Stonewell elite.


Kuya and I bid our goodbyes when the ceremony ended, I didn't want to be left alone, pero wala akong choice. Ito ang dapat kong gawin, at hindi ko bibiguin ang kahit na sino lalo na ang sarili ko.


It will break me again if I fail one more time.


"Miss Gonzalo, lunch." Isang escort ulit ang tumawag sa atensyon ko. Napalunok ako ng laway at tumango. Mukhang mapapasabak akong muli. After the ceremony ay opisyal na ipapakilala ako sa mga co-elites ko, which will happen while we're eating lunch.


At hindi lang mga co-elites ang kasama ko, I'll be meeting the Head of the department, the Headmistress, some faculties and my teachers.


A lot of people.


I'm used to this kind of scenario, it's the culture that I am unsure of. I also studied at a school for elites in London, at himay ko na ang behavior ng mga tao doon. What pleases them and things that don't. Dito sa Stonewell, clueless ako sa lahat, I'm not even sure if people here like me.


Sinamahan ako ng escort sa isang luxury sedan, isang Lucid Air. Nauna na sa akin ang mga co-elites ko, or should I say, my classmates.


Nakasakay sa ibang Lucid Air ang mga kasabay kong school officials. Sa pagkakaalam ko, the sedans we're using right now are only exclusive to Stonewell elites and school officials. Iba lang ang ginagamit ng ordinary students.


Stonewell is one of the most eco-friendly school for elites. Mga electric car ang ginagamit dito for transportation, like this sedan. Halata rin sa landscape, sagana ang puno, sariwa ang hangin, maraming paru-paro, mga ibon, the grass is green and abundant. Stonewell is taking care of the nature within its walls.


This academy is a wide school, and it is unlikely to see school officials and elites walk around the campus. They are considered as celebrities in the campus. Automatic na iyon, in a school for elites, once in a blue moon mo lang makakasalamuha ang mga school officials and the elites, especially if you're just an ordinary student.


Habang nagmamaneho ang escort ay marami akong napapansin na mga establishments, usually ay para sa needs ng mga students, there is also a hospital here. The SAOSAMMC, Stonewell Academy of Science and Mathematics Medical Center.

Sinister ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon