TBS 11 - Laurice Bedroom ♥

9.4K 205 13
                                    

Chapter 11 ♥ 

Third Person Pov * 

GUSTONG matawa ni Lorraine sa sarili.  Dahil maging ang bedroom na dapat niyang pasukin ay hindi niya alam. Palibhasa ay estranghero siya sa villa na iyon. 

Pagkatapos ng dinner, Sinabi sa kanya ni Alexus na ipinasok na ni Aida sa silid nila ang maleta ng hanapin niya iyon. 

Ngunit apat ang silid sa villa. Ang isa nga ay inookupa ng mama nito. Pero alin sa tatlong pinto ang master's bedroom? 

Nang makita ni Lorraine kausap ni Alexus ang nurse ng mama nito ay isa-isa niyang binuksan ang mga silid para hanapin kung nasaan ang master's bedroom na tinutukoy nito. 

Ang pinakamalaking silid sa left wing ang naisip niyang master's bedroom. Nasilip niya ang dalawang maleta sa tabi ng kama. 

"Ito na nga ang master's bedroom". 

Pagpasok niya roon ay iginala ni Lorraine ang tingin sa kabuuan niyon. Natuon ang pansin niya sa kamang alam niyang naging saksi ng mga gabing pinagsaluhan nina Alexus at Laurice.

At bigla siyang ginapang ng kilabot. 

Imagine, matutulog siya sa silid na iyon, sa kamang iyon, kasama ng lalaking pinakasalan ng kanyang kapatid two years ago? 

"Mukhang iyon ang hindi ko na-anticipated. Ano na lang ang puwedeng mangyari sa loob ng kwartong ito, ng kamang ito?" 

Iniisip pa lamang iyon ni Lorraine ay parang gusto na niyang ginawin .

Takot ba ang tawag sa nararamdaman niya? 

O excitement? 

Definitely, si Alexus ang klase ng lalaking maghahatid ng excitement sa imahinasyon ng kahit na sinong normal na babae. 

"Pero mali. Hindi ko dapat makalimutan si laurice ang pinakasalan niya. And that they are still very much married". 

Naputol ang paglilikot ng ihaminasyon niya ng maramdaman niyang bumukas ang pinto. 

"Did you miss your bedroom?" 

Your bedroom?  Ano ang ibig sabihin ni Alexus sa sinabi nitong iyon? Hindi ba silid iyon ng mga ito? Huwag namang sabihing hindi magkasama sa iisang silid sina Laurice at Alexus? 

"Bago tayo naghiwalay, mas madalas na ako sa kabilang guest room natutulog, hindi ba? Para maiwasan ang pagtatalo. Dahil kapag umaatake nanaman ang wala-sa-lugar na pagseselos mo, matutulog akong nakakunot ang noo. Pero ngayong narito si Mama kelangan tayong mag share ng sa kwartong ito." 

Kumunot ang noo ni Lorraine. Hindi ba kasasabi lamang ni Alexus na gusto nitong bigyan ng another chance ang marriage nito at ni Laurice? Bakit sinabi nito na kung wala ang mama nito roon ay sa kabilang silid nito balak matulog? 

Nagsisimula na siyang ma-puzzle sa tunay na motibo ni Alexus. Totoo nga kanyang interesado pa itong ayusin ang pagsasama nito at ni Laurice? o may iba itong agenda? 

Isang lihim na agenda... 

"A-ang sabi mo, gusto mo akong bigyan ng another chance. P-paanong maayos ang pagsasama natin kung maghihiwalay tayo ng kwarto?" 

Inilatag nito ang katawan sa kama. 

"Well oo nga pala. Bakit nga ba maghihiwalay tayo ng bedroom?" Makahulugan ang ngiti nito. "Dont you think this calls for a celebration? Isang taon din tayong naghiwalay. Im sure you miss me." 

Maang na napatitig siya rito. 

"Ikaw ang bahala..." 

"Kukuha ako ng maiinom nain." tumayo ito at muling lumabas ng silid. 

Bewitching Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon