TBS 18 - Barbecue Party

8.6K 183 11
                                    

Chapter 18 *

Lorraine Pov ♥

NANG sumapit ang Sabado ay sinugod kami ng mga bisitang Villa owners din para sa paghahanda sa barbecue party mamayang gabi sa tabing-dagat.

Bagamat hindi ko kilala ang mga ito ay kailangan kong magkunwari. Pinilit ko na lamang tandaan ang mga pangalan ng mga ito.

Nakilala ko si Thorne Jordan at ang asawa nitong si Belle. Ganoon din sina Martin at Jewel, at ang mag asawang Marcus at Charlene. Naroon din ang mga gorgeous bachelors ng Villa Royale na sina Jeremiah, Nicolei at Adonis.

Isa man sa mga ito ay walang nagdudang hindi ako si Laurice.

Nang gabing iyon ay pansamantala kong nakalimutan na nagpapanggap lamang ako. Naging masaya ang swimming at barbecue party.

Panay ang pukol ng kantiyaw sa amin ni Alexus. Ngiti lamang ang sinasagot ko sa kanila. Ngunit si Alexus ay halata kong pilit ang mga ngiti.

"Eh di para kayong mga honeymooners ngayon." Tukso ni Belle sa akin,

"Oy hindi naman syempre para kaming nagsisimula ulit."

"Okay lang ba saiyong magkakaroon ka ng kaagaw sa oras at atensyon ni Alexus?" tanong ni Martin. "He's running for office this coming election."

"Okay lang iyon. I would be very proud to be mayor's wife."

Kitang kita ko ang tila pagkamangha sa mukha ni Alexus. Hindi ba mapaniwala ang sinabi ko? O dahil hindi kapani-paniwalang sasabihin iyon ni Laurice?

--------------------------------------

Alexus Pov *

"SO FOR real na ba talaga itong reconciliation niyo ni Laurice Lex?"

Tanong ni Marcus sa akin. Nasa tabing-dagat kami at nakaupo sa buhanginan habang kapwa may hawak na wineglass. Dumistansiya kami sa iba pang nagkakatuwaan. Parang nakikisama ang buwan, inilawan niyon ang gabing ito.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nilalaro sa kamay ang basong halos wala ng laman.

"I dont know Marcus. Aaminin ko saiyo napilitan lang ako. Ayoko na talagang bigyan ng chance si Laurice. I just can't say no to my parents."

"I know how they feel Lex, Syempre gusto nilang maging maligaya ka. Hindi pa rin sila nawawalan ng pag asang may pupuntahang maganda ang marriage nyo ni Laurice."

"I doubt kung magiging maligaya ako sa kanya. Minsan ko na siyang nabigyan ng chance but not a single moment na naging masaya ako."

"Pare naman she still your wife."

"Yeah. Dahil nakatali kami sa lintik na marriage vow na yon. Pero napatunayan ko ng malaking pagkakamali ang kasal na iyon. At hindi maitama iyon kung magkakabalikan kami."

"Pare give her another chance. Malay mo naman kung nagbago na siya. Sa nakikita ko naman sa kanya ngayon she's very different from the old Laurice."

"Sa simula lang yan. Syempre nagpapa-impress. But later ay lalabas din ang natural niya. She made my life miserable Marcus, And i dont deserve this. Alam mo bang hanggang ngayon ay tumatawag parin sa villa si Robby".

Pagkasabi ko non ay napamura ako

"Iyon ang pinakamalaking insultong ginawa niya sa pagkatao ko. And you cant blame me kung mahirapan akong kalimutan iyon. I doubt if she's worth to be trusted."

"Why dont you forget the past para makapagsimula ulit kayo".

"Willing akong kalimutan ang lahat ng pagkukulang at kasalanan niya. Pero parang multong nakasunod sa akin ang naging affair nila ni Robby Sandico. Alam kong pinagtatawanan ako ng hayop na yon!".

Bewitching Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon