TBS 16 - Arguement ♥

8.4K 183 9
                                    

Chapter 16 * 

Lorraine Pov ♥ 

BATID ko na sa tabing dagat nagtuloy si Alexus dahil doon ang direksyon nito. Pasado alas-onse na ng gabi ay hindi pa ito bumabalik. Hindi ako mapakali kaya nag-decide na akong sundan ito. 

Inabutan ko itong nakaupo sa buhangin dala ang bote ng alak. 

"Bakit sinundan mo ako rito? Kukulitin mo na naman ba akong parang bata?" galit na tanong nito ng hindi ako nililingon. 

Maliwanag ang buwan at panatag ang dagat ngunit walang nagsu-swimming na residente ng village. 

"Hindi kita kukulitin." Naupo ako sa tabi nito, Paharap din sa dagat. "Yayayain lang kitang umuwi na. Gabi na. Malamig na ang hangin dito sa tabing-dagat. Saka itigil mo na yang pag-inom." 

"Dont mind me! Bumalik ka na sa villa." asik nito. 

"Come on Lex. Huwag mo akong pahirapan ng ganito." 

"Bago na naman yata yan. Ngayon ko lang narinig yan." Tatawa-tawang sabi nito. "Parang totoo. Saan mo napag aralan ang tricks ng pagiging thoughtful wife kuno?" 

"Lex please... Dont be that rude." pakiusap ko. 

"I said go home!" puno ng awtoridad na utos nito. 

"Hindi kita iiwanan dito." 

"Paano kung ayokong bumalik sa villa?"

"Eh di dito lang din ako."

"Stop it Laurice. Hindi bagay sayo. I said bumalik  ka na sa villa!" sa pagkakataong iyon ay mas maigting ang tinig nito.

Naalarma na ako sa galit nito. Sa tingin ko ay hindi ko ito makukuha sa panunuyo. Baka lalo lamang itong magalit kapag hindi ako umalis.

Napilitan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa buhanginan at humakbang palayo. Nakakailang hakbang na ako ng muli akong magsalita. 

"Kung ang ikinainit ng ulo mo ay yong pagtawag ni Robby, maniwala ka sa akin, iniiwasan ko na siya. Hindi ko nga alam kung bakit alam niyang narito ako. Believe me, hindi naman talaga kami nagka-affair ni Robby. Yes i went out with him. Pero dinner dates lang ang mga yon. Gusto lang kitang pagselosin."

 "Shit! Dont make a fool out of me Laurice."

Malakas na sabi nito na tila tinitiyak na naririnig ko. Kasunod niyon ay ang paghagis nito ng may laman pang bote ng alak patungo sa tubig. 

"I know a lie when i hear one!". 

Hindi na ako nakapagsalita. Hindi ko na kasi alam kung ano pa ang ikakatwiran dahil hindi ko naman talaga alam ang totoong relasyon ni Laurice sa Robby Sandico na yon. Nanghula lang naman ako ng ikakatwiran para pawiin ang galit ni Alexus. 

Humakbang na ako palayo, matagal na mga hakbang, habang palingun-lingon sa kinaroonan nito. Nang makita ko itong humakbang papunta sa tubig ay nag-alala ako. Binalikan ko ito. 

Bewitching Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon