TBS 10 - Advice ni Mrs. Laurel♥

9.6K 225 19
                                    

Chapter 10 ♥ 

Lorraine Pov *

Bakit nagawang biguin ni Laurice ang mga taong naging pamilya na nito mula ng magpakasal ito kay Alexus? Marahil kaya nakipaghiwalay si Alexus kay Laurice ay nagsilbi itong anay sa pamilya. Isang stubborn immature selfish wife na maging sa pamilya ni Alexus ay nagdulot ng sama ng loob.

Kasalanan iyon ng daddy namin hinayaan nitong lumaki si Laurice na naniwalang tama ang mga ginagawa nito kahit mali. 

"Kumusta ka na hija? When did you arrive?" Malambing na tanong sa akin ni Mrs. Laurel. 

"Just Fine, M-ma. Kakarating ko lang. Kayo, kumusta? Sorry, Hindi man lang ako nakadalaw sa ospital. Hindi ko kasi alam na-----".

"Its okay. Alam ko namang hindi ka pa gaanong nakakarecover sa pagkamatay ng daddy mo. Saka hindi naman grabe ang atake ko. No need to worry nararamdaman ko madali rin akong makakarecover."

Gusto kong ipagtaka kung bakit mukhang sweet si Mrs. Laurel lay Laurice samantalang dama ko ang nakakubling hostility ni ALexus. Sa bibig na rin nito nanggaling na hindi naging mabuting asawa ang aking kakambal. 

Natural lamang bang malambing si Mrs. Laurel o gusto nitong gamitan ng reverse psycology si Laurice na akala ay ako. Para magbago?

Dahil ito ang kumumbinsi at nakiusap kay Alexus na bigyan ng isa pang chance si Laurice. Hinawakan ni Mrs Laurel ang isa kong kamay habang nakayuko ako sa harap ng wheelchair nito. 

"Hindi ba sabi ko naman saiyo ng magpunta kami sa wake ng daddy mo, bumalik ka na rito sa isla dahil nag-iisa kana. Pero sabi mo'y niyayaya ka ng mga aunties mo na magbakasyon sa states. Mabuti at hindi mo itinuloy ang planong pag-alis." 

Napaangat ako ng tingin sa kinatatayuan ni Alexus matamang nakamasid lamang ito sa amin ni Mrs. Laurel. 

"H-hindi ko na ho itinuloy ang bakasyon, M-mama... kasi... namimiss ko na ang Villa Royale."

"And i hope wala ka ng balak umalis pa," Lumipat ang tingin nito kay Alexus. "I suppose nagkausap na kayo ng maayos ni Alexus".

"Yes ma," ito na ang sumagot habang humahakbang palapit sa amin. "Nag-usap na kami were giving our marraige another chance." 

"Dahil walang papalit sa isang buo at masayang pamilya. Ayoko madagdag kayo sa listahan ng mga broken marriages." 

Dahil nakatingin ako kay Alexus ay malinaw kong nakita ang ekspresyon ng mukha nito sa sinabi ni Mrs. Laurel. Halatang hindi bukal sa loob nito na pagbigyan ang pakiusap ng mama nito.

Bewitching Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon