TBS 14 - Wew! Muntik Na.... ♥

8.2K 189 8
                                    

AN: Hindi ko alam kong dapat ko bang iprivate ang chapter na 'to. Pero sa naiisip ko hindi ata kasi naman Hmm, huwag na nga. HAHAHAHA osige ipublic ko na lang. Mag gagawa nalang ako ng copy just in case na idelete ni watty :)) short UD lang to.  ENJOY READING ...

Chapter 14 ♥ 

Lorraine Pov * 

When Alexus moved closer, saglit na tumigil ang paghinga ko. Magkadikit na ang mga katawan namin. Hindi ko alam kung nerbyos o excitement ang nararamdaman ko.  

Kaya kong pakitunguhan ang pasulpot-sulpot na panunumbat nito, ang malamig na mga titig, ang kawalang emosyon nito, maging ang pang-iinsulto nito, pero hindi ko alam ang gagawin ko kapag naging romantic ito sa akin. 

Tulad na lamang ng sandaling ito... 

Naramdaman ko ang paglapit ng mukha nito sa buhok ko. Bumilis ang pintig ng puso ko. Naghahabulan din ang mga pulse rate ko. 

Napasinghap ako ng gawaran niya ako ng halik sa buhok. Sumunod ay naramdaman ko ang mga kamay nito sa magkabilang balikat ko.

Ipinihit niya ako paharap sa kanya. 

Hindi ako maaaring magkamali. Pangangailangan ang nababasa ko sa mga mata nito.. 

"He wanted to make love to me! No, Alexus. Im not Laurice!". 

Ngunit walang tinig na lumabas mula sa bibig ko. Sa halip ay napasinghap ako ng bumaba ang mukha nito sa leeg ko habang ang dalawang kamay nito ay gumapang mula sa mga balikat  ko patungo sa dibdib.. 

Muntik na akong mapatili. Isang mahinang ungol ang kumawala mula sa bibig ko na pakiramdam ko ay galing sa kaluluwa ko. 

"God, gusto ko ang ginagawa ni Alexus pero hindi dapat!" 

No! natatangay lamang ako sa romantikong situwasyon dahil nasa Villa Royal kami, dahil bagong paligo ako, at dahil undeniable ang sex appeal ng lalaking kasama ko sa silid na ito. 

Naramdaman ko na unti-unti nitong kinakalas ang tali ng bathrobe na suot ko habang bumababa ang mainit nitong labi sa dibdib ko. Pinilit kong paganahin ang isip ko. Hindi dapat ako magpatangay. 

Bigla kong itinulak si Alexus at tumalikod dito. 

"Hey! whats happening to you?" nagtatakang tanong ni Alexus sa akin habang muli niyang ibinubuhol ang suot kong bathrobe. 

Muli lumapit si Alexus sa akin at ipinihit ako paharap sa kanya. His face was a few inches away from me, distansiyang gustong magpawala sa katinuan ko. 

"You used to crave for my embraces. Naninibago ako saiyo Laurice. Bakit ikaw naman ang mailap sa akin ngayon? Ginagantihan mo ba ako?"

"Of course not!" paiwas kong sabi kay Alexus. 

"Good, Dahil hindi ako makapaniwalang mailap ka na sa akin ngayon." 

Bago pa ako muling makapagsalita ay nakabig na ako nito and kissed me hungrily. Nanginig ang buong katawan ko dahil sa halik na iyon.

Kinilabutan ako, kilabot na parang napakasarap sa pakiramdam. Mahigpit ang pagkakakulong ng mga bisig ni Alexus sa akin. Kaya naman hindi ako halos makahinga. 

Kahit gusto ko siyang itulak ay parang wala akong kapwersa-pwersang gawin iyon. Tila nalulusaw ang mga buto ko sa binti. Kapag ipinagpatuloy pa ni Alexus ang ginagawa niya ay bibigay ang mga tuhod ko. 

Para akong hinigop ng halik nito. Unti-unting lumalambot ang resistance ko. Nilulusaw ng tamis ng halik nito ang katinuan ko.

Gusto kong talikuran ang katwiran at tugunin ang halik nito. At naisip ko kung hindi ako tutugon sa halik nito ay lalo itong magtataka. 

I opened my mouth to accept his kisses. And kiss him back with the same passion and urgency.

There was no doubt, Alexus was an expert kisser. Dama ng buong pagkatao ko ang ipinadaramang sensasyon ng mapusok na mga labi nito. 

Then i felt his hand cupped my breast. Napadilat ang mga mata ko sa pagkabigla ngunit saglit lamang yon. I liked it.

Nagdadala ng kiliti sa buong pagkababae ko ang ginagawa nito. 

Subalit ng mapatingin ako sa salamin at makita ang sariling repleksiyon doon ay bigla kong naalala si Laurice. Para akong napaso, Malakas kong itinulak si Alexus. 

"Wait...! I-im sorry Alexus.." 

Disbelief was written in his eyes. "Bakit na naman?". 

"H-hindi kasi pwede ngayon Alexus... I have, eh." alibi ko. Mabuti na lamang at mabilis akong nakaisip ng dahilan. 

Napabuntong hininga ito kasabay ng iritadong pagsuklay ng mga daliri sa buhok. Pagkuwan ay walang-imik itong lumabas ng silid. 

"Alexus!" Tinangka ko itong habulin. Ngunit ang malakas na pagsara ng pinto ang sumagot sa akin. 

Nakadama ako ng panlulumo. 

O pang hihinayang ba itong nakakapa ko sa dibdib ko? 

"No, hindi na mauulit iyon. Natangay lang ako dahil hindi ko pa alam kung paano ihahandle ang ganoong situwasyon. But next time, Alam ko na kung paano." 

Nabahala ako ng mayamaya ay marinig ko ang papalayong ugong ng kotse ni Alexus. Naisip kong nagdamdam yata ito sa pag tanggi kong ibigay ang pangangailangan nito. 

"Hindi bale ng magtampo siya, Kaysa naman mangyari ang hindi dapat." 

Subalit hanggang kelan ako makakaiwas? 

Pabagsak na umupo ako sa gilid ng kama. 

Bakit ba hindi ko naisip na sa pagpapanggap ko tiyak na igigiit ni Alexus ang karapatan nito kay Laurice na paniwalang-paniwala na ako ang asawa niya?

-------------------------------- 

VOTE
COMMENT
BE A FAN...



* V E L V E T *

Bewitching Stranger (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon