42

150 8 2
                                    

42

Pagkababa ko palang sa eroplano ay sinalubong agad ako ng mainit na simoy ng hangin. Tangina naman, masusunog ata balat ko dito.

"Mommy, san na nga ulit tayo nakatira?" Tanong ko kay Mommy habang nagpapascan sya ng mga bagahe.

Kinuha nya ang passport namin at dumeretso waiting area para makakuha na ng taxi pauwi.

"Dyan lang. Wagnjg matanong, Naizz" ani mommy at pumara na ng taxi. Tahimik lang akong sumunod sa kanya.

Mukhang pamilyar sakin ang lugar. Sabi ni Mommy, nakatira daw kami dito at may bestfriend daw akong Miza ang pangalan. Natatandaan ko naman sya at kilala ko sya. Pati nga mga kaibigan ko noon highschool naaalala ko pa eh. Kaya hindi ko maintindihan yung mga sinasabi ng doctor na may amnesia daw ako.

Bumaba kami ni mommy sa isang average house. Medyo malaki pala ang bahay namin. Napansin ko naman ang isang pink na kotse sa tapat ng bahay ng kapitbahay namin. Bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas ang isang maganda, matangkad at may malaking boobs na babae.

Teka, parang kilala 'ko 'to ah?

Bahagya ko syang tinitigan at nagulantang ang buong pagkatao ko ng marealize na si Elise yun! Omg? Naalala ko sya! Sya yung girlfriend nung crush na crush ko na si Terrence Kim! Anong ginagawa nya dito?

Pumasok sya sa bahay ng kapitbahay namin at hindi ko na ulit sya nakita. Ano ba 'yan! Magpapapicture pa naman sana ako.

"Ano ba Naizz, halika na!" Sigaw ni Mommy at hinila ako. Dinungaw muna nya ang bahay na kanina ko pa tinititigan at tsaka ako masamang tinignan.

"You don't know them, Naizz. Bago lang sila dito. Pumasok ka na".





Isang linggo na rin simula nung nakarating ako mula sa Amerika. Hindi pa ako pumapasok sa school at sabi ni Mommy, baka next year nalang daw. Halos araw araw ding bumibisita dito si Miza, nakakasawa na nga yung mukha nya eh.

At sa isang linggo na yun, iisa lang ang laman ng panaginip ko, isang misteryosong lalaki. Hindi ko alam kung panaginip ba 'yun o alaala. Sa paniginip ko kasi, kay kachat daw akong lalaki. Tapos inaabangan nya ako sa harap ng room. Pagkalabas ko daw binigyan nya ako bg bulaklak at tinanong kung pwede 'bang manligaw. Different dreams na iisa ang lalaki. Blurred ang mukha nya but somehow, nararamdaman ko na malaki ang parte nya sa pagkatao ko.

"Hoy! Ice ka lang?"

Napalingon ako sa mukha ni Miza na kanina pa nakaharap sakin. Kumakain sya dito sa kwarto ko ng chuchu, nakakainis
Mamaya langgamin ako eh!

"H-ha?", umirap sya sakin at sumubo ulit ng isang piraso.

"Sabi ko, namimiss ka na nila Gyereme at Odessa, kelan ka daw ulit papasok?"

Nagkibit balikat ako at bumuntong hininga. Kung papasok ba ako, hindi ba ako mawawala?

"Ewan... Baka next year daw sabi ni Mommy" sabi ko.

Tumango tango sya at kinuha ang kanyang pink na laptop at nagsimulang maglog in sa facebook.

Lumapit ako sa kanya at sumilip sa ginagawa nya, bahagya naman nyang inilayo sakin ang screen at mukhang balisa. Binaliwala ko naman.

"Miza, may itatanong ako", hinarap nya ako pero nanatili parin ang tingin nya sa screen ng laptop nya.

"Noong highschool ba, may nanligaw sakin na lalaki?" I asked.

Bahagyang nanlaki ang mata nya. This time, humarap na sya sakin at marahas na umiling.

"Naku! Hahaha! Naizz naman wala! Naku wala!" Sabi nya ng may fake na tawa. She's acting weird. Tinatanong ko lang naman.

Tumango ako dumungaw sa bintana. Mula dito sa kwarto ko sa second floor, tanaw na tanaw ko ang bahay na pinasukan ni Elise kanina. I wonder hows her relationship with Terrence. Nakakainggit naman, going strong sila.

"Si Elise ba..." I paused. Ibinalik ko ang tingin sa kanya. Ngayon naman ay may tinatype syang kung ano sa laptop.

"...at Terrence, sila pa rin?" Pagpapatuloy ko.

"WTF NAIZZ!" Sigaw ni Miza at mabilis na uminom sa juice nya sa may side table ng kama. Hminga sya malalim at tumingin sakin ng matalim.

"Wag mong sabihing hindi ka pa nakakagetover kay Terrence?" Ani Miza. Umiling ako.

"Ofcourse not! Matagal na 'yon tsaka crush ko lang naman sya. He doesn't even know me" depensa ko.

Bumuntong hininga sya at humawak sa dibdib sa kay parteng puso.

"Hay, akala ko pa man din nakakaalala ka na" bulong nya.

Nanliit ang mata ko. Ano bang dapat kong maalala?

"Ano?"

Umiling iling sya at ngumiti, "Wala!" Sagot nya.

 Terrence / Kim Taehyung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon