45

162 8 6
                                    

Dedicated to xLittleLadyBluex

Ayan na ang update na hinihingi mo BB😍

Hindi na 'to naedit. Hahaha! Happy reading!

45

Binalot ng tunog ng ambulansya ang tahimik na gabi ng aming village. Sumilip ako sa bintana only to know how lots of people ang nakaaligid sa bahay nina Terrence.

It's been 2 weeks simula ng huli naming convesation at ng bangungot na 'yon. Up until now, I don't know how to approach him. I know, tanga ako pero anong magagawa ko? Mahal ko sya at handa akong patawarin sya.

Lalo na't alam kong babalik na ga sakin.

"Naizz?!" Marahas na bumukas ang pinto. Sumalunong sakin ang magulong mukha ni Mommy. Pawisan sya at umiiyak. Magulo ang kanyang buhok at wala syang make up.

"Sweetheart, shhh..." Sabi ni Mommy at agad akong niyakap. Hinahaplos nya ang buhok ko at hinahalikan ang noo ko.

Napalingon ako sa bintana. May mga pulis na ring nagsisidatingan at lahat sila ay pumasok sa bahay ng mga Kim. Nakita ko pang inakay ng isang pulis yung Mama ni Terrence samantalang tahimik na sumunod ang umiiyak nitong ama. Both we're crying like babies. Bigla akong kinutuban.

"Mommy anong mangyayari?" Tanong ko.

Pumikit lang si Mommy at muling umiyak. "Shhh, let them solve that one". Aniya.

Sa inakto ni Mommy ay mas lalo akong kinabahan. Hindi naman si Terrence ang napakamak diba? Damn! No, not Terrence. Oh God not Terrence, sht!

Kinalas ko ang pagkakayakap sakin ni Mommy at nagmadaling ipinunglot ang buhok. Dali dali kong hinagilap ang tsinelas ko at hindi na ako nag abalang magjacket kaya naman paglabas ko ay halos manginig ako sa ginaw. Pero hindi ko inalintana 'yun. That's nothing compared to this burden I've been with.

"Terrence?!" Sigaw ko ng makarating ako sa harap ng bahay nila. Agad akong nilapitan ni Tita at niyakap. Humagulgol sya sa balikat ko at inalo ko naman sya.

Ng medyo kumalma sya ay tsaka uli ako nagtanong.

"Tita, where's Terrence?".

Umiling iling sya at muli nanamang naiyak. Mukhang hindi kayang sagutin ni Tita ang tanong ko kaya siguro lumapit si Tito para aluin sya at ng masagot na ang tanong ko.

Bumuntong hininga sya at halata ang pagpipigil ng iyak sa bawat reaksyon na makikita mo sa mukha nya.

"Tit-".

"He cut himself, Naizz. I-I don't know if he can survive". Aniya.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa balita ni Tito. Tsaka naagaw ng atensyon ko ang lalaking nakasakay sa stretcher at duguan. His white polo uniform were tainted with blood.

Agad akong lumapit sa kanya at sinubukang yugyugin ang balikat nya. No. No. Terrence, no.

"Terrence!" Hagulgol ko. But then, nothing happens.

Ipinasok na ang stretcher sa loob ng ambulansya at tsaka sumunod ang parents nya. Pinapanood ko lang ang lahat. Tila ba nabuhusan ako ng malamig na tubig. Ayaw magsink in sa utak ko ang lahat ng nangyayari.

Hanggang sa makaalis ng tuluyan ang mabulansya ay walang ibang laman ang utak ko kundi panghihinayang. Nanghihinyang sa pagkakataong sana ay nilapitan ko na sya at napatawad. Nanghihinayang sa mga panahong sana ay magkasama kami. I love him pero anong ginawa ko? Tangina.

Natauhan lang ako ng may bumalot na braso sakin. Mas lalo akong naiyak. Wala na ba talaga? Is this the end?

"Miza, wala na sya. Wala na sya" Iyak ko. Mas humigpit ang yakap sakin ni Miza.


Sa mga sumunod na araw ay tulala lang ako. Thank God ay kahit papaano ay kinakaya ng katawan ni Terrence ang lahat. Though, not sure kung makakasurvive sya hanggang huli.

Since that night hindi ko na ulit sya nakita. Wala akong lakas ng loob na bumisita sa hospital.

"Naizz?"

Pumasok si Miza sa kwarto ko. Lagi nalang syang bumibibisita e wala naman akong sakit.

"Hindi ka daw kumakain?" Aniya.

Tumango ako. Hindi kasi ako nakakaramdam ng gutom. Minsan pa hindi ako makatulog.

Lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko. Bumaba ang kama dahil narin siguro sa bigat nya. Bumuntong hininga sya at hindi nagsalita. Siguro ay alam nyang gusto ko ng katahimikan.

"Miza, I want to visit him". Pagbabagsak ko sa katahimikan. Halata ang pag aalala sa mukha nya. Pero sigurado ako sa gusto ko. Matagal ko ng hinanada ang sarili ko sa muli naming paghaharap. Sa kung ano mang itsura nya ang madadatnan ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot nya. Agad na akong tumayo at pumasok sa banyo. Pagkatapos ay nagbihis na agad ako. Simpleng jeans at white printed shirt lang ang suot ko gaya ng lagi kong sinusuot. Kinuha ko ang shoes na ginamit ko noong nagdate kami ni Terrence sa concert ng Exo. Muling bumuhos sa akin ang lahat ng alaala.

Ng makarating kami doon ay agad akong sinalubong ng Bangtarantados. Lahat sila ay kagagaling sa pag iyak.

Ng tuluyan akong nakalapit sa kanila ay sya namang isa isa nilang pagdumog sakin para yakapin. Hindi ko sila kaclose pero sigurado akong alam nila ang namamagitan samin ni Terrence.

"Akala ko hindi ka na dadating" Ani Colosseous na syang unang yumakap sakin.

"Oo nga, naku! Alam mo ba nung nalaman kong magpapakasal sila ni Eli..Aray!" Bahagya akong natawa sa pambabatok ni Kean kay Knoxx.

"Ang daldal mo talagang ugok ka. Punyeta ka!" Dugdong naman ni Kean. Nailing nalang ako sa dalawa.

Sinilip ko ang pinto kung saan sa loob ay naroon si Terrence. Halos manlumo ako ng makitang puno ng mga tubes ang nakakabit sa katawan nya galing sa iba't ibang machines. Naghilom na ang sugat nya sa wrist halata mong malalim ito. Pero hindi ko inaasahan ang isa pa. He didn't just cut himself. He stabbed himself right in his chest.

Agad ko syang nilapitan at naupo sa tabi nya. I cry my ass out kahit alam kong hindi nya ako makikita o maririnig man lang. Pero kahit na! Kailangan kong masabi bago mahuli ang lahat. Bago ako mawalan nanaman ng pagkakataon.

"Bebe labs, may ikwekwento ako..." Lumandas ang isang butil ng luha galing sa aking mata na sinundan ng isa at isa pa. Tuloy tuloy lang.

"Alam mo ba? Dati noong second year ako? May crush na crush ako! As in. Ang gwapo gwapo nya kasi tapos sobrang talented pa". Pinunasan ko ang luha ko. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa ganito.

"...tapos alam mo ba. Sa sobrang kaadikan ko sa kanya? Chinat ko sya. Oha? Ang lakas ng loob ko diba? Mahal ko kasi. Kaso nga lang, sinungitan nya lang ako. Pinagtabuyan."

"Alam ko naman na never nya akong magugustuhan. Kasi ayun nga, sino ba naman ako diba? Isang feeling, gaga, dyosa, walang talent tapos hindi sexy di tulad nung girlfriend nya..."

"Pero hindi ako nawalan ng pag asa. Ipinagsiksikan ko  parin yung sarili ko sa kanya. Kinulit ko sya ng kinulit. Nung una hindi sya nagrereply pero ayun, nangseseen na sya tapos nagrereply pa! Kaso..."

Yumuko ako at mas bumuhos pa ang luha galing sa mata ko. Hindi ko na ata kayang ituloy. Masyadong masakit, masyadong masakit sa puso.

Ipinagpatuloy ko lang ang kwento ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung hindi nya marinig. "...kaso, sinaktan nya ako e. Alam mo yung feeling na akala ko ako na? Akala ko dream come true na kasi niligawan ako ng crush ko! Ansaya diba? Kaso, akala ko lang pala. Kasi hanggang sa huli, alam mo ba kung sinong mas pinili nya? Yung ex girlfriend nya."

"Bakit ganun Bebe Labs? Bakit sya yung pinili mo? Diba nung nag hiwalay kayo, ako yung nandyan? Ako yung sumalo sayo? Pero bakit nung binalikan ka nya sumama ka naman? Tapos ito ako naiwan... Pero kasi, hindi ko rin maintindihan 'tong sarili ko. Ewan ko ba! Ang tanga tanga ko no?". Halos pumiyok ako habang nagsasalita.

"Handa parin kasi kitang patawarin. Bebe Labs, gising na oh. Pinapatawad na kita, please. Saranghamnida". Yumuko lang ulit ako. Hinawakan ko ng mahigpig ang kamay nya and I was so stunned ng biglang tumunog ang heartbeat monitor sa tabi nya.

Straight line.

"Sht! Terrence, no! Please no..."

 Terrence / Kim Taehyung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon