46

134 8 2
                                    

Happy 600 reads! Hahaha okay tuwang tuwa na ako dyan guysue. Huehuehhe. Salamat po! So ito na, ang nalalapit na ending.



46

Dali dali akong lumabas at pinuntahan ang Bangtarantados. Naabutan ko silang natutulog sa waiting area kaya dumeretso agad ako sa counter para tumawag ng doctor.

"Room 745, I need a doctor!" Sigaw ko sa secretary. Nanginginig ang buong katawan ko. Nanghihina ang tuhod ko at mas lalo na akong naiiyak.

Ng lumabas ang siguro ay doctor ni Terrence aya agad kaming kumaripas ng takbo pabalik sa private room nya. Naabutan namin doon ang parents nya. May nurse na rin doon at ready na ang mga apparatus.

Pinalabas kami at isinarado ang kurtina. Mabuti nalang at may salamin na part yung pinto kaya nasisilip namin ang nasa loob. Yun nga lang, hindi maganda ang view. Si Terrence, nag aagaw buhay.

"1...2...3...Clear!" Anunsyo ng doctor na sinundan mg pagtalbog ng katawan ni Rence. Hindi parin bumabalik sa dati nitong anyo ang diretsong linya. Wala ring tigil sa pag tunog ito.

"Lord, please..." Ipinagdaop ko ang mga palad ko. Umaasam na sana ay pagbigyan naman ako ni Lord. Alam ko namang hindi naging maganda ang paghihiwalay namin. Maski yung huling usapan namin nung hindi pa ako nakakaalala. Ni hindi ko man lang naipalam noon na may sakit ako. God! To God knows how I love Terrence.

Hindi ko kinaya ang sitwasyon kaya napagdesisyunan kong umalis. Pinigilan pa ako nung una ni Tita pero sinabi ko lang na kailangan ko ng hangin.

Nadatnan ko nalang ang sarili ko na naglalakad sa walang katao taong kalsada. Napaupo ako sa sidewalk at tumingin sa wristwatch ko. 6:45 P.M. Bahagya akong napangiti kahit pa naluluha ako. Ito ang oras kung saan madalas kaming mag usap sa chat. Wag mong sabihing ito rin ang last na huli ko syang makikita? Wag naman sana.

Pumikit ako at hinayaang lumandas ang masasaganang butil sa luha sa aking pisngi. Umihip ang malakas na hangin at nangatog ako sa lamig. Sumabog ang mahaba kong buhok sa aking mukha at hinayaan lamang 'yon.

Muli akong nagdasal. Nagbabakasakali. Baka sakali...

"Terrence, lumaban ka..."

 Terrence / Kim Taehyung Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon