Hapon na nang magising si Vivi. Noong una, siya ay nanibago sa kaniyang kapaligiran ngunit kaagad din naman niyang nai-proseso sa utak ang kondisyon na kaniyang kinalalagyan.
Dahan-dahan niyang binuksan ang kwarto ng kaniyang bagong tahanan. Nasilayan niya ang papalubog na araw at ang binata na nasa ibaba at nagtatabas ng halaman.
Umalis siya sa may bintana at dali-daling umalis sa kaniyang kwarto. Napansin niya pa ang mga mumunting gamit na nasa gilid ng sala. Binuksan niya ang pinto papalabas ng bahay at napapunta siya sa may terasa.
Ang kanilang terasa ay bahagyang maliit kumpara sa bahay ni Ka Tiyago. May hagdan ito sa gilid, pababa sa mga halamanang dinidiligan na ni Sebastian.
"Psst!" Tawag niya dito. Lumingon ito sa kaniya at kumunot ang noo.
"Aba binibini, magandang hapon." Mapomosong sagot nito.
Inismiran niya lamang ito. Nang siya ay nag-tangkang sumagot ay may mga matatandang kababaihan ang sumulpot sa harap ng kanilang bahay.
"Aba! Himala at mayroon nang naninirahan dito!" Bulalas ng babaeng may pamaypay sa dibdib.
"Oo nga Teodora, hindi ba't pag-aari ito ni Don Santiago? Akala ko'y maluluma na ito sa katandaan." Usisa naman ng isa.
Napataas ng kilay si Vivi, 'Hala nga naman ang balita. Pwe.'
Tahimik lamang na nakinig si Sebastian hanggang sa napasulyap ng tingin ang isa sa mga matatanda.
"Naku Milagra! Mukhang kilala natin ang bagong naninirahan dito." Ang sabi ni Teodora.
"Aba, hindi ba't si Sebastian iyang itinutukoy mo?" Pakuwari naman ng babaeng nag ngangalang Milagra.
"Siya nga! Siya nga!" Ang sagot naman noong isa.
Napansin ni Vivi ang pag-ngiti ng binata sa kanila at agad naman nitong ibinaba ang kaniyang kagamitan atsaka yumuko sa kanilang harapan.
"Ikinagagalak ko po muli kayong makita Tiya Dora, Tiya Mila at Tiya Teya."
"Naku! Binata ka na iho. Hindi ba't ikaw yung inaanak ni Don Santiago?" Sabi ni Tiya Teya.
"Siya nga po." May ngiting sabi ng binata.
Lumapit ang mga matatandang babae sa lugar ni Sebastian atsaka napansin si Vivi na nagmamasid sa kanila. Nagulat pa siya at nagtangka sanang magtago sa loob ng biglang nagtanong ang mga matatanda.
"At sino naman ang dalagitang iyong kasama?" Tanong ni Teodora habang ipinapaypay sa sarili ang pamaypay.
Napatingin nang may takot si Vivi kay Sebastian. Napalunok naman ang binata at tumingin rin sa kaniya.
"A--"
Go Basti, push mo yan. Di na ako makapagsalita.
"Asawa ko po." Biglang bulalas ni Sebastian. Siya nama'y napalaki ang mga mata.
Ang mga matatanda ay napatingin sa isa't-isa atsaka sabay-sabay na nag-tanong sa binata.
"Asawa?!"
"Dios Mio! Sayang, nahuli na ata kami. Nais ko pa naman sanang ipakasal ka kay Teresa!"
BINABASA MO ANG
Predestinada (HIATUS)
Historical FictionSa di inaasahang pangyayari, nakakita si Vivi ng isang matandang babaeng (baliw). Isa daw itong engkantadang hiningan ng tulong ng kanyang ina noon. Pero dahil sa isang pagkakamali ng ina, kailangan niya itong bayaran. At ang kabayaran ay ang pagpun...