Kwatro

244 19 1
                                        

"H-Ha?" Isa pala itong binata. Napakurap siya ng mata at nakahinga ng maluwag. "Ano ba 'yan! Akala ko kung ano ka na. Tinakot mo naman ako." Tumawa siya ng mahina.

     "Sabi nang ano ang pakay mo dito?!" Sumigaw na ito ng marahas sa kaniya.

      Nang mapansin ang galit na hitsura nito ay doon lamang siyang tunay na natakot. Hindi siya makasagot dahil hindi naman talaga niya alam kung ano ang isasagot.

      Ano nga ba ang ginagawa niya doon? Ayaw gumana ng brain cells niya.

      Teka, sino ba 'to at wala naman siyang nakikitang bahay.

      "T-teka--" Lumapit ito ng bahagya, handang manapak. Naniningkit rin ang mga mata nito. "--Magpapaliwanag ako. Pero hanggang d'yan ka lamang. D'yan ka lang. Wag kang makulit. Stay! Wag kang hot 'kay?" Sige, push mo Venus. Gawin mong aso. Tatalab 'yan.

      Lalong sumama ang hitsura nito at ikinuyom ng mas madiin ang kamay. Napalunok siya. Pero kahit na ganoon ay pinagbigyan s'ya nito ng pagkakataong magsalita (Kahit na hindi siya nito masyadong naintindihan).

      "Gusto ko lang magpahinga sa taas ng puno."

       "…"

       "…"

      Kumunot ang noo nito. "Kahit na ikaw ay isang babae, ikaw'y aking paghihinalan."

      "Alam ko." Mabilis na sagot niya. Shungabells. "Ah... Kalalabas ko lang sa gubat--"

     Hindi pa man natatapos ang kaniyang paliwanag ay hinawakan na siya nito sa braso at hinila papalayo sa puno.

      "Ikaw ay magpaliwanag na lamang kay Ka Tiago." Mariin na sambit nito.

      Napasinghap siya ng malakas,

      Ano ito? Para akong kriminal at ipapapunta ako sa Presinto?!

      "Teka bitawan mo ako! Letse!"

      Naku! Nakakainis itong itlog na 'to!

      "Babae ako! Hinayupak ka--"

    


####

      "Ito ang nahuli mong espiya sa bakuran?"

      Bakuran? BAKURAN?! 

      "Teka, teka aber. Hinto. Bakuran? Sa laki nun? BAKURAN lang yun?!"

      Inis na inis pa rin si Vivi sa ginawa sa kaniya ng binata na nakita niya sa may puno na dapat ay pagpapahingahan niya.

      Akala ko ba gentleman sila noon?

      Malaki ang bahay na napasukan ni Vivi at ng estrangherong lalaki. Sa likod sila dumaan at doon nakita ang may-edad na lalaki na ngayon ay kaharap na niya.

      Tumawa ng mahina ang matanda. "Oo Hija, bakuran ko iyon. Ano ba ang iyong pakay Señorita at ikaw ay umakyat sa puno? Hindi magandang tingnan sa isang dalagita na gawin iyon."

      Nakaupo siya ngayon sa silya. Tiningnan niya muna ng masama ang binata mula ulo hanggang paa, na naroroon din atsaka sumagot.

      "Nais ko lamang pong magpahinga sa taas." Simpleng sagot niya at tumingin sa ibang panig ng silid.

      Hindi niya alam kung bakit ngunit hindi siya natatakot sa matandang lalaki. Hindi rin siya kinakabahan, mukhang mabuti naman itong tao at maayos ang pag-iisip.

      "Kung ikaw ay tunay na magpapahinga lamang sa puno bakit--!" Sa pabiglang singit ng binata ay siya ring ikinabigla nito nang pigilan ito ng matanda.

      "Huminto ka muna Sebastian. Iyong pakalmahin ang sarili. Magpahinga ka muna sa iyong silid at ako na lamang ang maglilinaw ng mga detalye sa kaniya."

      Sebastian pala ang pangalan niya... Sabi niya sa sarili.

      Nagdalawang isip muna si Sebastian at tumingin muli sa kaniya ng masama atsaka ibinaling muli sa matanda bago ito tuluyang umalis.

      Nang makalabas ito ay saka lamang nakahinga ng maluwag si Vivi.

      "Ayos ka na Hija?" Malumanay na tanong ng matanda.

      Napatango na lamang siya. Pinagmasdan niya ang paligid. Maluwag at malinis.

      Ngumiti ang matanda sa kaniya. "Gusto mo ng tubig Hija?"

     Tunay ngang mabait ito. "Hindi niyo na po ako papagalitan?"

      Tumawa ito ng malakas. "Bakit naman Señorita? Wala kang ginawang masama."

      "Hindi niyo po ako... Pinaghihinalaan?"

      Lalo pang lumakas ang tawa nito.

      Hala... Naloloka si Tandang...

      "Wala sa hitsura mo ang pagiging espiya. At noong una pa lamang kitang nakita ay batid ko sa sarili na hindi masama ang iyong budhi."

     Tumayo ito at kumuha ng maiinom, patuloy pa nito,

     "Si Sebastian lamang ang nag-iisip ng ganoon sapagkat madali siyang maghinala."

      "Siya nga po." Pag-sang ayon niya. Natuwa naman ang kalooban niya.

      Mukhang hindi pa naman siya malalagot nang maaga.

      "Mawalang galang na Señorita ngunit matanong lamang, bakit ganiyan ang iyong kasuotan at paano ka napadpad sa aking lupain?" Tanong nito sa kaniya habang inilalapag ang baso ng tubig sa mesa.

      Bumilis nanaman ang pagtibok ng puso niya. Paano niya ikukuwento kung paano siya nakapunta doon...?

      "At saan ka ring nanggaling? Ipapahatid na lamang kita bukas pagsikat ng araw sa aming Kutsero."

    Patay. Patay na patay.

     Sige nga. Paano niya sasabihin na galing siya sa future na may engkantadang-checheburechengeklavuchurlalu.

     "Ah...Ahm..." Napakunot ang noo niya at hinawakan niya ang senstido. Wari ba'y siya'y nasasaktan at nagpapamukhang hindi niya maalala kung saang planeta ba siya nanggaling.

     Napasimangot ang matanda. "Wala kang... Maaalala?"

     Nagkunwari muli siya... No choice. Sarreh.

     "...W-wala po. Wala po talaga. Maliban lang po sa aking pangalan."

     Napaupo bg tuwid ang matanda. "O s'ya, ano ang iyong ngalan?"

     "Maria...Venus Hustisya. Ang tawag po ata sa akin ay Vivi."

     "Hm... Kakaibang pangalan." Huminga ng malalim ang matanda. "O s'ya, dito ka muna magpalipas ng gabi. Tatawagin ko si T'ya Puring upang asikasuhin ka. Kailangan mong maghilamos at kakailanganin mo ng bagong damit."

     Pinagmasdan niya ito habang tumatayo ito sa upuan.

     "Ako nga pala si Don Santiago Bernadino. Ang tawag nga pala sa akin dito ay Ka Tiago...

     ...Malugod na pagbati at magandang gabi Señorita Vivi. Bukas na bukas rin ay ikaw ay aming tutulungan sa pagtunton ng iyong pagkakakilanlan."

Predestinada (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon