Nagising si Vivi sa marahang katok mula sa kaniyang pintuan. Hindi niya pa nais na buksan ang kaniyang mga mata ngunit pinilit niya na rin sapagkat hindi tumigil ang katok sa kaniyang kuwarto.
Mabigat pa sa kaniyang kalooban nang kaniyang mapansin na hindi pa sumisinag ang araw.
Ano nanaman ba ito? Si Basti ba? Aba, ang lakas ng loob na bulabugin ako ng hating gabi.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan habang ibinabalot sa katawan ang alampay sa kaniyang katawan.
"Tiya Puring?" Kagulat-gulat dahil ang kaniyang nadatnan ay ang matandang babaeng nag-aalaga sa kaniya. Naka-pintura sa mukha nito ang pag-aalala at takot.
"Ay buti naman hija at pinagbuksan mo na ako ng pintuan. Halika na't may pupuntahan kayo ni Sebastian. Magmadali ka." Mahina at mabilis na sabi nito sa dalaga. Hindi naman mawari ni Vivi ang pagmamadali ni Tiya Puring.
Dahil na rin siguro sa kaniyang antok kaya hindi rin siya gaanong makakilos.
"Hija! Dios Mio! Magsipag galaw ka na. Aalis kayo ng maaga."
Ha? Kami ni Sebastian?
"Ho? Aalis na po kami ni Sebastian? Pinapalayas na po ba kami ni Ka Tiago o... Magtatanan na kami?!"
"Shh! Huwag ka nang maingay at huwag ka nang mag-tanong. Huwag ka na rin mag-bihis. Dumeretso ka na sa likod, makikita mo roon ang karwaheng maghahatid sa inyo sa Laguna. Huwag ka nang magpaalam kay Ka Tiago."
Napatigil si Vivi ng saglit at naramdaman niya ang lamig ng sahig. Ano daw? Bago pa man ma-proseso ang bawat diwa na sinabi ng Tiya ay gumalaw na rin siya ng dahan-dahan.
Kinuha lang niya ang kaniyang maliit na unan atsaka dire-diretsong lumabas ng kuwarto.
"Psst! Ano ka ba naman Hija, hindi diyan, dito sa kaliwa. Kaliwa!" Naipunas ni Tiya Puring ang kaniyang kamay sa mukha.
Umurong siya bahagya tsaka pumunta sa itinuro ng matanda. Sinundan siya nito sa likod habang siya naman ay pinipilit na gisingin ang sarili mula sa kaniyang pagkakahibang sa antok.
Pilit din niyang iniintindi ang nangyayari ngayon. Bago pa man niya mabuksan ang pintuan papalabas ay hinawakan ni Tiya Puring ang balikat ni Vivi.
"Hija, magiingat kayo. Huwag kayong magpahuli sa mga Espanyol. Hanggat maaari ay tumungo ka at magtago. Nandiyan sa tabi ninyo ang Diyos at manalig ka." Niyakap siya nito. "Mag-iingat kayo ni Sebastian Vivi. Mabuhay sana kayo ng payapa." Hinigpitan pa nito lalo ang pagkakayakap, pagkatapos noon ay tinitigan ang kaniyang mukha nang may luha sa mga mata.
Doon lamang nakadama ng kaba at takot si Vivi. Mukhang naiintindihan na niya ang lahat.
"A-ano pong nangyayari? Hindi po ba kayo sasama? Si Ka Tiago po? Tiya Puring ano pong nangyayari?" Mahinang tanong niya habang may kaba sa dibdib.
"Vivi, kumalma ka. Huwag mag-alala sapagkat magiging maayos ang lahat. Lumarga na! Larga!" Binuksan ni Tiya Puring ang pintuan at itinulak si Vivi sa labas.
Humampas sa kaniyang balat ang lamig ng simoy ng hangin. "Tiya, ayoko po. Natatakot ako." Halos mangiyak-iyak na sambit niya.
"Hija, nasa tabi mo si Sebastian. Siya na ang bahala sa iyo at ikaw na rin ang bahala sa kaniya."
Mayroon na ngang naka-abang na karwahe sa ilalim ng puno na unang pinagkitaan nila ni Sebastian.
"Tiya--"
"Maraming salamat po Tiya. Hanggang sa muli. Vivi?" Nakarinig ng malalim na boses si Vivi, kilalang-kilala na niya iyon.
"Bas...ti?" Naiiyak na talaga siya ngunit walang luhang lumabas sa kaniyang mga mata.
Pakiramdam na niya ang trahedyang dadating sa pamamahay ni Ka Tiago. Ngunit hindi na niya gusto iyong mabatid pa.
Bumaling siya sa matandang babae at nakita niya itong tumungo, siya man ay yumuko. Sa kaniyang pagyuko ay ang kaniyang pamamaalam, Kina Tiya Puring at kay Ka Tiago. Sa munting bahay na iyon at sa punong kaniyang naging daan.
Dahan-dahan siyang tumingin kay Sebastian na ngayon ay nasa tabi na ng karwahe, nilakasan niya ang kaniyang loob at huminga ng malalim. Naglakad na siya papalapit kay Sebastian. Matibay ang kaniyang kalooban ngunit mapait ang kaniyang damdamin. Binuksan naman agad ni Sebastian ang pintuan at tinulungan siya nitong pumasok sa loob.
Nang makaupo ay sumunod ang binata sa loob at isinara ang pintuan. Binuksan naman agad ni Vivi ang bintana at pinagmasdan ang matandang babaeng may hawak-hawak na rosario.
"Senyor, maari na po ba?" Tanong ng kutsero sa may bintana sa loob.
"Maaari na, Ginoo." Sagot naman ni Sebastian.
Gumalawa na ang karwahe.
Paalam.
Isinara na niya ang bintana.
Maraming Salamat.
Niyakap niya ang kaniyang unan.
Tiya Puring.
Huminga siya ng malalim.
Ka Tiyago.
Hindi niya pinakiramdaman si Sebastian.
Paalam na.
##
Bahagyang nakabukas ang capiz sa ikalawang-palapag ng bahay.
"Inang mahabagin..." Maririnig ang mayuming tinig ng isang dalaga sa loob ng kuwartong iyon. "Ka Tiago, Sebastian. O nawa'y patawarin ninyo po sila."
Patuloy sa pagdarasal ang dalaga sa harap ng imahen ng Birhen. Narinig niya ang pagkaluskos ng paa sa labas ng kaniyang kuwarto. Agad naman siyang tumayo at humiga sa kaniyang kama.
Naramdaman niyang bumukas ang pintuan at muli ay nagsara.
"Tulog ho siya Ka Tiago."
"Mabuti naman T'ya Puring. Huwag ipabatid kay Maria Clara ang mga nangyayari."
A/N: Ay sa wakas at natapos na rin ang bagong yugto. Pasensya na po talaga sa haba ng aking pagkakawalang presensya.

BINABASA MO ANG
Predestinada (HIATUS)
HistoryczneSa di inaasahang pangyayari, nakakita si Vivi ng isang matandang babaeng (baliw). Isa daw itong engkantadang hiningan ng tulong ng kanyang ina noon. Pero dahil sa isang pagkakamali ng ina, kailangan niya itong bayaran. At ang kabayaran ay ang pagpun...