Diez

162 15 5
                                    

'Ano nga ba itong napasok kong kalokohan ha Vivi?' Napailing na lamang ang dalaga sa kaniyang naisip.

Dahil sa pagbalik nilang dalawa sa bahay ni Ka Tiago ay siyang ikinasimangot ng dalagang Maria Clara.

"At saan naman ho kayang nanggaling mga mabubuting binata at dalaga?" Tanong nito sa kanila.

"Kami ay naglakad sa bukirin binibini." Magalang na pagsagot ni Sebastian. Agad namang napangiwi si Vivi sa nakitang reaksyon mula kay Maria Clara.

"Ganoon ba?"

"Oo naman." Pagtataray ng dalawang dalaga sa isa't-isa.

"Kapitan Tiago, maaari ho bang hingin ang inyong oras kahit saglit?" Biglaang saad ni Sebastian sa matanda at agad naman itong tumayo sa upuan.

"Maaari naman."

"O siya, ako ay magpapahinga na muna sa aking silid. Magandang hapon mga Senyor at Senyorita Maria." Tumango si Vivi sa kanilang lahat at umalis ng hapag.

Hindi nagsalita si Maria Clara at inismiran lamang siya nito.

'Impak-- Naku! Nagkakasala ako dahil sayo!'  Ngaling-galing ibato niya ang pamaypay sa mukha ng dalaga.

##


"Ano nga ba ang iyong batid Sebastian?" Umupo sa isang upuan si Ka Tiago at ang binata nama'y umupo kasalungat sa pwesto ng matanda.


Magsasalita pa lamang si Sebastian ng biglang may kumatok ng marahas sa pintuan ng bahay.


Agad namang dumungaw sa labas ang Don. Namataan niyang nagmadaling lumabas si T'ya Puring mula sa baba, sinilip muna kung sino ang kumatok atsaka pinagbuksan ang lalaking naka-camisa de tsino.


Nang maisara ang pintuan at nakasigurong wala nang tao sa labas ay bahagya itong bumulong sa Tiya at agad naman napansin nina Ka Tiago at Sebastian ang pamumutla ng matanda ng ito ay tumingin sa itaas.


Tumango si Ka Tiago dito at agad na lumabas ang lalaki at pumasok sa loob si Tiya Puring. Nagmamadaling umakyat ito sa silid ng dalawa.


Kumatok muna ito bago nag bukas ng kuwarto. Sinaraduhan muna ang mga bintana atsaka nagsalita ng mahina, sapat na upang marinig ng dalawa.


"Ka Tiago, ikinalulungkot kong ibalita sa inyo na nahuli ng mga Espanyol ang mga papeles na ating ipinadala sa pangasinan. Hindi naman nahuli si Ka Igel Ano na ho ang ating gagawin? Marami na rin ho ang nahuli at sa ngayon nga po'y magsasagawa na ng pag-iinspeksyon ang mga Guwardiya Sibil?"


Agad na napatayo si Ka Tiago, kunot ang noo at  deretsong tumingin kay Sebastian.


"Itatago natin si Sebastian pati na si Vivi. Huwag hahayaan na sila ay masilayan ng iba. Lalo na si Vivi dahil ang kaniyang katauhan ay kahina-hinala sa kanila. Sebastian,"


"Ano po iyon Ka Tiago?" Pirming tugon nito kahit na ito ay may kaba sa puso.


"Maghanda ng kwartel sa Laguna, iyon ang ating magiging bagong taguan. Doon kayo sa bundok at huwag mapapahuli. Naiintindihan?"


"Masusunod po Ka Tiago."


Ramdam ni Sebastian ang pag-kabog ng kaniyang dibdib. Bakit sa lahat ng oras ay ngayon pa? Hindi bale na, kung sa ganon ay hindi pa niya mapapakasalan si Maria Clara, makapaghihintay ang kanilang plano ni Vivi. Sa ngayon ay kailangan na muna niyag kumalma at mag-ayos ng gamit sa napaka madaling panahon.


Ano na nga ba ang mangyayari? Magsisimula na ba ang giyera? O ngayon na ba ang kaniyang huling sandali?


Hindi, hindi pa maaari.


"Gigisingin ko na si Vivi Senyor." Sambit ni Tiya Puring.


"Bukas ng umaga kayo umalis ngunit magsipag-ayos na kayo. Huwag ninyong ipabatid kay Maria Clara, baka siya ay mabagabag.


Ngunit ang hindi nila batid ay nandoon ang dalaga at nakatuon sa pintuan, nakikinig ng kanilang usapan.


Kwartel? Saan? O Diyos Mio, ano sila? Agad na bumalik sa kwarto ang dalaga nang marinig nito ang yabag ng paa ng matandang babae. Hinaplos niya ang kaniyang ulo.


Saan nga ba nasangkot ang pamamahay ni Ka Tiago?


A/N:

Pasensya po sa short update.


Predestinada (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon