Cinco

229 18 0
                                        

Hindi ko 'to kwarto...Hindi, hindi talaga--
      "HINDI KO NGA 'TO KWARTO!" Napabalikwas siya sa pagkakahiga at naimulat niya ang kaniyang mga mata nang wala sa oras.
      "Hindi ko 'to kwarto, hindi ko 'to unan, hindi ko 'to kama-- Nasaan ako?!"
      Iginala ni Vivi ang kaniyang mga mata at nakakita ng bintana. Binuksan niya iyon at dumungaw sa labas.
      Nakakita siya ng mga lalaking naka-camisa de chino .
      "-- Hindi... Nandito parin--" Naputol ang kaniyang pagbubulong sa sarili dahil nakarinig siya ng mahinang katok mula sa pinto.
      Lumapit siya doon at bahagyang binuksan ang pintuan. Nasilip niya ang isang nakangiting matandang babae.
      "Sabi ko na nga ba, ang tantiya ko ay tama. Ikaw'y gising na nga." Sabi nito sa kaniya.
      Nandito pa rin nga talaga ako, Kina Ka Tiago. Siya siguro si T'ya Puring.... Naalala ko na.. .
      "Magandang umaga po T'ya..." Ngumiti siya dito at sa wakas ay naikalma ang sarili. Agad rin naman itong ngumiti ng malumanay sa kaniya.
      "Magandang umaga rin Ineng. Aking nakalimutan ang inihandang damit para sa iyo. Heto na nga pala't para ikaw ay makapagpalit na. Ang aming kubeta ay nasa gilid lamang."
      Kinuha niya ang damit mula sa matandang babae at nagpasalamat.
      "Siya nga pala Hija, ang aking ngalan ay T'ya Puring."
      Ngumiti muli siya. "Thank you po Tita-- Ah, mali-- Salamat po T'ya Puring."
      "Hm," Saglit na nalito ito sa pagsasalita ni Vivi. Napakagat labi na lamang ang dilag sa nasabi niya.
      English pa more Vivi!
      "Sige po, mag-aayos lang po ako..." Palihim siyang ngumiti at unti-unting isinarado ang pintuan. Ipinagbale-wala na lamang ni T'ya Puring ang narinig at papaalis na ngumiti.

####

      "Nandito pa rin ho iyan?" Salubong na kilay mula kay Sebastian ang unang nadatnan ni Vivi.
      Nakasuot na siya ngayon ng "Saya" at nakaayos na katulad sa mga dalagang pilipinang kaniyang nakita sa makalumang panahon.
      "Sebastian, nawalan ka na ba ng paggalang sa mga kababaihan?" Pagsisimula ni Ka Tiago at bumaling naman sa kaniya. "Paumanhinin mo muna itong si Sebastian Señorita. Mukhang hindi pa siya sanay sa iyong presensya."
      Binigyan niya muna ng pagkapait-pait na titig si Sebastian bago niya nginitian si Ka Tiago.
      Nasa may hapag-kainan sila ngayon at sila ay mag-uumagahan.
      Bago muna ang lahat ay nagdasal muna sila ng taimtim atsaka sinimulan ang pagkain ng mga nakalatag sa mesa.
      Isusubo pa lamang niya ang kanin mula sa kutsara ngunit tila bang nakaramdam siya ng isang masamamng titig sa kaniyang katapat.
      Tumunghay siya at nahuli si Sebastian ngunit agad din itong lumihis ng mata.
      Napabuntong hininga siya.
      Ano, sa bawat kembot ko na lang may mapupuna? Aba naman... Nakakaloka!
      Ipinag-igihan na lamang niya ang pagkain. Kukuha pa sana siya ng ulam ngunit nahuli nanaman niya si Sebastian. Ipinagkawalang bahala na lamang niya iyon.
      Ang kapal naman kasi ng mukha niya pag nagreklamo pa siya eh siya na nga ang nakikikain kina Sebastian at Ka Tiago.
      Makalipas ang ilang minuto ay ayun nanaman. Alam niyang binabantayan siya ng binata. Animo'y isang pulis na binabantayan ang isang presong baliw sa kulungan.
      'Di nagtagal ay hindi na rin nakatiis si Vivi.
      "Ahm, mawalang galang na ho. Sebastian... Bakit ka ba titig ng titig sa akin?" Medyo (inis) mahinhin na tanong ni Vivi.
     Echos ka Vivi. Parang nagtatanong lang ng number ah. Pick-up ba 'to?
      Ang kulit niya talaga.
      Kinurot niya ang sarili.
     Tumunghay ang binata, wari ba'y ito'y naguguluhan sa nabanggit niya.
      "Ano 'kamo iyon?" Tanong inosente nito.
     Aba ang mokong. Mahusay.
      Ngumiti siya dito ng "pagkatamis-tamis".
      "Hindi ba dapat na ang mga lalaki ay hindi basta-bastang tumitingin sa mga babae?" Panunudyo niya.
      Agad na napaupo ng tuwid si Sebastian. "Hindi ba't ang mga babae ay kumakain at umuupo ng maayos? Siya rin ay dapat na magalang sa kalalakihan?"
      "Aha! Sinasabi ko na nga ba! Tumitingin ka!" Nakangiting sabi niya.
      Napatigil ng saglit si Sebastian bago ito sumagot, "Oo inaamin ko sapagkat ikaw ay walang pines!"
      Nagulantang si Vivi sa narinig. Walang *PINES?!
      "Walang PINES?! Hoy Mister! Nakalimutan mo na ba ang paggalang sa mga babaeng tulad ko? Sino ka para sigawan ako?!" Tumayo siya bigla at halatang nagulat sina Ka Tiago at Sebastian sa ginawa niya. "Wala kang modo!"
      Dumilim ang paningin ni Sebastian. "Bisita ka lamang dito at maaaring ikaw ay espiya! Hindi kita itururing na babae sapagkat hindi naman talaga!" Kumuyom ang mga kamao nito. Pigil na pigil sa sarili. "Gusto mo bang giitan kita ng leeg?" Pananakot nito.
      Kinuha naman ni Vivi ang tinidor, "Gusto mong dukutin ko 'yang mga mata mo?!"
Nanlaki ang mga mata ni Sebastian. Akmang lalapit na sana si Vivi kay Sebastian dahil sa inis ngunit biglang may pumigil sa kanila.
      "Kung kayo ay magtatalo, huwag sa harapan ko o sa harapan ng hapag-kainan! Doon na lamang kayo sa salas o sa hardin!" Matigas na singhal ni Ka Tiago.
      Kapwa sila natigilan.
      "Magkaliwanagan tayo, Hijo at Hija." Humarap ito kay Sebastian, "Sebastian, hindi siya kalaban at siya ay tunay na dalaga." Humarap naman ito kay Vivi, "Señorita, isa kang Pilipinang dalaga at hindi ko pinahihintulutan ang pagdukot ng mata gamit ang tinidor."
       Kapwa silang napatahimik at napahinga nalamang si Ka Tiago ng malalim.
       "Sa ayaw at sa gusto ninyo, kayo ay magkakasama hanggang sa makabalik ang alaala ni Señorita Vivi. At dahil sa ipinakita niyong gawi sa akin harapan ay iisa lamang ang aking naiisip na resolusyon." Napahawak ito sa sentido at nagkatinginan ang binata at dalaga.
      "Sebastian, ipauubaya ko sayo si Vivi. Vivi, sundin mo na lamang si Sebastian habang naninirahan ka dito."
      Napanganga sila parehas;
      "Ano po?! " Sabay nilang bulalas. Nagkatitigan sila ng may dismaya sa mukha at pandidiri.
      Alam nilang kapwa hindi ayon sa panahon ang kanilang mga reaksyon.
      Para kay Vivi ay ayos lamang iyon dahil taga-hinaharap siya ngunit kay Sebastian naman ay nagawa niya lamang iyon sapagkat kagimbal-gimbal ang sinapit niya.
      "Malas ka talaga." Pabulong na hirit ni Vivi kay Sebastian.
      Naningkit ang mga mata ng binata ngunit pinili na lamang na umupo muli.
      Kailangan muli nitong hanapin ang sarili. Ganoon din ang dalaga, umupo siya at napahinga ng malalim .
      Wala naman atang aangal sa kanila.
      Lihim na napangiti ang matanda.
       Bakit, may papalag pa ba?

*Pines-Pino/Mayumi/Sopistikada/Maypoise :)
     
    

Predestinada (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon