"Ano po ang naging kasalanan niyo Mama?"
Napahinto sa paghanda ng ulam ang Ina niya. Kumunot ang noo nito. " Bakit anak? Anong kasalanan ?"
Kagabi pa siya natutuliro. Hindi siya makatulog ng maayos dahil naaalala niya ang sinabi ng matanda.
Kasalanan...Kabayaran. Ito ang umikot-ikot sa utak niya magdamag. Hanggang sa ngayon.
"Kasalanan po Ma. Pagkakamali." Walang ganang sabi niya.
"Aba, madami. Nagsinungaling na ako, nakakapagmura pa minsan-minsan--"
"Ma, hindi po. Kasalanan na ginawa niyo sa isang baliw na matanda na sinasabing engkantada siya."
Biglang nabitawan ng Ina ang pinggan na hawak-hawak nito. Parang sa isang saglit ay nawala ito sa katinuan. Agad na nilapitan siya nito at masusing ineksamen si Vivi.
"Sinaktan ka ba niya? May ginawa ba siya sa'yo--" Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Wala po Ma. Maayos lang po ako. Ibig sabihin po ba 'nan ay kilala niyo po talaga siya?"
Natigilan ulit ito. ,"H-hindi. Aba, nag-aalala ako sa'yo dahil diba, baliw iyon?!"
Bumuntong hininga siya dahil hindi pa rin siya kumbinsido. "Ako daw po ang magbabayad ng kasalan na ginawa niyo."
Nanlaki ang mga mata nito. "Ano?!"
Naramdaman niya ang takot at kaba na nanaig sa Ina niya.
"Ma, sabihin niyo na po sa akin ang totoo." Pagmakaawa niya.
Maluha-luhang umupo sa upuan ang Ina niya.
"Anak... Siya ang dahilan kung bakit ko iniwanan ang iyong Tatay." Mataman siyang nakinig. "Dahil ang iyong Ama ay nanggaling sa nakaraan." Halos pahikbing sabi nito sa kaniya.
Hindi pa rin talaga siya kumbinsido. Nalilito siya dahil kung ang Tatay niya ang nanggaling sa nakaraan ibig sabihin nito ay wala na ito nang mas matagal kaysa sa inaakala niya.
"Paki-explain pa po Ma. Nalilito po ako."
Nagdalawang isip pa ang Nanay niya bago tuluyang magsalita.
"Nabuhay siya sa panahon ng mga Kastila."
Parang nahulugan ng balde si Vivi sa ulo. Nalaglag ang panga niya at nangilabot siya.
"Immortal ang Papa ko?!" Bulalas niya.
"Hindi anak. Nagkakamali ka. Napunta ako sa nakaraan. At doon ka nagawa." Mapait na sabi nito.
Hindi siya makapaniwala. Dahil parang kahapon lang ay kilala niya ang Tatay niya bilang normal na tao, ngayon nakilala niya ito bilang historya.
"Pano po--"
Isang matinding lagapak ng hangin ang nagputol ng mga sasabihin Vivi. Ang matandang babae ang tumambad sa harap nila.
"Sa wakas Erlinda. Inamin mo na din sa iyong anak." Natutuwang sabi ng matandang.
"Wala siyang kasalanan dito Matessa. Ako ang humiling kaya ako ang pagbayarin mo!"
Puro sigawan ang narinig ni Vivi. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng matinding pagod at uhaw.
"Siya mismo ang kasalanan!" Marahas na sigaw ng matanda. "At dahil doon ay sisiguraduhin kong makakapag bayad siya!"
"Nagmamahalan lamang kami ni Igio!" Paghihinagpis ng Ina. Parang dinurog ang puso ni Vivi sa nakikita.
"Iyon na nga! At dahil nag-mahalan kayo, kailangan niyong harapin ang madugong kapalit nito.” Ikinumpas ng matanda ang kaniyang kamay at nagsalita muli.
“Noong humingi ka sa akin ng tulong Erlinda na matagpuan mo ang taong nararapat sa'yo ay nangako ka sa akin na ikaw ay 'di magkakarelasyon o magkakapamilya upang hindi masira ang oras at panahon. IKAW Erlinda ay nanggaling sa hinaharap at si Igio ay nanggaling sa nakaraan. Kaya IKAW, Venus. Anak ng nakaraan at hinaharap, Ipinapadala kita sa malayong lugar...”
Lumabas ang kulay Asul, pula, dilaw at puti sa kamay ng matanda. Simbolo ng watawat ng Pilipinas.
Tila isang panaginip ang pangyayari sa mga sumusunod, madami silang nakitang mga pangyayari. Mga taong nagkakasiyahan, nag-iinuman, kasal, giyera at marami pang-iba na pabalik sa kasaysayan ng Pilipinas.
“Hindi mo pwedeng gawin 'yan!” Pagmamakaawa ng Ina niya.
Lumakas ang hangin hanggang sa lalo pa itong lumakas. Pilit na kumapit si Vivi sa kaniyang Nanay ngunit ang hangin mismo ang nagpapabitaw sa kaniya.
“Hindi ako bibitaw Mama!” Sigaw niya sa nakakabinging ingay.
“H'wag! H'wag na h'wag kang bibitaw!” Patangis na sagot nito.
Ngunit, parang huli na ang lahat. Napabitaw si Venus nang hindi inaakala at pilit siyang inabot ng kaniyang Ina pero wala itong nagawa. Lumawak ang ngiti ng matanda at nagsalita muli habang papasok si Venus sa kulay pulang butas na nailikha ng matanda.
“Mayroon ka lamang limang pagkakataon para maitama ang lahat at maibalik sa ayos ang oras ng panahon. Pag ito ay hindi mo nagawa sa naaayon, maari kang hindi makabalik sa hinaharap o kaya naman ay maglaho ka ng parang bula.”
Iyon ang huli niyang narinig nang tuluyan nang nawala sa paningin ang kaniyang Ina at ang matanda. Napapikit siya ng madiin at napayakap sa sarili dahil ramdam na ramdam niya ang matinding pagtama ng hangin sa kaniyang katawan.
Ang huling ala-ala niya sa kaniyang Ina ay ang pagtangis nito habang tinatawag siya.
Masakit, sobrang masakit. Hindi lang dahil sa hangin, pero dahil na rin sa kaniyang pagkakalayo sa kanyang Ina na tangi niyang pamilya.
Ngayon, hindi man niya alam kung saan siya mapapadpad o kung anong mangyayari sa kaniya. Basta, ang alam niya ay handa siyang magsakripisyo para sa kaniyang Ina... At pati na rin sa kaniyang Ama.
BINABASA MO ANG
Predestinada (HIATUS)
Ficción históricaSa di inaasahang pangyayari, nakakita si Vivi ng isang matandang babaeng (baliw). Isa daw itong engkantadang hiningan ng tulong ng kanyang ina noon. Pero dahil sa isang pagkakamali ng ina, kailangan niya itong bayaran. At ang kabayaran ay ang pagpun...