2. Other Side

3.7K 62 2
                                    

Maingat kong binuksan yung pinto para hindi magising si Aliyah. Nang matansya kong sapat na yung puwang para masilip siya ay hininto ko na ang pag bukas. Ang plano ko lang sana talaga ay silipin siya bago ako dumeretso sa kwarto ko. Pero nung nakita ko siyang peaceful na natutulog, Hindi ko napigilan ang sarili kong lapitan siya.

Dahan-dahan akong Umupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ko siyang natutulog yakap yakap ang teddy bear niya. She's like an angel.. Sweet and charming, she looks exactly her mother. Hindi maipagkakailang mag ina nga sila.

"Umm, g-grammy s-stop.. Y-your too aggres----ive.."aliyah said while she's sleeping then nagpout siya at lalo pang niyakap ng mahigpit yung teddy bear niya. Natawa ako sa nakita ko, . At napailing. Her moms used to speaked too, while she's having a dream. Maraming nakuha na mannerism si Aliyah sa Mommy niya.

At aaminin ko, Aliyah reminds me a lot of her moms. The way she talk, the way she look at me, the way how she hugs me.. And most of all the way how she smile at me in a sweetest way... Everything ..

Napangiti ako sa isiping yon pero agad ding nawala nung maalala ko ulit yung sinabi ni Jacob sakin kanina. Galing kasi ako sa St.Jude Medical Center para kuhanin yung resulta ng test para sa bone marrow transplant na kailangan ni Aliyah.

' I'm sorry, Dude. But the result is negative. Walang nag match ni isa sa inyo.'

Napahilamos ako ng muka at hindi ko napigilang hindi maluha dahil wala akong magawa. Wala akong magawa para gumaling ang anak ko. Pakiramdam ko nauubos ng paunti unti yung lakas ko. Unti unti rin akong napanghihinaan ng loob.. At nagagalit ako sa sarili dahil May pera nga ako pero kahit ata ubusin ko lahat yun para sa pagpapagamot niya hindi parin sapat.. Sobrang sakit para sakin kapag nakikita ko siyang nahihirapan tuwing treatment niya. Kung pwede lang na ako na lang sumalo lahat ng sakit ng pinagdadaanan niya, gagawin ko wag ko lang siya makitang nasasaktan.

My daughter is the best thing that ever happened to me. Ayokong mawala siya sakin. Please God, don't take her away from me.. Not this time. Not my daughter! Siya lang ang buhay ko.

I ran my fingers through her hair. Kahit gustong gusto kong manatili sa tabi niya at bantayan siya magdamag, minabuti ko na lang na umalis. Ayokong magising siya at makita akong umiiyak. I need to be brave for my daughter. She needs me at sakin lang siya kumakapit, ako lang ang meron siya.. hindi ko hahayaang makita niya kong nanghihina. Ililigtas ko ang anak ko. Kahit sa anong paraan!

Kahit na.. Kahit na.. Damn! For goodness sakes! Im his father, I have a responsibility to save my daughter's life at hindi ko siya basta basta isusuko.

Yumuko ako at hinalikan ko yung noo niya. Matapos kong halikan yung noo niya, idikit ko yung noo niya sa noo ko.

"I promise,Princess. Daddy will do Everything for you..."pagkatapos ko yun masabi umalis agad ako sa posisyon na yun at pinagmasdan siya. Ilang sandali pa, bago ako tuluyang lumabas ng kwarto niya.

Pagkalabas na pagkalabas ko, nagulat pa ko nung makita kong nakasandal si Steven sa dingding nakacross arm pa at halatang hinihintay niya ko.

"Can we talk? "rinig kong tanong niya, saglit akong napaisip pero in the end wala akong nagawa kung di ang tumango sa kaniya.

Sapat na yun para sabay kaming lumakad papunta sa veranda. Walang ni isa saming nagtangkang magsalita samin habang naglalakad. Pagdating namin dun, nakita kong nakahanda na sa mini table ang apat na san mig light. Nauna siyang umupo sa isang silya habang ako naman tahimik din na umupo sa harap niya.

"Here. I know you need this. "tinignan ko yung inaabot niyang can, napabuntong hininga ako at kinuha ko yun sa kamay niya. Nakita kong binuksan niya rin yung isa pang can at halos sabay kaming dalawa na tumungga.

Lies Behind The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon