Chapter 1 of The Story of Us!

1.8K 43 6
                                    

1 The Queen of Revelious --

"Good Morning Ma, Good Morning Pa."bati ko sa kanila nung makita kong nasa harapan na sila ng lamesa at mukang mag-aalmusal na sila. Si papa naka tuxedo, habang si Mama naman inilalapag yung tasa ng kape sa harapan ni Papa. Pareho ko silang hinalikan sa pisngi nang makalapit na ko sa kanilang dalawa.

"Good Morning din, Baby Girl. Umupo kana dyan."

"Ma, hindi na ko baby. 18 na ko. Dalaga na. Kaya hindi na ko baby."natatawang saway ko kay Mama. Ang kulit niya kasi, kahit na ang laki laki na namin ni Aliyah, heto parin baby parin kaming dalawa para sa kaniya.

"oo nga Mommy. Hindi na baby sila ate. Lalo na si ate Cassie, champion kaya siya ng Drag Racing sa school. Diba ate?"nilingon ko si Alec na tatawa tawa ang loko. Tapos nakita ko naman sa likod niya si Alex na lulugo lugo. Mukang puyat na naman siya sa kakavideo games.

"Oo nga Mommy, Queen of Revilious si Ate Cassie. Ang galing niya. Ate, magiging champion din ako ng racing! Konti na lang! Matatalo na kita."sabi na eh. natatawang ginulu ko na lang yung buhok ni Alex.

"ASA!"saka ako tumawa ng malakas. Si Alex naman nagpout at parang 7 year old na batang nagdabog.

"ah basta! Cassa-"

"Cassandra Ivy, kahit magkaasawa pa kayo at magkaanak ni Aliyah. Baby ko parin kayo.. Tandaan niyo, kayong dalawa ni Aliyah ang first baby ko. Kaya sa ayaw at sa gusto niyo, baby ko parin kayo!"nagkatawanan na lang kami nila Papa sa sabay naming sabi ni Aliyah bago pa man mapag patuloy ni Mama ang linya niya.. Kasi naman, kabisadong kabisado na namin ni Aliyah yung linya niya.

"Mga loko talaga kayo! Sandali lang at kukuhanin ko yung paborito niyong chickenroll."tumaliko na samin si Mama.

Nilingon ko naman si Aliyah na nakayakap ngayon kay Papa, habang si Papa naman buong pagmamahal niyang hinalikan sa noo si Alie..

Ang papa na tinatawag ko ngayon.. Siya si Tito Gabby..

Ang asawa ni Mama ni Nicah at tito ko.. Nagtataka siguro kayo kung bakit papa na ang tawag ko sa kaniya ano? Hindi katulad noon na tito sungit ang tawag ko.. Mula kasi ng iwan ako ni Daddy noong 8 years old ako kina Mama.. Sila Mama at Papa na ang tumayong magulang ko.. Ang pumuno ng pagkukulang sakin ng tunay kong pamilya..

Napaiwas ako agad ng tingin sa kanila.. Hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit sa tuwing naiisip ko sila.. Sa tuwing naiisip ko kung paano ako binalewala ng sarili kong pamilya..

Pakiramdam ko..

Yung saya at ganda ng araw ko..

Napalitan ng sakit dahil sa sugat na akala ko..

Magaling na..

Hindi parin pala..

Nakatago lang pala yung sugat na yun..

At sa tuwing lalabas siya..

Nasaksaktan parin ako..

I sigh heavily and shook my head to stop thinking those ugly memories of mine..

Ayoko ng balikan pa yun..

Ayoko ng balikan pa yung sakit ng ginawa nila saking pag papaasa..

Tama na yung noon..

Siguro nga dapat ko na lang ipagpasalamat pa na binigyan parin ako ng pamilyang tatanggap at mamahalin ako ng buong buo..

Kahit na..

Kahit na hindi nila ako tunay na anak at kapatid..

Still.. Ramda na ramdam kong mahal nila ako..

Lies Behind The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon