6. Scenes

2.7K 48 1
                                    

Malamig ang simoy ng hangin dito sa Burnham Park. At hindi ko maiwasang hindi mapapikit at mapayakap sa sarili ko. Sobrang lamig ng panahon ngayon dito. At kahit na dito ako lumaki noon, nanibago parin yung katawan ko sa klima. 15 years din akong nawala dito kaya hindi na kataka taka pa.

Actually, napadaan lang talaga ako dito. The next thing I knew nandito na ko sa isang bench nakaupo. Malinaw na malinaw din sa pandinig ko yung mga tawanan, at asaran ng mga magpamilyang namamasyal ngayon dito sa park.

Kusang nagmulat yung mata ko.

Pinanood ko ang bawat pamilyang nandito kung paano sila nagkakasiyahan sa piling ng isat-isa.

I smiled sadly.

Because we used to be like that before.. Sayang nga lang hindi na ngayon.. Well, si kuya. Masasabi kong masaya na siya sa pamilyang nabuo nila ni Ate Monique at thankful ako dahil dumating si Ate Monique sa buhay niya. At least, ngayon.. Natutunan niya na kalimutan lahat ng masamang nangyari sa pamilya namin. Hindi narin siya tulad ng dati na galit na galit sa mga Monte Falcon. Pero tulad nga ng sabi ko hindi parin namin maiwasang hindi masaktan kapag naaalala namin yun.

Its easy to say it's OK but the truth is, it is hard to forget things that caused you unbearable pain. That's the rule of our life.

"Mommy I want balloon. Can we buy it, please..?" naagaw ang atensyon ko nung may marinig akong boses ng bata. Pag tingin ko nakita kong nakaturo yung batang babae sa mamang nagtitinda ng heart shape balloons.

Kaya Napatingin ako sa pamilya na harapan ko. Hindi naman sila ganun kalayuan kaya kitang kita ko siya at rinig na rinig yung boses nila habang nag uusap silang mag anak.

"Baby, madami ka ng toys sa bahay."narinig kong sabi naman nung isang babae na may kargang cute na batang lalaki. And kahit hindi ko na itanungin alam kong siya ang Mother nila. Kung titignan, wala pa siyang isang taon.

Nakita kong nagpout yung batang babae. And to be honest, i find her so cute. Siguro nasa 7 or 8 years na siya. Then nakita kong mula sa pagp'pout lumaki ang ngiti niya nung tumingin siya ulit dun sa Mamang nag titinda ng ballon. Nang tignan ko naman nakita kong may Matangkad at gwapong lalaki na bumili ng ballons sa likod niya may dalawang batang lalaki. At makakamukha silang tatlo, kung hindi ako nagkakamali.. Kambal yung dalawang batang cute sa likod niya.

"DADDY !!!"nabaling ang atensyon ko sa batang kanina nakapout tapos nakita ko siyang tumayo mula sapagkaka upo at tinakbo ang pagitan nila nung lalaking mayhawak ng ballon.

Nakangiti yung lalaking sinalubong yung batang babae at kinarga yun. So he's the father of this cute children's. Pero bakit ganun, parang may  kàmuka  siya?

"Para sa Princess ko."inabot nung lalaki yung heart shape ballon sa bata. Nakita kong sobrang tuwa nung bata nang mahawakan niya yung white stick ng ballon.

"Thank you, Daddy!"

This scene.. Makes my heart missing my Daddy. At nakakatunaw talaga ng puso na makitang masaya ang iba at may buong pamilya.

"Ate, fol you!"sabay pa na sabi nung dalawang bata na hinangad siya at inaabot yung balloon. Muntikan na kong mapabulaslas ng tawa nung narinig kong parehong bulol yung dalawa. Kung sabagay kung titignan naman siguro mga nasa age sila ng 4 or 3 years old.

"Thank you. L's."tapos ay tinanggap niya yung binibigay nung dalawa.

"Kayo talagang mag-aama, lagi niyo na lang akong pinag tutulungan ha!"nagkibit balikat lang yung apat na papunta sa babaeng may kargang batang lalaki. Nakita kong hinarap niya yung baby sa kaniya at napangiti ako sa sinabi nung babae.

Lies Behind The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon