8. Agony of Pain

2.5K 37 0
                                    

"Curt, Cassie!!. Look what I brought!"sigaw kong makarating ako sa bahay nila Patrice.

Mabuti na lang talaga at kahit papaano, kabisado ko parin yung lugar na to. Kung hindi baka naligaw na ko.

"Mama? Si Mama yun diba?"

Natawa ako nung marinig kong nag echoe yung mga boses ng dalawang bata. At kahit hindi ko tanungin pa kung sino yun, alam ko na na sila, Cassie at Curt ang may ari nun.

"Mama!!!!!!"lalo pang lumawak yung ngiti ko nung narinig ko yung sigaw nilang dalawa ni Curt. Tapos, nakarinig ako ng mga yabag sa itaas ,na mukang nagtatakbuhan.

"Be careful, honey! Dahan dahan lang wag kayong magmadali baka madapa kayo!"rinig kong sigaw ni Patrice sa kambal niya. Napatingin ako sa hagdan at bababa na nga silang mag iina. Si Cassie, ang nauuna halatang nag mamadali pero nakahawak parin sa railings ng hagdan. Tapos si Curt na nasalikuran ni Cassie, napailing ako nung nakita ko yung ginagawa ni Curt sa kapatid niya. Nakahawak siya sa likurang damit ni Cassie, mukang protective little kuya talaga. Kasi inaalalayan niya yung kapatid niya. Habang si Patrice naman napapailing na lang at hawak hawak si Baby Clarice na nagtutumb sucking at punong puno ng laway yung pisngi niya.

"Mama!"sigaw nung dalawang teddy bear ko ng tuluyan na silang makababa ng hagdan at tinakbo yung dereksyon ko.

"Mama, we miss you!!!!"lumuhod ako, para mapantayan silang dalawa. Sakta naman kasi pagluhod na pagluhod ko, sinugod nila akong dalawa ng yakap kaya naman otomatik na niyakap ko ri  silang dawala. Si Cassie nasa kanang side ko, tapos si Curt naman nasa kaliwa.

"Mas namiss kayo ni Mama. Kasi wala ng makukulit na bata sa bahay." Then hinalikan ko silang dalawa sa pisngi na ikinahagikhik naman ni Cassie kasi may kiliti siya dun. Grabee, sobra kong namiss tong dalawang makukulit na to.

"Edi, dito ka na lang din tumira, Mama. Para araw araw na tayong magkasama."napatingin ako kay Curt na nakangiti sakin, halatang inosente pa talaga siya dahil walang kahirap hirap niyang nasasabi yun. Habang ako, kahit gustuhin ko man para makasama sila, hindi parin pwede. Hindi na pwede, dahil wala na kong buhay dito. I'm not belong here.. Nasa Paris na ang buhay ko ngayon. Andun na lahat. Sila kuya, ate, Uncle Rey, Dexter at ang trabaho ko.

Ngumiti na lang ako ng tipid saka ginulo ko yung buhok niya na kadalasan kong ginagawa noon.

"Curt, hindi pwede. Kasi si Mama niyo, nasa Paris ang work niya."napangiti ako nung narinig ko si Patrice na nagsalita. Save by bell ako dun. Si Patrice talaga, alam na alam kung anong iniisip ko. Napatingin na lang ako sa kaniya at ngumiti dahil sa tulong niya. Nakita ko naman ngumiti lang din siya sakin then she mouthed  'Your Welcome.'

"Then, dito ka na lang mag work, Mama. Tito Andi have a law firm. I can proudly suggests you to Tito Andi, for sure Mama, tanggap ka na agad sa work. Because you have a lots of case's na nawin mo sa court. You want, Mama? I can call him now."

Halos malaglag yung panga ko sa sinabi ni Cassie sakin. Alam kong Idol niya ko dahil lagi kong napapanalo yung kaso na hawak ko pero hindi ko alam na makakahanap siya ng suggestion ngayon para lang masunod yung gusto nila ni Curt.

Minsan ko lang siyang dinala noon sa hearing at kitang kita kong amaze na amaze siya nung naipanalo ko sa harapan niya yun kaso. Then simula noon lagi na niyang sinasabing gusto niyang maging katulad ko na isang abugado paglaki niya.

Yes, graduated ako ng law sa isang University sa Paris. After kong makarecover sa trauma na pinagdaanan ko, bumalik ako sa pag-aaral. I take Law. Sa three years na yun, wala akong ginawa kundi ang isubsub ang buong katawan ko sa pag aaral at nag tatake din ako advance subjects tuwing bakasyon para makatalon ako agad. Hindi naman ako nabigo dun. Nakatapos ako ng pag aaral sa loob ng tatlong taon tapos nakuha ko rin ang license ko bilang lawyer.

Lies Behind The LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon