Chapter III - Thinking of what to do.

196 2 4
                                    

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong sumuko pero may nagtutulak sa'king ituloy pa. Ituloy ang mga bagay na kaya pa namang ayusin. Ayokong itapon ang lahat ng pagsasamang dinaanan namin ni Alexa. 

Hindi ako susuko, papatunayan kong kaya kong panindigan si Alexa. Pero paano? Wala akong pera, hindi pa kami tapos mag-aral. 1st year college pa nga lang kami at marami pa kaming bigas na kakainin.

Ang bilis ng lahat ng pangyayari, hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba 'to. 

Kaya napagpasiyahan kong puntahan ulit si Alexa sa bahay nila. Naglakas loob akong puntahan si Alexa sa bahay nila sa kabila ng pagtatabuyan sa'kin ng kanyang mga magulang. Pupunta ako dun para magpaliwanag na ako na mismo ang lalayo at pagbubutihin ang pag-aaral ko. Pero dadalawin ko  pa rin siya at ang magiging anak namin. Para pag nakatapos na 'ko at nakapagtrabaho na 'ko, babalikan ko na sila ng mag-ina ko. 

Nasa kalagitnaan  na ako ng daan at sobrang kinakabahan sa magiging resulta ng aking pagpapasya. Hanggang makarating ako sa bahay nila. Kinakabahan pa rin ako habang naglalakad papunta sa mismong bahay nila. 

*Kumatok ako* *Tao po!* *Tao po!!* Walang sumasagot at walang lumalabas ng pintuan. *Nakabukas ang ilaw sa bahay nila* At hudyat yun na may tao sa kanila. I assumed na nasa loob si Alexa.

*Lumabas ang lalake mula sa bahay nila, isang matandang lalaki na mabalbas at tila tagabantay lamang* "Iho, anong kailangan mo?" Tanong ng matanda. "Hinahanap ko po si Alexa, ako po ang kasintahan niya" Sagot ko. "Ah, si Alexa ba? Umalis si Alexa kasama ang kanyang mga magulang kaninang umaga, dala dala ang mga gamit nila. May iniwan nga pala si Alexa na sulat para daw sa'yo, sandali lang iho at aking kukunin"

Tumigil ang mundo ko ng marinig ko lahat ng sinambit ng Matandang 'yon. Hindi ko alam kung iiyak ako o magagalit sa nalaman kong yun. Dahil ni txt o pasabi e wala akong natanggap mula kay Alexa, wala akong natanggap na paalam galing sa pinakamamahal kong si Alexa. 

Bumalik ang matanda dala dala ang isang sulat na nakabalot pa sa isang envelope. Parang isang pelikula ang nangyari. "Iho, eto oh." Inabot sakin ng matanda ang sulat.

Umalis ako sa bahay nila na parang walang nangyari. Umupo ako sa isang sahig sa daan at binasa ang binigay na sulat ni Alexa.

Jerome,

Siguro habang binabasa mo 'to galit na galit ka sakin at walang ibang ginawa kundi ang sisihin ako. 

I'm so sorry. Sinubukan kong magpaliwanag at magpaalam sa'yo ng maayos, pero maghapon akong 'kinulong dito nila Mommy. Hindi ko nagawang makatakas dahil nasa paligid ko ang mga tauhan nila. Wag mong isiping hindi ako nagpaalam at kusang umalis.

Hindi ko gusto lahat ng nangyari, hindi ko intensyon na umalis at iwan ka na lamang. Sinubukan ko Jerome. Mahal na mahal kita at hinding hindi magbabago yun. Hinding hindi kita ipagpapalit, magtiwala ka sa'kin. 

Sinabi nila Mommy sa'kin na dun na 'ko mag-aaral ng kolehiyo pagtapos kong isilang ang baby natin. Wag kang mag-alala, ikaw at ikaw pa rin ang kikilalanin niyang ama. 

Babalik ako Jerome, babalik ako. Hindi man ngayon, bukas, next year. Pero babalik ako, asahan mo yan Jerome. Maghintay ka please, hintayin mo ko. Tatapusin ko lahat ng dapat tapusin. At kapag natapos ko na, babalikan kita at magsasama tayo. Magtiwala ka lang sa'kin at sa sarili mo.

Sana hindi mo 'ko ipagpalit, sana pagbalik ko ako pa rin ang nasa puso't isip mo. Wag mo kong kakalimutan, wag mong kakalimutan ang magiging anak natin. Tandaan mo yung mga pangako natin sa isa't isa. 

Hayaan mo susulat pa rin ako palagi, at syempre sa facebook. Magkaka-chat pa rin tayo. Mahal na mahal kita Jerome. Mahal na mahal. Hanggang dito na lang muna itong sulat ko. Tandaan mo, tayo hanggang huli. Tayo pa rin. 

                                                                                                                                                 Alexa.

Natauhan ako bigla. Napatahimik sandali at inalala lahat ng masasaya at malulungkot na ala-ala namin ni Alexa. Tumulo ang patak ng luha ko sa sahig. Hindi ko alam kung paano ko itutuloy 'tong buhay ko ng wala siya. Ni hindi ko alam kung pano ako mabubuhay nito kung wala siya. Tuluyan ko bang tatanggapin na wala na siya? Na wala na ang isang Alexa sa buhay ko. O panghahawakan ko lahat ng sinabi niya na maghintay ako at hintayin ko siya kapag bumalik siya. 

Kelan pa? Ilang araw? Ilang linggo? Ilang buwan? Ilang taon? Bago siya bumalik? Hindi ko alam kung kelan siya babalik. Umaasa akong babalikan niya ako. Pero kailan? 

Sumagi sa isipan ko na. Bakit pa ako maghihintay? Madami na siyang makikilalang lalaki dun na higit sa'kin. Na magmamahal sa kanya. At di hamak na mas Gwapo sa'kin. Na madami din akong makikilala ditong babae at mamahalin ako ng higit pa sa pagmamahal ni Alexa. 

Tumayo ako at sinabi ko  sa sarili kong Kaya ko 'to ng wala siya. Umuwi ako samin ng parang walang nangyari. Umakyat ako sa Terrace at nagmuni muni ng mga pangyayari. 

To be continue..

Dream come true ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon