Chapter VII - The Painful Truth

94 1 2
                                    

Malapit na ang pagdadating ni Alexa, hindi na ako makapaghintay. At sa paglapit na pagdadating ni Alexa ay nalalapit na din ang paghihiwalay namin ni Aira. 

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin lahat ng 'tong kay Aira.

July 14, 2016. <Friday>

As usual, may lakad ang tropa.

Kasama ko si Aira pati ang barkada.

Sumegue kami ni Aira at lumabas para magpahangin muna.

"Alam mo Jerome, kahit anong mangyari. Mahal na mahal kita, hinding hindi kita iiwan kahit na kailan. Jerome, alam mo naman yun d'ba? Alam mo naman na mahal na mahal kita? At alam ko mahal na mahal mo din ako." Malambing na sabi ni Aira. 

Nakokonsensya ako at gusto kong kumuha ng tsempo para sabihin kay Aira ang pagdarating ni Alexa. Kinakabahan ako at natutuliro. 

"Jerome? Kanina ka pa ata hindi nagsasalita? May problema ba? Anong problema?" Tanong ni Aira.

"Ha? Hindi wala, ayos lang ako" Sagot ko kay Aira.

Gustong gusto ko ng sabihin pero may pumipigil sa'king sabihin ito sa kanya. 

"Alam mo Aira mabait ka, maganda ka, sexy ka, matalino ka, at higit sa lahat Mapagmahal ka" Sabi ko kay Aira.

"HIndi lang naman ako yung lalaki dito sa Mundo Aira, madami pa diyan na mas deserving sa pagmamahal mo, madami pang lalaki ang magiging swerte kapag nakilala ka." 

"Ano bang pinagsasabe mo Jerome?" 

"May nangyayari bang hindi ko alam?, Jerome please sabihin mo naman sa'kin"

"Aira, ayoko ng magsinungaling pa sa'yo. Ayoko na ng madami pang paikot-ikot. Ayoko ng magpaka-plastic pa sa'yo." "Malapit ng dumating si Alexa, magkakasama na ulit kami. Kasama niya ang Anak namin."

"Aira, paano ka na?"  "Hindi ko kayo pwedeng pagsabayin, mahal kita Aira alam mo yan." "Mahal na mahal kita, minahal kita Aira." 

"Pero Aira, nangako ka nun. Sabi mo papakawalan mo na 'ko kapag dumating si Alexa. Aira pinanghawakan ko yun"

"Oo masakit! Alam kong masakit para sa lugar mo, pero Aira. Mahal ko si Alexa. Siya ang tunay na Babae para sa'kin." "Aira please, intindihin mo" "please"

Ang pag-iyak na lang ni Aira ang nasagot niya sa lahat ng nasabi ko. 

Napuno ng Iyakan ang gabing dapat ay kasiyahan lamang.

Nasaktan ko ang damdamin ni Aira, wala akong ibanag nagawa kundi ang sabihin ang katotohanan. 

Hindi ko gusto ang lahat ng ito, wala akong ibang hinangad kundi ang kasiyahan lamang ni Aira. Pero gusto ko ring sumaya, sumaya sa piling ni Alexa.

Masakit kay Aira, oo masakit. Sobrang sakit.

Natapos ang gabing yun ng ihatid ko si Aira sa kanilang tahanan. Hanggang sa kanilang tahanan ay hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. 

Wala akong ibang nagawa kundi ang tignan lamang siya, kundi ang pagmasadan siya habang papasok ng kanilang tahanan. 

Hindi ako nagawang kausapin ni Aira, hindi niya ako nagawang yakapin nung gabing iyon. Wala akong ibang nagawa kaya't umalis na 'ko. 

Iniisip kung paano siya magiging maayos at kung paano siya magmo-move on kung wala na ako. 

Mauulit kaya sa kanya ang ginawa kung nung nawala si Alexa?

Paano na si Aira, paano na siya kung wala na 'ko.

To be continue..

Dream come true ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon