Magkasama kami ni Aira nung umagang yun.
Ng akmang babasahin ko na ang sulat galing kay Alexa...
"Jerome!!, Jerome!!," Pasigaw na tawag ni Aira. "kakain na!" Ang tawag ni Aira.
Palabas na si Aira at bigla akong nataranta at tinago ang sulat galing kay Aelxa.
"Nandiyan na! Sandali lang" Ang sagot ko kay Aira.
Hindi ko mapigilang basahin ang sulat at sobrang excited na akong basahin iyon. At habang naliligo si Aira lumabas ako saglit at dali daling binasa ang sulat galing kay Alexa.
Jerome,
Alam kong galit na galit ka pa rin sa'kin hanggang ngayon, alam kong hindi mo pa rin matanggap ang lahat ng pangyayari. Hayaan mong magpaliwanag ako kung bakit hindi dumating diyan ang mga sulat ko at hindi dumadating ang mga tawag ko diyan. Please Jerome, lawakan mo naman ang isipan mo. Please.
Jerome, sinubukan kong magpadala ng sulat. Linggo linggo pumupunta ako sa padalahan ng sulat, pero pagkatapos kong ibigay ang sulat sa padalahan. Hindi ko alam na binayaran na pala nila Mommy ang tagapagpadala ng sulat. Sinabi nila Mommy na huwag ipadala kahit isang sulat. Kaya ko naipadala tong sulat dahil inutusan ko yung maid namin para ipadala sa ibang padalahan. Jerome, please maniwala ka sa lahat ng sinasabi ko totoo lahat 'to. Please.
Sinubukan ko ding tumawag, sinubukan ko. Pinaputol nila Mommy lahat ng linya ng telepono para makatawag ako diyan sa Pilipinas. Jerome, maniwala ka kahit ngayon lang.
Siya nga pala yung anak natin kaka-birthday lang nitong April 12. Oo April 12, 2014 ko siya ipinganak dito sa London. Kakadalawang taon niya lang nito. Jerome din ang ipinangalan ko sa kanya. Jerome Alex Ferrer. Wag kang mag-alala sa'yo pa din siya, ipinagpakiusap ko kila Mommy ang kahilingan kong yun. Sa'yo siya Jerome, sa'yong sa'yo.
Sobrang ayos ako dito Jerome, malapit ko ng matapos ang tinuloy kong kurso na kinuha natin jan sa Piliipnas. Mabilis lang matapos dito Jerome, 3 years lang at Graduate ka na. Mahirap pero kinaya naman. Ikaw kumusta ka na diyan?
Hindi ako naghanap ng iba dito. Madaming nanligaw pero naligaw lang. Hindi ko sila pinansin, ikaw lang ang laman ng puso't isip ko Jerome. Ikaw lang.
"Jerome!!, Jerome!!" Tawag ni Aira. "Papunta na! Sandali lang" Sagot ko.
Hindi ko na muna tinapos ang sulat galing kay Alexa. "mamaya ko na 'to itutuloy" Sabi ko.
Pumasok kami sa eskwelahan ni Aira. Pinauna ko na si Aira dahil sabi ko bibili lang ako ng maiinom at susunod na lang ako.
Itinuloy ko ang sulat galing kay Alexa.
Hinding hindi ka mapapalitan sa puso ko ng kahit sino man Jerome. Ikaw kumusta ka diyan? Kaya mo pa ba akong hintayin? Isang taon na lang Jerome, isang taon na lang. Jan na 'ko magta-trabaho. Lilipad ako diyan mga next year, siguro by August nandiyan na rin ako. Hintayin mo ko please. Hintayin mo ko. Malapit na Jerome, konting tiis na lang. Dadalhin ko din ang anak natin jan. Please Jerome. Hanggang dito na lang muna yung sulat ko Jerome, susubukan kong ipadala ulit ang mga gagawin kong sulat. Mahal na mahal kita, ikaw lang at walang iba.
Alexa.
Bigla akong natauhan at bigla kong naisip si Aira. "Paano na si Aira?" Sabi ko sa sarili ko. Hindi ko 'to inaasahan lahat. After all ng lahat ng taon darating si Alexa.
Excited na 'ko, pero may halong kalungkutan dahil paano na si Aira?
Sobrang dami na naming pinagsamahan at memories na nabuo habang wala pa si Alexa.
Paano na?
To be continue...
![](https://img.wattpad.com/cover/7351630-288-k480780.jpg)
BINABASA MO ANG
Dream come true ♥
RomanceLahat tayo may taong hinahangaan, pero etong hinangaan ko hindi ko inaakalang mapapasakin siya after all the hardships and trials na nangyari samin. And until now, sobrang saya namin. At hindi ako makapaniwalang akin siya. Masasabi kong siya ang aki...