Pagkalipas lamang ng isang buwan, agad agad sumulat si Alexa ng sulat. Natanggap ko ito May 23, 2016. Oo ganun kabilis simula nung huli niyang sulat. Nakakapanibago kasi agad agad siyang sumulat, hindi ko alam kung anong meron.
May 23, 2016.
Jerome,
Graduation ko na this June first. Oo iba yung flow ng Graduation dito sa London, kakaiba. June. At pagkatapos na pagkatapos kong gumraduate, uuwi na ko diyan. Kasama ko si Jerome Alex, ang ating anak. Diyan ko siya pag-aaralin Jerome. Excited na din siyang makita ka, lagi ko kitang pinapakilala sa kanya. Maghintay ka Jerome.
Malapit na ang aking pagpunta jan. Maikli lamang itong sulat ko dahil gusto lang kitang sabihan at para makapaghanda ka na din.
Mahal na mahal kita Jerome, at walang nagbago dun ni katiting.
Alexa.
Habang binabasa ko ang liham galing kay Alexa ay naririnig ko ang malakas na kabog sa aking puso. Sinisigaw na Paano na si Aira? Anong gagawin ko kapag nalaman ito ni Aira? Kapag nalaman niya yun ay tiyak ikagagalit niya ng sobra yun. Oo mahirap sa lagay niya, pero paano ang kasiyahan ko? Ang matagal kong pinakahihintay, si Alexa.
Sa susunod na taon ay makaka-graduate na kami sa kolehiyo, konting paghihirap at pagtitiyaga na lang ang kailangan naming punan.
To be continue. . . .
BINABASA MO ANG
Dream come true ♥
RomanceLahat tayo may taong hinahangaan, pero etong hinangaan ko hindi ko inaakalang mapapasakin siya after all the hardships and trials na nangyari samin. And until now, sobrang saya namin. At hindi ako makapaniwalang akin siya. Masasabi kong siya ang aki...