Chapter II - The days without her.

240 6 7
                                    

Lumipas ang araw na yun, wala siyang paramdam. Hinihintay ko ang text niya, hinintay ko  buong maghapon pero wala akong na-receive kahit isa man lang txt kung okay siya. Hindi naman siya ganun kasi nagtetext siya sakin parati para mainform niya kong safe siya. Kung wala siyang load ay makikitext pa.

Monday Morning, July 14.

Pumasok ako sa school ng hindi ko siya kasabay, wala siya sa mga tabi ko nung pagpasok ko ng room.

Room.

Pumasok ako sa room, late na'ko nandun na yung prof. Nakita ko si Alexa katabi ang mga set of friends niya. Hindi ko siya tinignan hindi ko siya kinausap. Umupo ako katabi ang mga tropa ko. 

Hindi ako mapakali, hindi ako matigil kakaisip kung kakausapin ko ba siya o hindi. Natapos ang first subject. Napagpasiyahan kong kausapin siya. "Alexa, mag-usap tayo please" Sabi ko sa kanya. *Hindi niya ko kinibo, hindi niya ko kinausap* Hinawakan ko ang mga kamay niya pero nilayo niya ang mga kamay niya. "Alexa please, kausapin mo ko kahit ngayon lang. Pano na tayo? Yung nangyari.." Napatigil ako dahil sumigaw siya. "Pwede ba! Itigil mo yan!!!" Pasigaw na sabi niya. 

Umalis siya sa harapan ko na para akong kawawang iniwan ng isang nanay.

"Anong nangyari?" Tanong ng tropa kong si Kenneth. "Pre wala, saka ko na lang sasabihin" Sabi ko.

Umalis ako ng school at hindi ko na itunuloy ang pangalawang subject. Nag-cutting ako at tinext ko ang mga tropa ko. 

Napainom kami ng wala sa oras. Napagastos ako ng hindi ko inaasahan. 

Hindi ko alam kung bakit naging ganun bigla si Alexa, hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan niya. Wala akong ginagawang masama, wala akong ginagawang hindi niya gusto. 

Oo parang ganun na nga, parang one night stand ang nangyari nung gabing yun. Pero hindi. Bakit niya ko sinagot? Ano ano yung mga pumasok sa isip niya bakit biglang nagkaganto lahat? Wala akong ibang inisip kundi ang pasayahin siya. Bakit ganun na lang ang nangyari?

Hindi ko hinayaang magtuloy tuloy ng lahat ng ito. Kaya gumawa ako ng paraan para kausapin ako ni Alexa. Pumunta ako mismo sa bahay nila. Kahit malayo nagsakripisyo ako para lang kausapin siya. 

*Alexa?, Alexa!* Tawag ko sa labas ng bahay nila.

Lumabas ang isang babae sa gate nila. "Sino sila?" Sabi ng babae. "Ako po psi Jerome, boyfriend po ni Alexa." "Ay sandali lang ha? Tatawagin ko lang" Sabi niya.

Lumipas ang sandali lumabas ang mga magulang ni Alexa. "Magandang gabi po, Tito, tita" Pambungad na sabi ko sa kanila. "Walang maganda sa gabing ito kaya pwede ba lumayas ka dito sa pamamahay namin" Galit na galit na sagot ng mga magulang ni Alexa. "Gusto ko lamang po makausap si Alexa" Sabi ko. "Nagpapahinga na si Alexa, hindi siya pwdeng maistorbo" Sagot ng mga magulang niya. 

Hindi na ko nagpumilit pa, hinayaan ko ng paalisin nila ako na parang aso na pinagtabuyan ng mga magulang ni Alexa. 

Hindi ko pa rin lubos na maisip bakit nagkaganito ang lahat.

Lumipas ang araw na pumasok ako sa eskwelahan mag-isa at sobrang lungkot dahil sa mga pangyayari.

July 27.

Pumasok ako sa room, nakatingin lahat sakin ang mga kaibigan ni Alexa. "Hindi mo ba alam ang nangayari kay Alexa?" Sabi ng mga babae niyang kaibigan. "Anong nangyari?" Gulat na gulat na sagot ko. "Puntahan mo siya ngayon, nasa ospital siya" Sabi nila.

Agad kong pinuntahan ang ospital kung nasan si Alexa. 

Wala ang kanyang mga magulang dun kaya malaya akong nakapasok sa kwarto ni Alexa. Mahimbing na natutulog si Alexa, kaya hindi ko muna siya inistorbo.

Hinintay ko siyang magising, hanggang sa imulat niya ang kanyang mga mata. "Alexa, hindi ako nandito para manggulo. Gusto ko lang malaman kung anong kalagayan mo at anong nangyari sa'yo." Mahinahon na sabi ko sa kanya. "Gusto mo talagang malaman kung ano ang nangyari? Kung bakit hindi ako nagpakita sayo ng ilang linggo? Kung bakit hindi kita kinakausap?" Umiiyak na sabi niya. 

"Pinagbawalan akong kausapin ka nila Mommy at Daddy. Jerome, buntis ako. Hindi matanggap nila mommy ang nangyari. Hindi kita kinakausap o pinupuntahan kasi kasama ko lagi ang mga tauhan nila Daddy. Pinapabantayan nila ako kasi kapag kinausap kita, ilalayo na nila ako sa'yo. Pupunta na kami ng London. Dun na daw nila ako pag-aaralin. Jerome, ilalayo nila ako sa'yo. Ayokong ilayo ka nila sa'kin. Mahal na mahal kita Jerome." Humahagusgos sa iyak si Alexa. 

Napatigil yung mundo ko ng bigla niyang sinabi ang lahat ng 'yon. Hindi ko inaasahang mabubuntis siya dahil maingat 'kong ginawa ang lahat ng yun.

Nung nalaman ko lahat yun, napagisipan kong itanan si Alexa. "Alexa, lumayo na tayo dito. Meron akong kamag-anak sa probinsya na pwede nating tuluyan" Sabi ko sa kanya. "Nahihibang ka na ba?" Sagot ni Alexa. "Hindi seryoso ako" Sagot ko. "Hindi ako pwedeng sumama sa'yo. Wala kang ipapakain sa'kin. Mga bata pa tayo, first year college pa nga lang tayo tapos itatanan mo 'ko? Ayoko! Ayoko. Wala akong buhay sa'yo hindi pwede" Sagot niya.

"Malapit ng dumating sila Mommy at Daddy, kapag nakita ka nila dito baka hindi mo na ko makita." Sabi ni Alexa. 

Dali dali akong umalis ng ospital at umuwi ng bahay.

To be continue kapag medyo marami ng nagbasa. 

Dream come true ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon