Call X • Dream

15 3 1
                                    

Chapter X • Dream

[GabrielLeePOV]

Pagmulat ng mga mata ko agad bumungad sakin si Yuan. Napasmile asgad ako. Ang gwapo talaga ng anak ko.

"Good morning daddy." Yuan said. Pagkasabi ni Yuan no'n agad nya kong hinalikan sa magkabilaang pisnge. Ang sweet ng anak ko. Sino ba ang hindi matutuwa sa batang 'to. Sigurado akong maraming magnanasa sa anak ko. Itaga mo sa bata.

"Good morning Yuan." I said in my sweet voice. Hinawakan ko yung mukha nya sabay halik sa magkabilang pisnge. "Halika nga." Sabi ko sabay hablot sa kanya.

"Hehehe!" Kinikiliti ko si Yuan ngayon. Kaya tumatawa sya. Nakikipagkilitian sya.

Huminto ako sa pagkiliti sa kanya. Hindi ko'na masyadong iniisip si Lucy, dahil napapabayaan ko'na 'tong batang 'to dahil sa kanya. Dapat akong maging masaya kahit wala na sya sa'kin. "Yuan.." Malumanay kong sabi.

"Yes po daddy." Masayang sabi ni Yuan.

"I Love You."

Pagkasabi ko no'n hinalikan ako ni Yuan sa pisnge. "I Love you too daddy." Yuan said. Napa ngiti nanaman ako sa ginawa nya. Ang lambing talaga ng anak ko.

[KayceeAlmedaPOV]

Nagaayos na'ko ng sarili ko para pumasok sa school. Ito ang ikalawang araw ko. May narinig akong kumatok sa pinto kaya napatingin ako. Si lola lang pala.

"Nan'dito si Khey. Mukhang hinihintay ka nya."

"Talaga po?" Sabi ko. Buti naman. Ang sakit kase nung paa ko sa kakalakad kahapon nawala pa kase yung walet ko kahapon kaya naglakad ako.

"Oo! Kaya dalian mo d'yan." Lola said.

"Opo." Maikli kong sagot. Lumabas na si lola sa kwarto ko. Kinuha ko yung bag ko at nagpulbo.

Narinig ko nanamang bumukas yung pinto kaya napatingin ulit ako. Akala ko si lola ngayon pala si khey. Hindi pa'ko tapos magpolbo e.

"Hello Khey!" Bati ko sa kanya.

"Hi Cee!" Bati naman nya sakin. Lumapit sya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Ilang segundo kameng magkayakap. Humiwalay na ako sa pagkakayakap nya sakin.

"Tapos ka'na ba?" Tanong nya sakin. Sasabay ako sa kanya. Same University. Same Class. Di'ba ang galing bestfriend.

"Oo bakit?" Sabi ko.

"Sabay ka'na sa'kin." Sabi naman nya. Talagang sasabay ako sayo.

"Ako sasabay sayo? Ayo'ko nga. Baka naglalakad ka lang. Ang sakit kaya ng paa ko kahapon sa kakalakad ko." Masungit na sabi ko.

"Sino kaya tong tanga na ayaw magpahatid?" Loko 'to ha! Hindi ako nakasagot sa sinabi nya.

Kaya nagsalita sya ulit. "Sino ba yung nagsabing nahihiya sya? sino?" Pagpaparining nya sakin.

"Oo na! Kasalanan ko'na. May dala ka'bang sasakyan?" Tanong ko. Naninigurado lang ako ba'ka magcommute kameng dalawa.

"Kotse ba talaga gusto mo?" Tanong nya. Hindi ako nagsalita pero tumangu ako.

"Wala e." Ano? Wala bigla akong nalungkot sa sinabi nya.

"Joke lang! Syempre meron akong dala. Itong d'yosang 'to. Maglalakad?"

" Pwede 'ren." I said. Nagiba yung expression nya kanina malungkot ngayon masaya na sya.

"Likana." Yaya ko sa kanya. Nag-agree naman sya. Kaya lumabas na kame ng kwarto nya at sumakay na sa kotse.

One Call AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon