Part 3

11 1 0
                                    


Part Three

Nasa Music Room ako ngayon kasama ang mga kabanda. Their faces are somewhat familiar but I cannot tell their names. We are about to meet the band leader here pero magfififteen minutes na at wala pa rin siya.

"Pupunta ba siya dito?"

Lumingon ako sa lalaking may dalang drum sticks. Anak ng...
Hindi rin nila alam?

"Malelate daw siya ng konti. May importante pa raw kasing ginagawa."

Napatayo ako sa sinabi ng lalaking may mahabang buhok. His hair is stunningly attractive. Nakakadistract!

Umismid ako. Loko 'tong band leader na 'to ha? Iindianin ba naman kami?
Napaupo ako nang narinig ko ang ring ng phone ko. Pinindot ko ang answer button at inilagay ito sa tainga.

"Oh?"

I'm not actually saying 'hello' to my caller.

"Feb, where are you?"

I rolled my eyes in frustration. Nakapagpaalam naman ako sa kanya kanina, a?

"Chu, nasa Music Room ako. We have to meet the leader. Bakit may problema ba?"

"No. No, I just need... you."

Ha? Why me? Where's Chloe?

"Asan ka ngayon?"

"Pupunta ka? I handle this one, it's okay."

Tss. I don't think so.

"Papunta na ako."

Inayos ko ang bag ko at lumabas sa Music Room. Pwede naman sigurong bukas nalang kami makipagkita sa band leader namin kung busy talaga siya. Naku! Hindi marunong mahiya! Talagang pinahintay pa kami? Kung sa kanila okay lang pwes sa akin, isang malaking hindi!

"Nasa cafeteria pa ako. Hintayin kita rito." she said before I hang up.

Nagmamadali akong bumaba sa hagdan at tumungo sa cafeteria. Maybe this is an urgent one.
Pagkarating ko sa inuupuan niya agad ko siyang tinawag.

"Chu!"

Lumingon siya sa tawag ko. Muntik na akong matalisod dahil sa mga ngiti niya na sumalubong sa akin.

I thought she's in trouble?
What's with the big smile?

"Oh? Anong klaseng ngiti 'yan?"

"Omg Feb! You're not gonna believe this!" maarteng bulalas niya

Really? I can't believe this girl!

"What?" I snapped at her

"Joshua asked me for a date!"

Nahihilo ako sa yugyog niya sa balikat ko.
Damn this crazy girl!

"So?"

"So... Can you help me find a dress? I can't go home to get one."

Seriously? Pinapunta niya ako para dito?

"So, Joshua... is the new flavor of the week."

That was a statement. No need to ask. I know right.

"I like him. Alam kong alam mo iyon."

Like? Sa susunod na araw love na? Ganun ba 'yon?
Tumikhim ako bago siya sinagot. You like him? Ilang araw pa lang kayo nagkakilala like na agad?

"Kakabreak niyo lang ni Christian diba? Tapos sasabihin mong you love him? Really, Chu?"

Napaupo ako sa harapan niya. Hindi talaga kita tatantanan babae ka. I'd given up my time for this.

DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon