Part Six
Pinahid ko ang luha ko nang hindi pa tuluyang umagos mula sa mga mata ko. Inabutan ako ng tissue ni Khim. I uttered her a word at binalik ko rin ang tingin ko kay Desiree. She is now delivering her speech kaya naging emotional kaming lahat.
Actually, kaming mga babae lang 'ata. Well, except Xean. Nakita ko kasi siya kanina na kumuha ng tissue at saka tumalikod. Maybe he's crying too."To my friends, thank you for always been there everytime I need help..." Desiree said it between her sobs
Nginitian ko siya nang tiningnan niya ako. Yeah, those were the days. Now, you're finally eighteen.
After she finished her speech, humiyaw ang lahat nang pinatugtog ulit ng disc jockey ang isang dance music. Dumadagundong ang sigaw nilang 'disco'. I was watching them when they form a big circle on the dance floor. Tumatawa ako ng mahina dahil sa iba ibang dance steps nila.
I was about to grab my phone and take them a picture when somebody sat beside me.
I turned to face and saw his smart-ass face while looking and smiling at my friends who were crazily dancing."They look so happy. Aren't you going to join them?"
I sighed. Can't he feel that I don't want to talk to him?
I put my phone back in pouch.
Pero inilabas ko rin ito nang may naalala ako. Nagtipa ako nang mensahe para kay mama.To Mama:
Ma, tapos na kaming kumain. Nasa bahay ka na po ba?
I pressed send at inantay ang sagot ni Mama.
"Seenzone."
Lumingon ako sa kanya. Nandito pa rin pala 'to?
"Dedma nga. Tibay!" bulong niya ngunit dinig ko naman
Anong bang nakain ng lokong 'to? Papansin masyado e!
"Pwede ba? Wag mong sirain ang gabi ko. Shoo!" taboy ko sa kanya
Pinanlakihan niya ako ng mata. Ha! Kung ibang tao ang kaharap mo, kanina pa tumakbo sa takot. Si Niña Feberly 'to! That has nothing effect on me.
Tumunog ang telepono ko kaya dali dali ko itong inangat at sinagot.
"Ma?"
Tumayo ako nang hindi ko marinig ang sinabi ni Mama sa kabilang linya dahil sa lakas ng music, idagdag mo pa ang maingay na sigawan nila. Pumunta ako sa gilid ng bahay nina Desiree.
Hay salamat, hindi ko na gaanong dinig ang ingay doon. Inilapit ko ulit sa tenga ko ang telepono."Ma?" tawag ko ulit kay Mama
"Pauwi ka na?"
"Maya maya po. Sasabay nalang ako sa kanila."
Umupo ako sa swing at tinanggal ang high heels ko. Kanina pa ako paika ikang naglakad dahil sa sakit ng paa ko kaya pansamantala ko munang tinanggal.
"Okay. Just text me para maabutan pa kita."
I sighed. Mom is always uneasy everytime I go home late. Though sometimes she knows where I am. Kagaya ngayon.
"Ma, 'wag mo na akong antayin. Magpahinga nalang po kayo pagkarating niyo..."
I heard her sighs before she hung up.
Bumuntong-hinga rin ako pagkatapos. I looked up and saw the stars scattered above. The star we've been looking way back then is still there, but right now I'm looking it all alone. Tumayo ako. No way! I'm not going to cry again. I'm here to party not to dwell with this drama. I hurridly put on my pumps and go back to my table. Hindi pa ako nakaupo ng maayos ay hinila na ako nina Chloe at Marichu sa dance floor. No... I'm not dancing. Pinagdilatan ako ng dalawa. Shit!
I can't dance. And they know that! What now?"Masakit ang paa ko..." sabi ko sa kanila at hinila ko ang sarili ko pabalik
"Kill joy ka talaga kahit kelan!"
Pumikit ako sa sigaw ni Marichu sa mukha ko.
Umupo ako sa pinakalapit na upuan nang may humawak sa braso ko.
"Des!" gulat kong sambit sa kanya
"Can I ask a favor?"
Hinila ko siya papalapit sa akin dahil hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya.
"Ha?" tanong ko ulit sa kanya
Tumikhim siya at inilapit ang bibig sa aking tainga.
"Pakisuyo naman oh, namamaga na ang paa ko sa sakit dahil sa high heels..."
Agad kong tiningnan ang paa niya. Like me, she's not used to wear this thing. Ngumiti ako at binalik ang tingin sa kanya.
"Please get my flats on my room. Xean is talking with Dad, I can't interrupt them..."
Tumango ako pagkatapos niyang sinabi kong saang parte ng kwarto niya nailagay ito at pumasok ulit sa mansion.
Lumiko na sana ako sa kwarto ni Desiree nang may nahagip sa mata ko sa bandang kaliwa katabi ng water closet.
Kinusot ko ang mga mata ko at diristong tumingin sa nakasandal na mestisang babae sa pader.
"Aren't you done?"
Patakbo kong pinasok ang kwarto ni Desiree at mabilis na sinara ang pinto nito. Dammit!
It's Jessica! Bumilis ang tibok ng puso ko nang nakita kong may hinihintay siya doon. Is it Keith? They're here? Bakit nandito sila?"Oh. Shit. Not now, please. Wag muna ngayon..." paulit ulit kong bulong ko sarili habang hinagilap ang flats ng kaibigan ko
This is not gonna happen. I am not yet ready to face them! To face him!
Maingat kong sinara ang pinto ng kwarto at bumaba. Hanggat maari iniwasan kong maglikha ng ingay ang bawat apak ko sa hagdan. Though I'm not sure if they're still there, nanigurado lang.
Pagkalabas ko agad kong pinuntahan sa Desiree na ngayon ay maingat na minamasahe ni Xean ang kanyang talampakan."Des..." inabot ko sa kanya ang flats at umupo sa tabi niya
"Masakit pa rin ba?" tanong ko sa kanya habang nakadungaw sa paa niya
"'Di na masyado. Nabigla ko yata, 4 inches din 'yon. 'Di pa naman ako sanay..." sagot niya habang nakatingin rin sa talampakan niya na namumula
"Tigas kasi...'yan tuloy." pamamaktol ni Xean
Tumawa ako nang pinatid ni Desiree ang paa niya sa mukha ni Xean. They're so cute together. I wonder if they are lovers or just friends. Torpe naman kasi 'tong isa, pero I always saw him with different girls every week. Bakit kaya? Itong isa naman manhid na tanga, ewan ko ba dyan.
Tumayo ako at nagpaalam muna sa dalawa. You know, quality time. Baka maisipan din na magtapat ang isa. Now, I'm playing cupid to them. Napangiti ulit ako.
"Ouch!"
Agad kong pinulot ang purse nya na nahulog sa damuhan dahil sa banggaan namin.
"Sorry." sambit ko sa abot ng purse sa kanya
My eyes unconciously widen nang makita ko ang mukha niya. Of all people, si Jessica pa talaga.
She looked at me like she saw me somewhere na hindi na maalala. Tumikhim ako para hindi pumipiyok ang boses ko.
Damn, damn, damn."Niña Feberly Pescante." I extended my hand and she accepted it without blinking her eyes
"Jessica. Jessica Frasco."
I smiled. I hope it was not fake. But I can't really hide my bitterness to her. I'm not good at faking my expression.
Is she with him?Lumingon ako at nakita kong may paparating. Inikot ko ang paningin at nakita si Phillip na may kaharutan sa dance floor. Dali dali kong pinuntahan siya at kinaladkad papunta kina Jessica at... kay Keith?
"What the hell are you doing?" pagalit na sigaw niya sa akin pero di ko pinansin
Hinarap ko si Keith at Jessica.
"Uhm... Jessica, Keith. Si Phillip, Phillip Cervantes, boyfriend ko."
