39

41 2 0
                                    

Kuya!!! sigaw ni Aira

Yes baby?- Hiro

Aalis na kami ni Pao.

Okay sige, ingat kayo. Pao ingatan mo yang kapatid ko.

Yes Kuya Hiro maaasahan mo ko -Pao

Pagkaalis nila Aira, dumeretso sa kusina si Hiro at kumuha ng yelong may tubig. Pagkainom niya umupo siya sa sofa huminga ng malalalim at nagisip ng malalim.

Flashback

Naglalakad si Hiro sa Mall galing siya sa isang meeting sa client according sa deal nila sa binebentang car ni Hiro. Dumaan muna siya para kumain dahil tanghali na rin at nakakaramdam na siya ng gutom.

Papasuk na siya sa isang Fast Food Restaurant ng may marinig siyang familiar na boses.

Natigilan si Hiro papasuk sa Restaurant ng makita niya si Shin, kasama ang isang lalaki at batang babae na nagtatawanan. Pigil ni Hiro ang kanyang kamao sa mga nakikita niya. Sa mga oras na yun makikita sa itsura ni Hiro ang sobrang pagseselos. Shit! Shin, gusto kitang hilain at alisin sa taong kasama mo ngayon sa isip ni Hiro.

Bumalik si Hiro sa realidad.

Palaisipan kay Hiro kung sino ang mga kasama nito. Boyfriend ba niya yun? Siya na ba ang pinalit niya sa akin? Sino nga ba naman ako?! Ako lang naman yung taong nanakit sayo, nangloko sayo, ang tanga ko ang tanga tanga ko talaga! Pigil na iyak ni Hiro habang sinasabi niya ito. Wala akong magawa. Mahal parin kita, sobra! Mahal na mahal. Pero anong magagawa ko. Isang ama na ko, di na ko buong Hiro na dati mong nakilala.

Pumunta sa kusina si Hiro at binuksan ang Refrigerator. Kumuha siya ng can of beer saka niya ito ininom ng sunod-sunod na lagok.

Haaaaaaa.. pigil na paghinga ni Hiro.
Siguro nga, ito nalang ang nararapat kung gawin. Siguro dapat na kitang kalimutan. Dahil hindi ko na deserve pang lumigaya. Hindi na ko aasa pang magkakabalikan pa tayo. Masaya ka na. Sapat na yun para maging okay na rin ako, basta masaya ka. Shin pakakawalan na kitang tuluyan. Hindi na kita guguluhin. Hindi na!

Ken's pov

Nasa sala si Wendy at nanunuod. Dala dala ni Ken ang tray with food at tumabi kay Wendy sa sofa.

Honey, kain na tayo. Magmerienda na kayo ng baby boy natin.

Himas ni Ken sa tiyan ni Wendy. Hi, baby how are you? Kain ka na ha. Mahal ka namin ng Mama mo. Mana ka sakin di ba? Parehas tayong gwapo. Paglabas mo Mama and Papa will be happy and proud of you.

Ngumiti naman si Wendy. O siya kain na tayo, Honey! Hay naku! Binobola mo nanaman ang baby natin.

Sumipa ang bata sa tiyan ni Wendy. Honey! Sumipa si Baby, masayang saad ni Wendy.

Talaga, Honey?? Pahawak nga!

Tuwang-tuwa si Ken. Woohh! Sumipa nga. Haha Haha.

I love you Honey, baby! Humalik si Ken sa noo Wendy. I love you! Maging sa ilong. At mas matagal sa labi.

I love you too, Honey! Aalagaan kung maigi si Baby at ikaw.

Alam ko yun Honey!

Nagakapan ng mahigpit ang magasawa. At saka nila inasikasong kainin ang mga pagkain.

My love, forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon