28

58 1 0
                                    

Nasa Entrance Music Bar0.88 na si Shin at nagmamadaling pumasuk. Medyo madilim sa Bar. At inaaninag pa ni Shin papunta sa harap para umupo doon. Maya-maya nakakita na siya ng bakante at doon uupo kaso may isang taong nasagip ng kanyang mga mata. At bigla siyang nawala sa sarili.

Nakita niya si Hiro at may babaeng nakahawak sa leeg nito at tumatawa. Inaalalayan naman ito ni Hiro.

Hiro!!!!! bahagyang sigaw ni Shin

Lumingon si Hiro at napakalas ng mabilisan kay Carie at nagulat.

Saktong nayari ang kanta nila Deo at madalian niyang binaba si Shin galing stage.

Best. Tara na. Please! Huwag dito.

Bitawan mo ko Best!!! Matigas at nagdidilim na sabi ni Shin

Sweet, magpapaliwanag ako kinakabahang sabi ni Hiro.

Magpapaliwanag?? Sa anong nakita ko may nakayakap na babae sayo?

Sweet nagkakamali ka.

Babe! Sino ba siya? Ha?-Carie

Babe?? Tuluyan ng kumawala ang mga luha ni Shin..

Please. Carie, stop it! sabi ni Hiro kay Carie. Sweet nagkakamali ka ng iniisip mo.

Liar. Narinig ko nang lahat. Magpapalusot ka pa Hiro.

Wait.. sabad ni Carie. So you! mataray na banggit nito. Gf ka ba ni Hiro?

Yess!! matapang na sabi ni Shin. At Ex niya nalang ngayon. Magsama kayo. Mga mangloloko.

Sweet. Huwag mong gawin sakin to.-Hiro at hinawakan niya sa kamay si Shin

Malakas na kinalas ito ni Shin. Huwag mo kong hawakan.

Shin. Umalis na tayo pakiusap ni Deo.

Oo aalis na tayo.

Wait sabi ni Carie. Saka ito lumapit kay Hiro at hinalikan ito sa labi. Saka tumingin kay Shin at ngumiti ng nakakaloko.

Humagulgol ng malakas si Shin at sinabing. Walanghiya kayo sa harap ko pa talaga. Hinila ni Deo si Shin para umalis na..

Bakit mo ginawa yun? Galit na sabi ni Hiro kay Carie. Hinabol ni Hiro si Shin..

Sweet huwag mo kong iwan. Pagmamakaawa ni Hiro.

Pare huwag mo na kaming sundan. Harang ni Deo kay Hiro..

Habol parin ito ng habol..

Sweettttt- Hiro

Huminto si Shin saglit at saka niya hinarap si Hiro. Sinampal niya ito ng malakas Pak! . Kulang pa yan Hiro. Ang sakit! Minahal kita tapus ginago mo lang ako. Wala kang kwenta. Pare-pareho kayong mga lalaki kayo. Huwag ka nang magpapakita sakin. I hate you!!! Saka tumalikod at umiiyak na umalis si Shin.

Shinn!!! Sigaw nalang ni Hiro at nakahawak sa pisngi niyang sinampal ni Shin.

Si Carie naman umupo ulit sa mesa at nagpakalasing pa ng todo sa paginom.

Lahat ng tao sa bar na kaninang nakiusyoso ay balik sa lahat ng ginagawa kanina.

My love, forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon