16

70 2 0
                                    

Pao's pov

Nakaupo si Pao sa kanilang sofa pagkagaling kila Aira. Sobrang lungkot ng mukha niya. Aish! Nakakainis. Oo nga naman tatlong taon na din ako nagpaparamdam kay Aira pero bakit hindi niya yun napapansin. Kanina sobra talaga akong natamaan sa sinabi ni Kuya Hiro bigla nalang akong natameme. Hayy.. Ang drama ko naman.. Baka nga kaibigan lang tingin sa akin ni Aira. Saklap!!! Sa ngayon hindi ko alam kung ano ba ang gagawin. Basta ang alam ko lang ayokong mawala siya sa buhay ko.

Flashback

Sa Mall habang naglalakad si Pao. Hindi siya nakatingin sa kanyang dinadaanan. Biglang may bumunggo sa kanyang harapan.

Aray. Ano ka ba? Hindi ka nagiingat. Alam mong may kasalubong ka.-Pao

Hey. Baka ikaw kung saan-saan ka tumitingin mataray na sabi ni Aira.

Aba! Nakalabing sabi ni Pao

Ha-Ha hindi na nga nag apologies ang panget pa. Panget! Hmp makaalis na nga.

Hey. Miss for your information hindi ako panget pahabol na sabi ni Pao

May araw ka din..

Sa school nagpunta si Pao sa Canteen for lunch kasama ang mga taga Org. First year college ako noon at President ako.

Tignan mo nga naman haha kilala ko yang babae na yan ah tukoy ni Pao kay Aira na bumibili sa Canteen.

Miss yung nakapink na may hawak na bag kulay itim. MISS!!!-Pao

Tumingin naman si Aira sa gawi ni Pao na nakangiti..nagulat si Aira sa nakita.

Kamusta Panget?-Pao sabay kindat nito.

Pa-nget ka diyan..-Aira

Wooh... Guys! Pinakikilala ko nga pala ang new friend ko si Panget! Naghiyawan naman ang mga estudyante na nandun.

Sa sobrang inis ni Aira tinadyakan niya sa tuhod si Pao at sabay alis ng Canteen.

Ouch! Shit! Sakit sabi ni Pao habang hawak hawak ang tuhod.

Yo. Mr. President may nakatapat ka din tsk.-Pao's Org Friend.

Araw araw laging sinusundan ni Pao si Aira kapag nakikita niya ito.

Ano ba ang kulit mo. Wag mo nga ko sundan-Aira

Bakit masama bang makipagkaibigan sayo-Pao

Wag ako ang pagtripan mo okay! Sabay walk out ni Aira

Haha ilang beses na kong naiiwan sa ere ni??? Ano nga ba name niya? Haha-Pao

Mag-isa nalang si Pao sa Student Council Office ng mapagpasyahan na niyang umuwi. Nadaan ni Pao ang Toilet ng may marinig siyang ingay.

Aira ano ba? Pahingi ng pera sabi nito sa loob ng CR. Lalaki ang boses pero nasa CR ng babae.

Huhu wala nga Drake ang kulit mo naman.

Wag mo nga kaming iyakan. Bigyan mo na kasi kami ang arte mo. Mayaman ka wala kang pera. Kapag sa Room natin nanlilibre ka pa sa friends mo.

Eh *sob* wa-la nga akong dala dito.

Tang*** naman. Ako pa lolokohin mo Aira. Pahinge na.

A-no ba kasing gagawin niyo sa pera. Ipangpupusta niyo nanaman. Mayaman naman din kayo bakit kasi inuubos niyo lang sa sugal.

Hindi ko hinihinge opinion mo Gago. Sasampalin na sana nung isang lalaki si Aira sa inis pero pumasuk si Pao na may dalang Video Camera at nakatutok sa kanila.

Sige! Subukan mong saktan siya. Ditelyado lahat ng sinabi at akto niyo sa video cam na ito. Ipapasa ko ito sa President's office tignan ko lang kung hindi kayo makick-out sa School na ito. Sa totoo lang kahit isang eksena wala akong nakunan. Sinabi ko lang. Narinig niyo naman siya wala siyang pera di ba?

Dude. Tigilan na natin ito. Patay ako kay Papa nito-Boy 1

Ako din patay ako nito-Boy 2

Shit! Aish! Tang*** naman sabi ng leader nila.

Hoy bakit ba kating-kati ka magkapera ha?-Pao

Sorry President Pao. Natalo kasi kami sa pustahan. Nagastos ko allowance ko this week. Hindi na ko makakahingi kay Dad.

Wala na ko pera.

Boss dinamay lang kami nito sabi nung dalawa.

Ayusin mo yang problema mo. Sa susunod huwag niyo na guguluhin si Aira ha. Ito 1k pwedi na yan. Pasalamat ka bibigyan pa kita. Aalis na yung tatlo ng tawagin ulit ito ni Pao.

Hey. Remember the Video. Pag guguluhin niyo ulit ang babae na ito-turo ni Pao kay Aira. Sa Jail ko na iyon ipapakita. Halla bilis umalis na kayo baka ano pang magawa ko sa inyong tatlo.

Opo Boss sabay yuko ng tatlo at umalis.

Nilapitan ko si Aira. Okay ka na ba?-Pao

Tumingala si Aira at nagpunas ng luha sa mata. Ok na ako Salamat ha-Aira

Ayos lang! Ingat nalang minsan. Gabi na hatid na kita sa inyo. Saan ba!?-Pao

Sure ka ba?-Aira

Oo naman-Pao

Salamat Panget!-Aira

Ako O口O! . ganyan ka ba talaga magpasalamat? Panget talaga? May name ako Clinford Pao Martin. Sabay abot ni Pao sa kamay niya kay Aira :)

Sorry. Kasi naman sa tuwing aasarin mo ko. Panget tawag mo.

Ikaw kaya nagsimula sa Mall. Remember?-Pao

Nabigla lang ako dati. Pasensya! :)

Wala yun ;) tara na hatid na kita.

Naging magkaibigan na kami since nung pangyayari na yun at nakasanayan nadin namin na Panget ang tawagan. Ang alam nila sa School kami dahil sa close kami pero hindi nila alam kaibigan lang.

End of flashback

Nahimasmasan si Pao sa pagbabalik-tanaw at pagtingin niya sa oras. Pasado alas dose na ng gabi. Tunog ng tunog ang phone ni Pao pero hindi niya iyon pinansin ng makita pa niyang name ni Aira ang nasa Inbox. Pinatay niya nalang yung phone at dumapang natulog.

End of Pao's pov

My love, forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon