31

49 1 0
                                    

Mia please, pakisabi naman kay Shin gusto ko siyang makita pagmamakaawa ni Hiro

Sir, Sorry pero wala talaga si Maam dito. Pasensiya na po. -Mia

Ah ganun ba? Ok sige pakisabi babalik nalang ako sa ibang araw. Salamat

Kinabukasan..

Maam si Sir Hiro nasa lobby nanaman nangungulit gusto daw po kayo makausap-Mia

Mia pakisabi please wala ako dito ayoko siyang makita-Shin

Sige Maam..

Sir Hiro.. Hindi pa ba kayo aalis. Wala naman yung taong pinupuntahan niyo dito-Mia

Saan ko ba siya pweding puntahan. Mia nagmamakaawa ako gusto ko na talaga siyang makausap-Hiro

Umiiling nalang si Mia na nagsasabing hindi niya alam.

Dahan-dahan na umalis si Hiro at bagsak ang balikat sa pagkabigo.

Bumalik nanaman si Hiro other day. Papasuk palang siya ng Hotel. Lumapit agad si Mia at sinabing.

Sir, wala pa siya malungkot na sabi nito.

Pang apat na balik na ni Hiro sa Resort para kausapin si Shin.

Mia ano nandiyan na ba siya?

Naku Sir. Wala parin talaga.

Sumimangot si Hiro at nagpaalam nalang kay Mia. Ganun ba? Talaga yatang ayaw niya na akong makita umalis nalang si Hiro na sobrang lukmo.

Hayss. Naaawa na ko kay Sir Hiro. Tsk. Seryoso pa naman ata siya sa paghingi ng tawad. Biruin mo araw arawin ba naman pagpunta dito kahit alam niyang wala naman siya mapapala dahil ayaw talaga magpakita ni Maam sa kanya.

Pagpasuk ni Mia sa office ni Shin.

Oh ano, nakaalis na ba? -Shin

Opo Maam. Nakakaawa nga po siya- Mia

Kaylanman hindi kinakawawaan ang mga taong tulad niya. Mangloloko siya matigas na sabi ni Shin Siya bumalik ka na sa trabaho mo.

Opo Maam masusunod-Mia

Habang nagmamaneho pauwi si Hiro lulan ng kanyang kotse. Sobrang hindi maipinta ang mukha nito. Haist buntong-hininga ni Hiro. Alam kung nasa loob lang siya ng office niya at inuutusan lang niya si Mia para sabihin wala siya doon. Bakit Shin? Bakit? Ganun nalang ba ikaw katigas at ayaw mo manlang pakinggan paliwanag ko bulaslas ni Hiro Ganun nalang ba talaga. Ang laki ng respeto ko sayo Shin. Kaya kahit gusto ko ng sugudin ka sa loob hindi ko ginawa.

Hindi parin huminto si Hiro muli ulit siyang nagtungo sa Resort para masulyapan man lang sana si Shin. Kaso nabigo lang siya.

Si Shin nasa loob lang office diba? kaso ayaw niya ko makita malumanay na sabi niya kay Mia.

Tumango lang naman si Mia.

Bukas babalik ulit ako. Pakisabi sa kanya.

Pero Sir Hiro may pinasasabi si Maam. Huwag nadaw po kayong babalik dito. Ayaw niya na po kayong makita. Pasensya na po- Mia

Ganun ba. Okay! Aalis nadin ako.

My love, forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon