33

70 1 0
                                    

Music bar0.8

Habang inaayos ni Deo ang guitara niya. May isa siyang taong napansin sa di kalayuan.

Tignan mo nga naman ang pagkakataon, nandito pala ang babae na ito! Ang dahilan ng paghihirap at sobrang sakit na nararamdaman ng Best ko.

Wala na sa katinuan si Carie at lasing na lasing na.

Biglang hinagip ni Deo ang kamay ni Carie at inalalayan ito sa kadahilanang muntikan na itong matumba.

Ughh. Shiino ka? Bakit mo ko hinahawakan??!

Deo's silence...

Hoy lalaki. Bitawan mo ko. Sino ka ba?? Sigaw ni Carrie dumeretso siya ng tingin kay Deo.
Ayt.. *Hik* Teka ikaw yung tatanga tangang la-laki na nakabunggo ko sa Ai...-rport dati ah...

Tinitigan ni Deo si Carie. Ikaw!!! Frustrated na sabi nito.

None other than. At ikaw din yung kasama nung ex ni Hiro diba?? Hahaha sabihin mo nga. Panget ba ako!!!? Bakit pinagpalit ako ni Hiro sa babaeng yun. *sob* saglit lang naman akong nawala ahh..

Lasing ka na. Hahatid na kita. Nasaan yung susi mo? Saan ka nakatira?!

Here inabot ni Carie ang bag niya kay Deo. Lahat ng tanong mo nandiyan.
Mmm nawalan ng malay si Carie at nakatulog.

Haist! Nakakainis! Pagmamaktol ni Deo. Ang bigat ng babae na ito habang buhat niya si Carie at dinadala sa parking lot para pumunta sa kotse nito.Dahan-dahan na ibinaba ni Deo si Carie sa harap ng kotse.
Pinakialaman ni Deo ang bag ni Carie para malaman lahat ng impormasyon.

Naihatid ni Deo si Carie sa Condo nito at inilapag doon sa may sofa.

Mm.. Hm.. Naalimpungatan si Carie. Saan ka pupunta?

Babalik sa Bar. Naihatid na kita diba? Okay ka na siguro.

Sa---lamat! Pakisara nalang yang pinto.

Okay-Deo

Nagabang ng taxi si Deo pabalik ng Bar. Napaisip si Deo. Humanda ka Carie. Panahon naman para ikaw ang magdusa. Papaikutin kita. Hindi ka naman siguro mahirap paglaruan. Gaganti ako para sa best ko. Papaibigin kita! Liligawan at kapag nahulog ka na. Saka kita iiwanan at ipaparamdam ko sayo ang sakit na pinaramdam mo sa nagiisang mahal ko. Nanggigigil na saad ni Deo.

My love, forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon