Chapter 5

74 4 1
                                    

SWEET AS SUGAR

                   TULAD ng mga nakaraang mga araw, nagising na naman ako na naroon na sa bahay si Ranz. Mukhang wiling-wili siya sa pakikipag-bonding kay Mama sa pagluluto kaya hayun at inaraw-araw na ang pagpunta sa amin ng umaga. Tuwang-tuwa naman sa kanya si Mama dahil ang bait daw nito at ang sipag. Si Sey-sey naman ay mukhang enjoy na enjoy na meron na siyang kasundo sa panonood ng TV at paglalaro. Mas madalas pa nga niyang sabihin ang “Kuya Ranz” kesa sa “Ate Chase”.

          Naabutan ko silang dalawa na nanonood ng TV paglabas ko ng kwarto. Spongebob Squarepants. Nakasalampak silang dalawa sa sahig at kumakain ng nachos.

          Lalampasan ko nalang sana sila upang dumiretso na sa kusina nang lumingon sa akin si Ranz.

“Good morning, sweetheart.” nakangiting bati niya.

          Ngumiti din ako. “Naging morning habit mo na ang pakikinood ng TV, ah?” sabi ko.

          Lalakad na sana ako papunta ng kusina nang tumayo siya. “Hey, wait.” sabi niya saka madaling lumapit sa akin.

          Nang makalapit siya ay mabilis na hinalikan niya ako sa noo saka inakbayan.

          “Sabayan na kitang kumain.” sabi niya saka ako iginiya papunta sa kusina.

          “Wow, welcome na welcome ako dito sa bahay niyo, ah?” biro ko.

          “Syempre.” pagsakay niya naman sa biro ko. “Napapansin ko parati kang mabango kapag nandito ako.” dugtong pa niya.

          Ngumiti ako at kinurot siya sa tagiliran. “Feeling mo naman. Hindi ko sasayangin pabango ko para sa ‘yo.” sabi ko.

          “Talaga lang, ah? Sabi kasi ni Sey-sey hindi ka naman dating ganyan kapag umaga, eh.” sabi niya. Binitiwan niya ako at ipinaghanda ng upuan.

          Lokong kapatid ko, anu-ano pa ang ikinukwento. “Kapal mo talaga, ‘no?” natatawang sabi ko sa kanya.

          “Umamin ka na kasi.” aniya.

          Kumuha siya ng plato at sinabayan akong kumain. Naupo siya sa bangko sa tapat ko.

          “Hindi ka pa nag-breakfast?” tanong ko sa kanya habang sabay na kaming kumakain at siya itong mukhang gutom na gutom imbes na ako.

          “Hondo po.” nakalobo ang bibig na sabi niya. Heto na naman ang gwapong popperfish. “Hinihintay kita, eh.” dugtong niya.

          “Hindi ka sumabay kina Mama?” tanong ko pa.

          Umiling lang siya at tuluy-tuloy na kumain.

          Napangiti tuloy ako. Maloko talaga ‘to. Tiningnan ko ang oras sa suot kong digital wrist watch. “10:48 na. Bakit ba hindi ka pa sumabay kina Mama? Mukha ka tuloy hindi kumain ng isang linggo.” sabi ko sa kanya.

          Tiningnan niya ako at nginitian. Gasgas na gasgas talaga ang salitang “ngiti” kapag kasama ko ‘tong mahal kong ‘to. Segu-segundo, minu-minuto nakangiti.

“Gusto ko kasabay kita.” sabi niya.

Hindi ko na siya kinibo pa habang kumakain. Mukha kasing na-deprived siya ng sobra sa pagkain kaya hayun at sarap na sarap sa paglantak ng kanin, ham, hotdog, tapa, longganiza, itlog, pan de sal at cheeze. Walang patawad. Habang ako naman ay nakangiti lang na nakamasid at nanonood sa kanya. Hindi ko alam na ganito pala siya kumain kapag gutom na gutom. He looked starving and yet he still has that appeal that surely can capture every girl’s heart.

Perfect Fake 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon