Chapter 4

68 5 1
                                    

FRIENDLY DATE

                   MAAGA akong pinuntahan ni Phillip para sa lakad namin ngayong araw. Go naman ako kahit wala akong idea kung saan niya ko balak dalhin. Ngayon nalang uli kami magkakasamang maggala kaya medyo excited ako kahit na alam kong ibang-iba na ang mga bagay noong mga bata pa kami sa mga bagay ngayon.

          Una naming pinuntahan ang paborito naming playground malapit sa luma naming elementary school. Doon kami madalas maglaro kasama ang iba pa naming mga kaibigan.

          “Maliit lang pala ‘to, ‘no?” tanong ko sa kanya nang manatili lang siyang nakatingin sa akin habang naglalakad kami paikot sa lugar. Gwapong-gwapo siya sa suot niyang itim na synthetic leather jacket, gray printed shirt, overhauled jeans at gray leather boots. Kaya naman hindi ko na mabilang ang babaeng napalingon sa kanya kaninang naglalakad kami.

          Halata namang nalihis ko ang atensyon niya nang ilibot niya ang paningin niya sa paligid. “I used to think this is the biggest playground I’ve ever seen. Ironically, it’s the smallest and oldest one now.” nakangiting sabi niya.

          Naupo ako swing at ganoon din siya.

          “Nakaka-miss maging bata, ‘no kulet?” tanong ko sa kanya. Ba’t ang tahimik niya? Ako na ang nagsimula ng usap dahil medyo weird na naging tahimik siya.

          “Sobra. No heart problems, wala lahat. Parang everyday is a sweet dream.” sabi niya.

          Tiningnan ko siya. Nakatingin siya sa malayo.

“May problema ka ba?” usisa ko. Kilala ko siya, sigurado akong may problema siya. Sa kilos palang niya ay alam kong meron.

          Tinitigan niya ko. At ngumiti siya. “Meron. But it’s not a big deal. Maliit na problema lang.” sabi niya.

          “Baka makatulong ako.” sabi ko.

          “Hindi na. Anyway, we came here to enjoy, not to solve my problem.” sabi niya.

          “’Yun na nga, eh. How will you enjoy if something’s bothering you?” sabi ko sa kanya.

          Pero hindi niya ako sinagot. Tumayo siya mula sa duyan at nagpunta sa likuran ko.

          Hindi ko napigilan na mapatili nang iugoy niya ako ng malakas sa duyan. “Baka mapatid ‘to.” natatawang sigaw ko.

          “Matibay ‘yan.” natatawang sabi niya.

          “Phillip, stop it!” saway ko sa kanya nang hindi niya ako tigilang iugoy.

          Para akong titilapon sa lakas ng ugoy niya kaya halos mapatid na ang litid ko sa leeg sa kakatili. Samantalang tawa naman siya ng tawa sa ginagawa niya sa akin.

          “Salbahe ka.” sabi ko sa kanya pagtigil na pagtigil ng duyan. “Pareho kayo ni Ranz. Ginagawa niyo kong katatawanan.” dugtong ko pa.

          Ngumiti siya. “How long have you been with each other?” tanong niya.

          “About a year now.” sagot ko.

          “Sana pala sinama natin siya para mas nagkakilala kami.” sabi niya.

          Sus! Paano kayo mag-uusap ng matino no’n, eh seloso ‘yon? “Busy siya, eh.” pagsisinungaling ko.

          Sandali niya akong tinitigan. Medyo nailang naman ako kaya agad akong nagtanong, “Bakit?”

          Ngumiti siya. Saka umiling. “I didn’t expect you to be as beautiful as you are right now.” sabi niya.

          Ngumiti rin ako. “Bola.” sabi ko.

                   MAGTATANGHALI na nang matapos kami ni Phillip sa pag-iikot sa luma naming elementary school. Nilibot namin ang buong eskwelahan at playground. At kahit medyo masakit na ang paa ko sa kakalakad ay nakuha ko pa siyang ayain sa maliit na exotic resto na medyo may kalayuan din sa pinanggalingan namin.

          “Masarap ang  pagkain dito.” sabi ko sa kanya habang hatak-hatak ko siya sa kamay papasok sa loob.

          Nang makaupo kami ay agad kaming nilapitan ng waiter at inabutan ng menu.

          “Bigyan mo siya ng 3 balot, kuya. Sa akin fried tofu, ‘yung maparas.” nakangiting sabi ko sa waiter.

          “What? You want me to eat balot?” gulat na tanong ni Phillip. “Alam mong hindi ako kumakain no’n, ‘di ba?” dugtong na tanong pa niya.

          Ngumiti ako. “Try mo lang.” sabi ko.

          Alam kong hindi siya kumakain ng balot. Diring-diri siya roon. Amoy palang niyon ay hindi na siya mapakali sa lansa.

          Kokontra pa sana siya nang makita niyang nakaalis na ang waiter na lumapit sa amin.

          “Balot sa ‘kin, ‘tapos sa ‘yo fried tofu lang?” reklamo niya.

          Nang dumating ang in-order namin ay nagtakip na siya ng ilong.

          Natawa naman ako. “Kakainin mo ‘yan whether you like it or not.” natatawang sabi ko. Sino bang mag-aakala na sa gwapo niya ay para pala siyang babae sa arte sa balot. Haha!

                   HALOS MAMALIPIT ako sa sakit ng tiyan sa kakatawa kay Phillip. Nagawa niyang kainin ang tatlong balot na in-order ko para sa kanya. Pero kapalit naman niyon ay ang pagsuka niya nang umalis kami sa resto at magpunta sa beach na ilang minuto lang na biyahe ang layo mula roon.

          “Ang sama mo.” sabi niya habang naglalakad kami sa buhanginan. Namumula pa ang mata niya na maluha-luha dahil sa pandidiri niya sa balot.

          “Nakakatawa ka.” natatawang sabi ko sa kanya.

          Inakbayan niya ako saka pabirong sinakal.

          “Lansa mo.” biro ko sa kanya.

          Tumawa siya. Aakbayan sana niya ako uli para sakalin pero umiwas ako at lumayo ng kaonti sa kanya habang tumatawa.

          “Ikaw.” banta niya saka ako hinablot.

          Niyakap niya ako sa baywang mula sa likod at ibinuhat. Walang malisya ‘yon, okay? ;’)

          Tumatawa pa rin ako hanggang sa ibaba niya ako at bitiwan. “I’m so happy you’re back.” sabi ko.

          “I hope we could do this more often.” sabi niya.

Perfect Fake 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon